08/06/2026
πππ πππππ ππππ, ππππππ, ππ ππππππππππ ππ ππππππ
Ang lindol ay isang likas na kalamidad na maaaring mangyari anumang oras. Dahil dito, mahalagang maging handa at magkaroon ng sapat na kaalaman upang mapangalagaan ang ating sarili, pamilya, at komunidad sa oras ng sakuna.
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kahandaan sa sakuna, ipinapaalala ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa pangunguna ni Punong Bayan Ark/Inh Elmor Vitangcol Vita, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang mahahalagang gabay na dapat sundin bago, habang, at pagkatapos ng lindol.
Ang wastong paghahanda, mabilis na pagresponde, at tamang impormasyon ay mahalagang susi upang mabawasan ang panganib at maiwasan ang mas malalang pinsala sa oras ng pagyanig. Hinihikayat ang lahat ng Nagcarlangin na maging mapagmatyag, manatiling kalmado, at isabuhay ang kultura ng kahandaan sa lahat ng pagkakataon.
Tandaan na ang pagiging handa ngayon ay maaaring makapagsalba ng buhay bukas.