12/05/2025
Magandang Araw po sa ating lahat.
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin sa aking laban, hindi man pinalad ngunit maraming natutunan, narinig ang mga hinaing ng ating mga kababayan mga problemang kanilang nararanasan, ngunit ang aking pagseserbisyo ay patuloy lamang para sa Bayan ng Nagcarlan.
Hindi pa po ito ang wakas, bagkus ito ay umpisa muli ng aking buhay upang ipagpatuloy ang pagseserbisyo sa tao.
Sa sektor ng tatlong gulong, makakaasa po kayo na ako ay patuloy ninyong magiging boses para sa ating samahan. Ipagpapatuloy kung ano ang aking nasimulan.
Muli Maraming Salamat Po sa inyong lahat.
Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.