Municipal Government of Nagcarlan, Laguna

Municipal Government of Nagcarlan, Laguna Official page of the Municipal Government of Nagcarlan, Laguna.

The Municipal Government of Nagcarlan, under the leadership of Mayor Arch/CE Elmor Vitangcol Vita, extends its warmest a...
01/09/2026

The Municipal Government of Nagcarlan, under the leadership of Mayor Arch/CE Elmor Vitangcol Vita, extends its warmest and heartfelt birthday greetings to Congressman Loreto "Amben" Amante, our Representative for the 3rd District of Laguna.

On this special occasion, we celebrate not only another meaningful year of your life but also your dedicated service, steadfast leadership, and unwavering commitment to the welfare and progress of the people of Nagcarlan. Your passion for public service and sincere concern for the community continue to inspire and make a positive impact on the lives of every Nagcarlangin.

May this new chapter of your life be filled with God's abundant blessings, good health, wisdom, strength, and continued success as you faithfully carry out your responsibilities in serving our municipality.

Happy Birthday, Cong. Amben!

25/08/2026

PABATID SA PUBLIKO

Ipinababatid ng Nagcarlan Waterworks na pansamantalang isasara ang kalahating bahagi ng kalsada sa kahabaan ng Rizal Avenue, Brgy. Poblacion II, partikular sa harap ng Decolores, bukas, Agosto 26, 2026, upang bigyang-daan ang pagsasaayos ng linya ng tubig sa nasabing lugar.

Dahil dito, inaasahan ang katamtaman hanggang mabigat na daloy ng trapiko sa nasabing bahagi ng kalsada habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat, maglaan ng karagdagang oras sa biyahe, at kung maaari ay gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang posibleng pagkaantala sa kanilang paglalakbay.

Hinihiling ang pang-unawa at pakikiisa ng publiko habang isinasagawa ang kinakailangang pagsasaayos.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.


20/08/2026

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa buong sambayanang Pilipino sa paggunita sa Ninoy Aquino Day ngayong Agosto 21, 2026, bilang pagkilala sa buhay, sakripisyo, at paninindigan ni dating Senador Benigno “Ninoy” S. Aquino Jr.

Ang paggunita sa araw na ito ay itinakda sa bisa ng Republic Act No. 9256, na nilagdaan noong Pebrero 25, 2004 at nagdedeklara sa Agosto 21 ng bawat taon bilang Ninoy Aquino Day at isang national non-working holiday, bilang pag-alala sa kanyang death anniversary.

Ngayong taon, 43 taon na ang lumipas mula nang maganap ang makasaysayang pangyayari noong Agosto 21, 1983, nang paslangin si Ninoy Aquino sa dating Manila International Airport matapos ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas mula sa pagkakatapon. Ang kanyang pagkamatay ay naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng pakikibaka para sa demokrasya sa ating bansa.

Sa araw na ito, ating sariwain ang mga aral ng kanyang buhay—ang katapangan na manindigan, malasakit sa bayan, at paniniwala sa demokrasya at kalayaan.

Nawa’y manatiling buhay sa bawat Pilipino ang diwa ng paglilingkod at pagmamahal sa bayan.

“The Filipino is worth dying for.”

Mabuhay ang demokrasya. Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

10/08/2026

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐍𝐎 𝐅𝐀𝐂𝐄-𝐓𝐎-𝐅𝐀𝐂𝐄 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒

Alinsunod sa anunsyo ni Laguna Governor Sol Aragones, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Laguna, kabilang ang Bayan ng Nagcarlan, bukas, Agosto 11, 2026 (Martes).

Samantala, ipagpapatuloy ang Hybrid Asynchronous Learning (HINAY) bilang bahagi ng learning continuity measures upang hindi maputol ang pagkatuto ng mga mag-aaral habang nananatiling suspendido ang face-to-face classes.

Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, maingat, at updated sa mga opisyal na abiso ng pamahalaang panlalawigan, lokal na pamahalaan, at iba pang kinauukulang ahensya.

Kaligtasan at kapakanan ng bawat isa ang pangunahing prayoridad.

Manatiling ligtas, Nagcarlan!

Makikita ang naturang post ni Gov Sol Aragones sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1JcNGtTj3y/





10/08/2026

𝐍𝐀𝐆 𝐇𝐀𝐋𝐅 𝐌𝐀𝐑𝐀𝐓𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐊𝐀𝐘𝐎?!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ana Kalang Lanzones Festival 2026, inaanyayahan ang lahat ng running enthusiasts, fitness lovers, pamilya, magkakaibigan, at mga nais maging bahagi ng isang makabuluhang aktibidad na sumali sa NAG Half Marathon Fun Run 2026 sa Oktubre 4, 2026.

Piliin ang distansyang swak sa iyong pace! 💪

🔴 21KM – ₱1,350
🔵 10KM – ₱900
🟣 5KM – ₱550
🟡 3KM – ₱350

Bawat registration ay may corresponding inclusions gaya ng race bib, finisher shirt/singlet, medal, certificate, at pack meal depende sa kategorya.

Higit pa sa isang karera, ang NAG Half Marathon Fun Run ay isang pagkakataon upang makatakbo para sa isang layunin. Bahagi ng mga malilikom na proceeds ay ilalaan bilang tulong para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) at indigent bedridden residents sa ating bayan. Sa bawat kilometro na iyong tatakbuhin, may kabutihang maaari mong maibahagi.

📅 October 4, 2026
📍 Municipal Hall Ground, Nagcarlan, Laguna

📌 Registration is ongoing until September 25, 2026.
Para naman sa 10KM at 21KM finisher categories, hanggang September 18, 2026 lamang ang registration.

Para magparehistro, maaaring magtungo sa Treasurer’s Office, Ground Floor, Municipal Hall, Nagcarlan, Laguna at hanapin si Ms. Zaire Jeanne F. Coronado. Maaari nyo ring iclick ang link na ito, o kaya naman ay i-scan ang QR Code na makikita sa pubmat upang makapag-register:
https://forms.gle/LcBUBLroMQUCCEya9

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Ihanda ang iyong running shoes, ayain ang iyong pamilya at mga kaibigan, at makiisa sa isang takbuhang hindi lamang para sa sarili—kundi para rin sa kapwa.

ANO, TARA?
NAG HALF MARATHON FUN RUN 2026





10/08/2026

𝐊𝐀𝐃𝐈𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐂𝐀𝐑𝐋𝐀𝐍
Agosto 18, 2026 | Municipal Multipurpose Gymnasium

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng abot-kaya at de-kalidad na mga produktong para sa bawat Nagcarlangin

Inaanyayahan po ang bawat isa na makiisa sa KADIWA NG PANGULO, isang programa na naglalayong magbigay ng mas abot-kayang presyo ng mga produktong pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan, habang binibigyang pagkakataon ang ating mga lokal na magsasaka at food producers na direktang maibenta ang kanilang mga produkto sa mga mamimili.

🗓️ Agosto 18, 2026 | 7:00 AM
📍 Nagcarlan Multi-Purpose Gymnasium

Makilahok, mamili, at tangkilikin ang mga produktong hatid ng ating mga magsasaka at katuwang na ahensya ng pamahalaan.



10/08/2026

𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐄𝐀𝐑𝐂𝐇 𝐈𝐒 𝐎𝐍! | 𝐌𝐒. 𝐍𝐀𝐆𝐂𝐀𝐑𝐋𝐀𝐍 𝐇𝐄𝐑𝐈𝐓𝐀𝐆𝐄 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔
🏳️‍🌈

As part of the Town Fiesta celebration of Nagcarlan, the Municipal Government of Nagcarlan, Laguna headed by Mayor Elmor Vitangcol Vita, through the Nagcarlan Tourism and Culture Office and Nagcarlan Public Information Office, in collaboration with Damas de Ana Kalang, proudly presents Ms. Nagcarlan Heritage Pride 2026—a celebration of beauty, talent, wit, confidence, diversity, and pride, showcasing the remarkable individuals who embody the vibrant spirit and rich heritage of Nagcarlan.

We are calling on confident, talented, and empowered gay men and transgender women who are ready to embrace their individuality, showcase their beauty, wit, talent, confidence, and charisma, and proudly represent their community as they vie for the title of the first-ever Ms. Nagcarlan Heritage Pride 2026.

More than a pageant, this celebration honors individuality, inclusivity, empowerment, and the rich heritage of Nagcarlan, bringing together our community in the spirit of pride and celebration.

📅 August 23, 2026
📍 Municipal Multipurpose Gymnasium, Nagcarlan, Laguna

🏆 GRAND PRIZE — ₱10,000.00
👑 1st Runner-Up — ₱6,000.00
👑 2nd Runner-Up — ₱5,000.00
👑 3rd Runner-Up — ₱4,000.00
👑 4th Runner-Up — ₱3,000.00

✨ MINOR AWARDS:
⭐ Darling of the Crowd
⭐ Best in Swimwear
⭐ Best in Evening Gown
⭐ Best in National Costume

📌 PRE-REGISTRATION IS NOW OPEN!

Interested participants may scan the QR code on the official pubmat to access the pre-registration form.

Please note: Submission of the pre-registration form does not automatically confirm an applicant as an official candidate. Details regarding the official screening, requirements, and other important information will be announced separately.

This Town Fiesta, let us celebrate pride, heritage, diversity, and the spirit of Nagcarlan.

Celebrate Pride. Celebrate Heritage. Celebrate Nagcarlan.




Address

Rizal Avenue, Brgy. Poblacion II
Nagcarlan
4002

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63495631202

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Nagcarlan, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of Nagcarlan, Laguna:

Shortcuts

Share