LGU Nagtipunan, Quirino

LGU Nagtipunan, Quirino Latest news and updates from the Municipality of Nagtipunan, Quirino. Official Facebook

ADVANCE CANVA TRAINING PARA SA MAS MALINAW AT EPEKTIBONG SERBISYO PUBLIKOUpang mas mapataas ang antas ng paghahatid ng i...
01/09/2026

ADVANCE CANVA TRAINING PARA SA MAS MALINAW AT EPEKTIBONG SERBISYO PUBLIKO

Upang mas mapataas ang antas ng paghahatid ng impormasyon at serbisyo publiko, isinagawa ng Municipal Information and Communication Technology Office (MICTO) ang Advanced Canva Training noong August 26–27, 2026 sa Pag-asa Hall, Nagtipunan Municipal Building.

Dinaluhan ang dalawang araw na pagsasanay ng 28 participants mula sa iba't ibang tanggapan. Nagbahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan sa advanced graphic design ang mga imbitadong tagapagsanay mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na sina Sir Exen Bantiyan Claro at Sir Enrique Luis Alvarado.

Naging katuwang din sa nasabing aktibidad ang Human Resource Management Office (HRMO) at Public Employment Service Office (PESO) bilang mga facilitators.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang mas magiging malikhain, mabilis, at epektibo ang paglikha ng official information and educational materials ng munisipyo para sa mamamayan ng Nagtipunan.

MAS MAAYOS NA DAAN, MAS MALUWAG NA PAGKILOS PARA SA BARANGAY PONGGOAgosto 17,2026 | Isa na namang daan ang naging bahagi...
24/08/2026

MAS MAAYOS NA DAAN, MAS MALUWAG NA PAGKILOS PARA SA BARANGAY PONGGO

Agosto 17,2026 | Isa na namang daan ang naging bahagi ng pag-unlad ng Barangay Ponggo sa pamamagitan ng ribbon cutting ng bagong Farm-to-Market Road.

Hindi lamang ito daan para sa mga magsasaka. Ito rin ay daan para mas mapadali ang pagpasok at paglabas ng mga produkto, pagpunta sa paaralan, at paglalakbay ng mga residente araw-araw.

Sa bawat sementadong bahagi ng kalsada, mas nagiging maayos ang biyahe at mas nagiging madali ang pagkilos ng mga Nagtipunero.

Sa pangunguna ng ating masipag at butihing Mayor Noel T. Lim, patuloy ang pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan na maghatid ng mga proyektong direktang nakakatulong sa ating mga barangay.

Isa na namang daan ang nabuksan at kasama nito, mas maraming oportunidad para sa mga kakabsat natin.

21/08/2026

TAKBO PARA SA KABATAAN

Agosto 15, 2026 | Isang masayang araw para sa ating mga kabataan ang Nagtipunan Takbo para sa Kabataan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, sa pangunguna ng ating Local Youth Development Office.

Maraming salamat sa mga nakilahok at sa mga nakakataba ng pusong komento. Ipinapakita lang nito kung paano makiisa ang isang Nagtipunero - simple, masaya, at may malasakit. Ganito kami sa Nagtipunan, sama-sama at laging handang sumuporta sa ating kabataan.

Dito sa Nagtipunan, hindi lang tayo marunong tumakbo para sa sarili, marunong tayong tumakbo para sa isa’t isa.

Ganito kami.
Ganito ang Nagtipunero.
Bayanihan, malasakit, at pusong laging handang makiisa.

NAGTIPUNAN QUICK RESPONSE BASEAgosto 17,2026 | Sa oras ng emergency, bawat segundo ay mahalaga. Kaya sa pangunguna ng at...
19/08/2026

NAGTIPUNAN QUICK RESPONSE BASE

Agosto 17,2026 | Sa oras ng emergency, bawat segundo ay mahalaga. Kaya sa pangunguna ng ating masipag at butihing Mayor Noel T. Lim, itinatag ang Nagtipunan Quick Response Base na matatagpuan sa Barangay Dipantan.

Layunin nitong mapabilis ang pagresponde sa mga emergency at pangangailangan ng ating mga kababayan. Mula rito, mas mabilis na maipapadala ang mga responder at kinakailangang kagamitan sa mga lugar na nangangailangan ng agarang tulong.

Mabilis na tugon. Agarang aksyon. Serbisyong handang rumesponde.

Ito ang Nagtipunan Quick Response Base-MDRRMO Rescue 105, patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating pamahalaang bayan na maging handa at laging malapit sa mga mamamayan.

ISANG BAGONG KANLUNGAN PARA SA BAWAT PAMILYANG MAGTIPUNEROAgosto 17, 2026 - Hindi lang basta isang bagong gusali ang pin...
18/08/2026

ISANG BAGONG KANLUNGAN PARA SA BAWAT PAMILYANG MAGTIPUNERO

Agosto 17, 2026 - Hindi lang basta isang bagong gusali ang pinasinayaan sa Purok 1, Barangay Ponggo. Ang bagong Evacuation Center ay isang malaking dagdag sa kakayahan ng komunidad na maging handa at ligtas sa panahon ng kalamidad.

Sa pamamagitan ng ribbon cutting ceremony, opisyal nang binuksan ang isang lugar na maaaring maging kanlungan ng mga pamilya kapag dumating ang bagyo, baha, o iba pang emergency.

Ang proyektong ito ay patunay na ang paghahanda bago dumating ang sakuna ay kasinghalaga ng pagtugon kapag narito na ang panganib.

Isang bagong gusali, ngunit malaking seguridad para sa Nagtipuneros.

DAAN PARA SA KABUHAYAN, DAAN PARA SA EDUKASYON NG BARANGAY ANAKHindi lang para sa mga magsasaka ang Farm to Market Road ...
17/08/2026

DAAN PARA SA KABUHAYAN, DAAN PARA SA EDUKASYON NG BARANGAY ANAK

Hindi lang para sa mga magsasaka ang Farm to Market Road sa Barangay Anak.

Agosto 17, 2026 | Ang maayos at ligtas na daan ay malaking tulong din sa mga mag-aaral na araw-araw na bumibiyahe papunta sa kanilang paaralan. Mas madali at mas ligtas ang kanilang paglalakbay, lalo na tuwing umuulan.

Isang daan na nagsisilbi sa kabuhayan, edukasyon, at pang-araw-araw na pangangailangan ng mga taga-Barangay Anak na patunay na ang bawat proyekto ay para sa kapakinabangan ng buong Nagtipuneros.

TRANSPARENCY AT TURISMO, SERBISYO PARA SA NAGTIPUNEROSAgosto 17, 2026 | Isinagawa ang Unveiling at Ribbon Cutting ng LED...
17/08/2026

TRANSPARENCY AT TURISMO, SERBISYO PARA SA NAGTIPUNEROS

Agosto 17, 2026 | Isinagawa ang Unveiling at Ribbon Cutting ng LED Wall sa Tourism and Pasalubong Center sa Barangay Dipantan.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Nagtipunan na isulong ang transparency, access sa impormasyon, at makabagong paraan ng pagbibigay-serbisyo sa publiko.

Kasabay nito, magsisilbi rin ang LED Wall bilang karagdagang paraan upang maipakita at maitaguyod ang mga turismo, produkto, programa, at ganda ng Nagtipunan sa ating mga kababayan at mga bisita.

17/08/2026

MDRRMO QUICK RESPONSE BASE

17/08/2026

Ribbon cutting led wall at tourism and pasalubong center

17/08/2026

Ribbon cutting evacuation center

Address

Brgy. Ponggo
Nagtipunan
3405

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU Nagtipunan, Quirino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGU Nagtipunan, Quirino:

Shortcuts

Share