Sangguniang Kabataan Barangay Palattao

Sangguniang Kabataan Barangay Palattao SK Barangay Palattao Official page

๐“Ÿ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ด๐“น๐“ช๐“ด ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต๐Ÿ‘Isa pang haligi ng edukasyon sa ating barangay ang nagdala ng karangalan! Masayang ibinabalita ng Sang...
05/07/2026

๐“Ÿ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ด๐“น๐“ช๐“ด ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต๐Ÿ‘
Isa pang haligi ng edukasyon sa ating barangay ang nagdala ng karangalan! Masayang ibinabalita ng Sangguniang Kabataan ng Palattao ang opisyal na pagpasa ni Sir Joseph G. Pabro sa National Assessment for School Heads (NASH-Regional Top Performer).

Bagamat hindi tubong-Palattao, buong-puso ang naging pagtanggap at pagmamahal ng ating komunidad kay Sir Joseph, na kasalukuyang nagsisilbi bilang Head Teacher ng Palattao ES. Sa kanyang pamumuno sa paaralan, siya ay naging matatag na katuwang at kaagapay ng SK Palattao sa pagsusulong ng mga mahahalagang programang pang-edukasyon para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa kanyang husay, liderato at dedikasyon na iangat ang kalidad ng edukasyon hindi lamang sa ating paaralan kundi sa buong bansa.
Tiyak na mas marami pang proyekto ang ating mapagtutulungan para sa mga kabataan. Saludo po ang SK Palattao sa inyong bagong tagumpay, Sir Joseph!๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›

๐“Ÿ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ด๐“น๐“ช๐“ด ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต๐Ÿ‘Isang malaking karangalan ang natanggap ng ating komunidad matapos opisyal na hirangin bilang isa sa m...
05/07/2026

๐“Ÿ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ด๐“น๐“ช๐“ด ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต๐Ÿ‘
Isang malaking karangalan ang natanggap ng ating komunidad matapos opisyal na hirangin bilang isa sa mga mapapalad na pumasa sa National Assessment for School Heads (NASH) ang ating ka-barangay at huwarang g**o na si Ma'am Joy Marie M. Bueno-Tomas.

Bukod sa kanyang dedikasyon sa paghubog ng kaisipan ng kabataan bilang isang g**o, si Ma'am Joy ay naging malaking bahagi rin ng tagumpay ng ating lokal na pamahalaan. Siya ang nagsilbing Director General na kaagapay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Officials sa katatapos lamang na Patronal Fiesta 2026, kung saan ipinamalas niya ang kanyang natatanging galing sa pamumuno at organisasyon.

Ang SK Palattao ay lubos na nagpapasalamat sa iyong walang sawang paggabay at suporta sa mga programa ng kabataan. Ang iyong tagumpay sa NASH ay patunay lamang ng iyong kahusayan at kahandaan na mamuno sa mas mataas na antas ng edukasyon!๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›


๐“Ÿ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ด๐“น๐“ช๐“ด ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต๐Ÿ‘Isang natatanging karangalan ang ibinigay ng isang huwarang kabataang residente ng ating barangay sa n...
05/07/2026

๐“Ÿ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ด๐“น๐“ช๐“ด ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต๐Ÿ‘
Isang natatanging karangalan ang ibinigay ng isang huwarang kabataang residente ng ating barangay sa ngalan ni Czarina Ashanti D. Marfil, na kasalukuyang nag-aaral sa Philippine Normal University-North Luzon (PNU-NL), matapos siyang kilalanin bilang isa sa mga nangungunang young changemakers sa buong Pilipinas.

Sa katatapos lamang na pagtatapos ng G17 University Ambassadors Project, opisyal na iginawad kay Czarina ang mga prestihiyosong pambansang parangal:
๐ŸŽ–๏ธ Most Promising Ambassador of the Year
๐ŸŽ–๏ธ G17 Fellow (Matagumpay na pagtatapos ng mga inisyatiba para sa Sustainable Development Goal 8: Decent Work and Economic Growth)
๐ŸŽ–๏ธ G17 Monthly Awardee (May) โ€“ Social Media Advocate of the Month
๐ŸŽ–๏ธ G17 Monthly Awardee (May) โ€“ SDG Project of the Month para sa kanyang Project Panagdur-as, isang makabuluhang community initiative kasama ang Yogad Community ng Annafunan, Echague, Isabela.

Lubos na ipinagmamalaki ng buong Sangguniang Kabataan at ng komunidad ng Barangay Palattao ang iyong dedikasyon, Czarina! Ikaw ay tunay na ehemplo at inspirasyon ng modernong kabataang Pilipino.๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›


๐“Ÿ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ด๐“น๐“ช๐“ด ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต๐Ÿ‘Isang maalab na pagbati ang ipinaabot ng buong komunidad, lalo't higit ng Sangguniang Kabataan ng Pala...
29/06/2026

๐“Ÿ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ด๐“น๐“ช๐“ด ๐“Ÿ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต๐Ÿ‘
Isang maalab na pagbati ang ipinaabot ng buong komunidad, lalo't higit ng Sangguniang Kabataan ng Palattao para sa mag-inang mula sa ating barangay na sina Ma. Patria Luna Mandap, J.D. at Mari Antonette Luna Mandap, J.D. matapos silang sabay na magtapos ng kursong Juris Doctor sa Isabela State University - Cauayan City Campus College of Law.

Ang pambihirang tagumpay na ito ay naghatid ng labis na karangalan sa ating barangay. Sa kabila ng hirap at puyat sa pag-aaral ng batas, pinatunayan ng mag-ina na walang pangarap ang imposible kapag may pagtutulungan, sipag at determinasyon. Sila ay magsisilbing buhay na inspirasyon at patunay na ang karunungan at tagumpay ay walang pinipiling edad o henerasyon.

Ang buong Barangay Palattao ay sumusuporta at nanalangin sa inyong susunod na yugto patungo sa pagiging ganap na mga Panyero at Panyera sa darating na Bar Examinations.๐Ÿ‘ฉโ€โš–๏ธโš–๏ธ


๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“|| ๐‘ด๐’‚๐’š๐’๐’“'๐’” ๐‘ช๐’–๐’‘ 2026โ›น๏ธโ€โ™‚๏ธThe court is calling, and this is your chance to answer. ๐Ÿ€ Basketball tryouts for th...
20/06/2026

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“|| ๐‘ด๐’‚๐’š๐’๐’“'๐’” ๐‘ช๐’–๐’‘ 2026โ›น๏ธโ€โ™‚๏ธ

The court is calling, and this is your chance to answer. ๐Ÿ€ Basketball tryouts for this year's Inter-Barangay Tournament are here, and it's time to show us your skills, passion, and dedication. Whether you're a seasoned player or looking to make your mark, this is your moment to prove you belong. Let's see what you've got and find out who will wave the banner of Brgy. Palattao in this sports undertaking!

๐Ÿ“Sunday, June 21 - 6:00 ๐—ฃ๐— 
@๐˜ฝ๐™ง๐™œ๐™ฎ. ๐™‹๐™–๐™ก๐™–๐™ฉ๐™ฉ๐™–๐™ค ๐˜พ๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™š๐™™ ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฉ๐Ÿค™


๐’๐๐€๐๐’๐‡๐Ž๐“๐’|| ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ-๐™Ž๐™†๐™ฌ๐™š๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™ค๐™œ: School Supplies Distribution for S.Y. 2026โ€“2027๐Ÿ“šโœ๏ธSa bawat bag, kuwaderno, at kagamita...
14/06/2026

๐’๐๐€๐๐’๐‡๐Ž๐“๐’|| ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ-๐™Ž๐™†๐™ฌ๐™š๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™ค๐™œ: School Supplies Distribution for S.Y. 2026โ€“2027๐Ÿ“šโœ๏ธ

Sa bawat bag, kuwaderno, at kagamitang naipamahagi ay kaakibat ang hangarin na makatulong sa ating mga mag-aaral para sa panibagong taong panuruan. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang pag-aaral at ipagpatuloy ang pag-abot sa kanilang mga pangarap.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Palattao.๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›

โ€ผ๏ธSa mga hindi pa nakapag-claim ng kanilang school supplies, maaaring magtungo lamang sa bahay nila SK Kagawad Peter Faust C. Corotan (Purok 1) at SK Kagawad Kyla Bianca G. Castro (Purok 5). Muli, maraming salamat!

PARA KADAGITI AGTUTUBO!
PANNAKABALIN DAGITI AGTUTUBO!

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐™Ž๐™†๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด: Official School Supplies Distribution for the School Year 2026-2027Bilang bahagi ng patuloy na pag...
13/06/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐™Ž๐™†๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด: Official School Supplies Distribution for the School Year 2026-2027

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palattao sa edukasyon ng kabataan, opisyal nang isasagawa ang pamamahagi ng mga school supplies para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng programang Pang-Skwelang Handog 2026.

๐Ÿ“… Petsa: June 14, 2026 (Sunday)
๐Ÿ•˜ Oras: 1:00-3:00 ng hapon
๐Ÿ“ Lugar: Barangay Hall, Palattao

๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข: (buksan ang link)
https://drive.google.com/file/d/1m0uwO-FxPvpxYq8BnRL-sGKkCqWYBYgV/view?usp=drivesdk
๐Ÿ“Ang listahang ito ng mga benepisyaryo mula SENIOR HIGH SCHOOL at COLLEGE ay base lamang sa mga nag rehistro sa ating official Google Form na ipinost noong May 28, 2026.

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ:
โœ… Dumating sa itinakdang oras at lugar ng distribusyon.
โœ… Magdala ng valid school ID, registration form, o anumang katibayan ng pag-aaral.
โœ… Hanapin ang inyong pangalan sa opisyal na talaan ng mga benepisyaryo.
โœ… Pumirma sa attendance at claim sheet bilang patunay ng pagtanggap.
โœ… Tanggapin ang inyong school supplies mula sa mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan.

Paalala: Ang school supplies ay maaari lamang tanggapin ng mismong benepisyaryo. Kung hindi makakadalo, kinakailangang magbigay ng valid ID ng kinatawan at school ID ng mismong benepisyaryo.

Patuloy nating suportahan ang edukasyon at pangarap ng bawat kabataang Palattao. Sama-sama nating simulan ang bagong taong panuruan na may sapat na kagamitan at inspirasyon upang magtagumpay. โค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

PARA KADAGITI AGTUTUBO!
PANNAKABALIN DAGITI AGTUTUBO!

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐™Ž๐™†๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด: School Supplies Distribution for the School Year 2026-2027

Magandang araw, mga kabataang taga-Palattao! ๐Ÿ˜Š Muling naghahanda ang SK Palattao ng isang programang makakatulong sa inyong paghahanda para sa bagong taong panuruan sa pamamagitan ng ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐™Ž๐™†๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด 2026! โœจ

Layunin ng programang ito na magbigay ng pandagdag na school supplies sa mga incoming at kasalukuyang Senior High School at College students ng ating barangay. ๐Ÿ“–โœ๏ธ

๐Ÿ“Œ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐— ๐—”๐—š๐—ฅ๐—˜๐—›๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข?
Simple lang! ๐Ÿ’™

1๏ธโƒฃ Sagutan ang official Google Form Registration na ipo-post ng SK Palattao.
SHS link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScm6pcQ5dzXQU-Ws03JaY6iW9rsGjsVcGNuKTTI5mMGmPTHhw/viewform?usp=publish-editor

College link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSf1TCO6XAghaUSvD2yVdzwihkbdGzNdR0FfAJgdANuD-OG7ZQ/viewform?usp=publish-editor

2๏ธโƒฃ Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon:
โ–ช๏ธ Buong Pangalan
โ–ช๏ธ Grade/Year Level for SY: 2026-2027
โ–ช๏ธ School
โ–ช๏ธ Purok
โ–ช๏ธ Contact Number

3๏ธโƒฃ Hintayin ang announcement ng official list of qualified beneficiaries sa official page ng SK Palattao.

๐Ÿ“Œ ๐——๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป:
๐™…๐™ช๐™ฃ๐™š 4, 2026 @12:00 NN

๐ŸŽ’ ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฎ๐˜๐—ฒ:
June 2026

โœ… Ang distribution ay first come, first served basis lamang.
โœ… Kailangang personal na kunin ng beneficiary ang school supplies.
โœ… Magdala ng valid School ID, Certificate of Enrollment, o anumang proof of identity para sa verification.
โœ… Mahigpit na ipinagbabawal ang multiple registrations at pagpapanggap bilang ibang tao.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sama-sama nating suportahan ang edukasyon at ihanda ang bawat kabataan para sa panibagong school year! โค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

PARA KADAGITI AGTUTUBO!
PANNAKABALIN DAGITI AGTUTUBO!

๐’๐๐€๐๐’๐‡๐Ž๐“๐’|| ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—œ๐—”๐—ง๐—” ๐—ง๐—œ ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—ง๐—”๐—ข 2026๐Ÿ‘‘
30/05/2026

๐’๐๐€๐๐’๐‡๐Ž๐“๐’|| ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—œ๐—”๐—ง๐—” ๐—ง๐—œ ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—ง๐—”๐—ข 2026๐Ÿ‘‘



Address

Palattao
Naguilian
3302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Barangay Palattao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share