Municipal Social Welfare and Development Office NARRA

Municipal Social Welfare and Development Office NARRA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Social Welfare and Development Office NARRA, Government Organization, Poblacion, Narra.

The office mandates to provide a balance approach to welfare and development whereby the needs and interest of the population is addressed not only at the outbreak of crisis but also more importantly at the stage which inexorably lead to such crisis.

[Repost]๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”!Matagumpay na isinagawa ang Sustainable Livelihood Program (S...
23/05/2026

[Repost]

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”!

Matagumpay na isinagawa ang Sustainable Livelihood Program (SLP) kasama sina Deputy Chief Francis Tulfo at Sen. Erwin Tulfo Party, na naglalayong magbigay ng dagdag na oportunidad at suporta sa kabuhayan ng ating mga mamamayan.

Pinangunahan ni Vice Mayor Edmond Jojo Gastanes, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang nasabing programa bilang patunay ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ibaโ€™t ibang ahensya upang mapalakas ang kabuhayan at mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Narrahanon.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, mas lalo pang nabibigyang pag-asa at oportunidad ang mga pamilyang nangangailangan tungo sa mas maunlad at mas matatag na kinabukasan.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

[Repost]Pagpapatibay ng Kakayahan at Tungkulin ng MCPC at SDECT MembersIsinagawa ang Capability Development para sa mga ...
23/05/2026

[Repost]

Pagpapatibay ng Kakayahan at Tungkulin ng MCPC at SDECT Members

Isinagawa ang Capability Development para sa mga miyembro ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) at SDECT upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan sa maayos na pagtupad ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa komunidad.

Kasabay nito, matagumpay ring ginanap ang 2nd Quarter Meeting ng MCPC at ang buwanang pagpupulong ng SDECT bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon, pagpaplano, at pagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan at proteksyon ng mamamayan.

Patuloy ang pakikiisa at dedikasyon ng bawat miyembro sa pagsusulong ng mas ligtas, maayos, at mas maunlad na komunidad para sa lahat.

Follow us for more details & Updates!


[Repost]Pagbibigay-lakas sa bawat isa, walang maiiwan sa oras ng sakuna! ๐Ÿ’™Matagumpay na isinagawa ng PDAO Office ng Narr...
23/05/2026

[Repost]

Pagbibigay-lakas sa bawat isa, walang maiiwan sa oras ng sakuna! ๐Ÿ’™

Matagumpay na isinagawa ng PDAO Office ng Narra, Palawan ang Emergency Response Training katuwang ang MDRRMO Narra Emergency Response Team (ERT), na ginanap sa Municipal Centerpoint. Isa itong 2 Day Training na sinumalan sa mga North Barangay's ng Narra.

Layunin ng gawaing ito na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang ating mga Persons with Disability (PWDs) hinggil sa kahandaan, kaligtasan, at tamang pagtugon sa oras ng emerhensiya at sakuna, bilang pagsusulong ng isang ligtas, matatag, at inklusibong komunidad para sa lahat.

Ito ay sinimulan ng ng opening message ni Ms. Maria Linda A. Dubla, Head ng MSWD Office. Kasabay nito ang pagbibigay ng mensahe ng Ama ng Bayan, Mayor Gerandy B. Danao, at ni Bise Mayor Edmond B. Gastanes. Nagpahayag din ng suporta si SB Member Christine Joy T. Mahilum.

Lubos ding nagpapasalamat ang MDRRMO sa lahat ng mga lumahok, nakinig sa mga talakayan, at aktibong nakiisa sa mga demonstration na pinangunahan nina:

โ€ข Alvin Jan R. Duran, EMT
โ€ข Joseph Recoco, SO II
โ€ข Bea Lene C. Adlima
โ€ข Prince Makk B. Armenta
โ€ข Clint C. Dela Cruz
โ€ข Raymon J. Serna

Lubos ang pasasalamat ng MDRRMO Head sa lahat ng nakiisa at lumahok sa nasabing training program.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat! ๐Ÿ’™

Follow us for more Details & Updates!

[Repost]Pangalawang Araw ng Pagpupulong ng EMPOWERMENT AND REAFFIRMATION OF PATERNAL ABILITIES (ERPAT) Members sa Barang...
28/04/2026

[Repost]

Pangalawang Araw ng Pagpupulong ng EMPOWERMENT AND REAFFIRMATION OF PATERNAL ABILITIES (ERPAT) Members sa Barangay Malinao โ€“ Abril 24, 2026

Isinagawa ang muling pagtitipon ng mga Southern ERPAT members sa Barangay Malinao noong Abril 24, 2026. Ito ay pinangunahan ng Departamento ng MSWD Narra sa pamumuno ni Maria Lyn Dubla, MSWD Department Head, kasama ang mga kawani na kabilang sa programa.

Bilang bahagi ng programa, muling nagbigay ng mensahe si PSMS Lorelyn M. Basa tungkol sa Drug-Free Home. Ibinahagi niya ang mahahalagang kaalaman ukol sa epekto ng droga at kung paano ito maiiwasan, lalo na para sa kapakanan ng kanilang mga anak, kabataan, at ng buong komunidad.

Kasunod nito, tinalakay ni Mr. Jeffry G. Caranto ang paksa tungkol sa HIV/AIDS. Nagbigay siya ng sapat na kaalaman ukol sa HIV at AIDS, kabilang ang mga paraan kung paano ito maiiwasan, ang mga epekto nito sa katawan, gayundin ang mga gamot at paggamot na maaaring isagawa. Layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng bawat ama upang maprotektahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga anak.

Patuloy ang tungkulin ng MSWD sa pagbibigay-serbisyo sa komunidad, at lubos ang kanilang pasasalamat sa pagdalo ng bawat ama na sumusuporta at aktibong nakikibahagi sa ERPAT Association. Kabilang din sa pasasalamat ang mga Punong Barangay ng Malinao at ang mga kawani na nagsilbi sa nasabing programa.

Patuloy rin ang suporta ng Ama ng Bayan, Gerandy B. Danao, Bise Mayor Edmond โ€œJojoโ€ Gastanes, at mga Sangguniang Bayan Members sa ganitong mga programa.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at pakikisubaybay sa mga programa ng MSWD Narra. Maraming salamat sa inyong lahat!

FOLLOW US FOR MORE DETAILS & UPDATES!

[Repost]Pagpupulong ng EMPOWERMENT AND REAFFIRMATION OF PATERNAL ABILITIES (ERPAT) Members sa Barangay Dumanguena โ€“ Abri...
28/04/2026

[Repost]

Pagpupulong ng EMPOWERMENT AND REAFFIRMATION OF PATERNAL ABILITIES (ERPAT) Members sa Barangay Dumanguena โ€“ Abril 23, 2026

Isinagawa ang pagtitipon ng mga Northern ERPAT members sa Barangay Dumanguena noong Abril 23, 2026. Ito ay pinangunahan ng Departamento ng MSWD Narra sa pamumuno ni Maria Lyn Dubla, MSWD Department Head, kasama ang mga kawani na kabilang sa programa.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay ng mensahe si PSMS Lorelyn M. Basa tungkol sa Drug-Free Home. Ibinahagi niya ang mahahalagang kaalaman ukol sa epekto ng droga at kung paano ito maiiwasan, lalo na para sa kapakanan ng kanilang mga anak, kabataan, at ng buong komunidad.

Kasunod nito, tinalakay ni Ms. Leaf Camacho ang paksa tungkol sa HIV/AIDS. Nagbigay siya ng sapat na kaalaman tungkol sa HIV at AIDS, kabilang ang mga paraan kung paano ito maiiwasan, ang mga epekto nito sa katawan, gayundin ang mga gamot at treatment na maaaring gawin.

Patuloy ang tungkulin ng MSWD sa pagbibigay-serbisyo sa komunidad, at lubos ang kanilang pasasalamat sa pagdalo ng bawat ama na sumusuporta at aktibong nakikibahagi sa ERPAT Association. Kabilang din sa pasasalamat ang mga Punong Barangay ng Dumanguena at ang mga kawani na nagsilbi sa nasabing programa.

Patuloy rin ang suporta ng Ama ng Bayan, Gerandy B. Danao, Bise Mayor Edmond โ€œJojoโ€ Gastanes, at mga Sangguniang Bayan Members sa ganitong mga programa.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at pakikisubaybay sa mga programa ng MSWD Narra. Maraming salamat sa inyong lahat!

[Repost]Isang mahalagang pagtitipon ang isinagawa sa pamamagitan ng Capability Building cm Special Meeting ng Municipal...
27/04/2026

[Repost]

Isang mahalagang pagtitipon ang isinagawa sa pamamagitan ng Capability Building cm Special Meeting ng Municipal Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (MCAT-VAWC), na naglalayong higit pang palakasin ang kakayahan at kahandaan ng mga kinauukulang tanggapan sa epektibong pagtugon sa mga kaso ng trafficking at karahasan laban sa kababaihan at mga bata.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

[Repost]Isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga lingkod-barangay ang isinagawang ...
27/04/2026

[Repost]

Isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga lingkod-barangay ang isinagawang Re-Orientation on Protocol on Handling VAWC Cases in the Barangay. Sa pangunguna nina Mayor Gerandy B. Danao at Vice Mayor Edmond Gastanes, layunin ng gawaing ito na higit pang mapabuti ang pagtugon sa mga kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) sa antas ng komunidad.

Sa pamamagitan ng re-orientation na ito, binigyang-diin ang wastong proseso, responsibilidad, at kahalagahan ng maagap, makatao, at sensitibong pagharap sa mga biktima. Patunay ito ng patuloy na dedikasyon ng lokal na pamahalaan na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng kababaihan at kabataan.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

[Repost]๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐Œ๐€๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€, ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐“๐€๐“๐€๐† ๐๐€ ๐Š๐ˆ๐๐€๐๐”๐Š๐€๐’๐€๐!Matagumpay na naisagawa ang 2026 National 3...
27/04/2026

[Repost]

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐Œ๐€๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€, ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐“๐€๐“๐€๐† ๐๐€ ๐Š๐ˆ๐๐€๐๐”๐Š๐€๐’๐€๐!

Matagumpay na naisagawa ang 2026 National 3-Day Intensive Seminar Workshop on Reinforcement of Early Reading for Strategic Day Care Learning Excellence. April 21โ€“23, 2026 sa Narra Center Point.
Ang nasabing programa ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga day care workers at educators sa epektibong pagtuturo ng maagang pagbasa. Isang mahalagang pundasyon sa paghubog ng kaalaman, kakayahan, at kinabukasan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, patuloy na naitataguyod ang mataas na antas ng kalidad ng edukasyon sa komunidad.

Sama-sama nating isulong ang adhikaing makapagbigay ng mas mahusay na pagkatuto para sa bawat batang Pilipino!

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฎ - ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป

[Repost]Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay ng kaalaman at oportunidad ang matagumpay na isinagawang Skills E...
27/04/2026

[Repost]

Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay ng kaalaman at oportunidad ang matagumpay na isinagawang Skills Enhancement Training on Mushroom Production para sa mga Child at Risk (CAR) at Children in Conflict with the Law (CICL) sa Bayan ng Narra, Palawan.

Sa pangunguna ni Mayor Gerandy B. Danao at ng Office of the Municipal Social Welfare and Development Officer, layunin ng programang ito na maipamalas ang kahalagahan ng pagsasanay at pagpapaunlad ng kakayahan ng bawat kabataan, bilang daan sa kanilang muling paghubog at pagbibigay ng bagong pag-asa para sa mas maayos na kinabukasan. Sa pamamagitan ng mushroom production, nabibigyan sila ng praktikal na kaalaman na maaari nilang magamit sa kabuhayan at pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang tatlong araw na pagsasanay na ginanap noong April 21-23, 2026 sa RBO Center Compound, Municipal Agriculture Office, ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng inklusibong pag-unlad, rehabilitasyon, at empowerment ng kabataan.
Patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong magbigay ng pangalawang pagkakataon at magbukas ng mas maliwanag na landas para sa bawat isa.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

[Repost]Isinagawa ang isang makabuluhang Special Meeting ng Municipal Committee on Anti-Trafficking and Violence Against...
27/04/2026

[Repost]

Isinagawa ang isang makabuluhang Special Meeting ng Municipal Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (MCAT-VAWC) na naglalayong higit pang paigtingin ang mga hakbangin ng pamahalaang lokal sa pagpuksa ng human trafficking at karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mahahalagang programa, polisiya, at koordinasyon ng ibaโ€™t ibang ahensya upang masiguro ang maagap, epektibo, at makataong pagtugon sa mga kaso ng pang-aabuso. Pinagtibay rin ang patuloy na pakikipagtulungan ng bawat sektor upang maprotektahan ang karapatan, dignidad, at kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na ng mga kababaihan at kabataan.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

Address

Poblacion
Narra
5303

Telephone

+639387849234

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Social Welfare and Development Office NARRA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Social Welfare and Development Office NARRA:

Share