25/08/2026
๐๐๐๐๐ฝ๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐, ๐ฟ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐ (๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฎ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ, ๐พ๐ง๐๐๐ก๐๐ ๐๐ฎ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ซ๐๐จ)
Ang Pambansang Museo ng Pilipinas-Ilocos ay kaisa ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan (National History Month) sa bisa ng Proklamasyon Blg. 339, s. 2012, na may temang โHinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon (Shaped by the Nation, Cradled by the Waves)โ ngayong taon.
Muling binubuhay ng nasabing tema ang ating kamalayan tungkol sa ating bansa bilang isang arkipelago. Ipinapaalala nito na ang pagka-Filipino ay hindi lamang hinubog sa ibabaw ng luntiang mga bundok at kapatagan, kundi pati na rin sa agos at palo ng asul na karagatan. Sumasalamin din ito sa sinaunang bihasang paglalayag at pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno gamit ang mga balangay. Bahagi ng pagiging duyan ng alon ang pagharap sa mga banta na nagmumula sa dagat. Sa loob ng ilang dantaong kasaysayan, ang ating mga baybayin ay naging saksi sa mga nakabubuting ugnayan, gayundin sa mga madidilim na yugto ng pananalakay, panunupil, at pamimirata.
Dito nagkaroon ng natatanging papel ang mga bantayan o tanggulan (๐ธ๐ข๐ต๐ค๐ฉ๐ต๐ฐ๐ธ๐ฆ๐ณ) noong panahon ng Kastila. Ang mga estrukturang ito, na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa mga baybayin ng Ilocos, ay nagsilbing unang linya ng depensa ng kapuluan. Ang karagatan, na siyang daan ng komunikasyon at kalakalan, ay siya ring daan ng mga mananalakayโmula sa mga piratang Moro hanggang sa iba pang dayuhang kapangyarihan.
Ang mga bantayan o tanggulan ay hindi lamang binubuo ng mga bato at semento; ang mga ito ay simbolo ng lakas, pagsisikap, at talino ng sambayanan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga lokal na materyales gaya ng mga batong-buhay, koral, at puti ng itlog bilang pampatibay, nagawang makapagtayo ng mga Pilipino ng matatayog na kuta upang ipagtanggol ang kanilang mga komunidad.
Sa mga panahong hindi pa malawak ang ating kaalaman sa teknolohiya, lalo na sa larangan ng komunikasyon, ang mga bantayan o tanggulan ang nagsilbing "mata" sa malawak na karagatan. Sa oras na makita ng mga tagapagbantay ang mga papalapit na kalabang sasakyang-pandagat sa abot-tanaw ng alon, agad silang nagbibigay ng babala sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana, pagpapasiklab ng apoy, o pagpapausok. Ang maagang babalang ito ay nagbigay-daan upang ang mga mamamayan sa dalampasigan ay makalikas, makapagtago o makapaghanda para sa labanan.
Makikita sa larawan ang isa sa mga pinakamatandang estrukturang naipatayo sa Narvacan, Ilocos Surโang Narvacan Watchtower na matatagpuan sa Barangay Sulvec, kung saan tinatawag din itong โBaluarteโ ng mga residente. Itinayo ito noong huling bahagi ng ika-16 na siglo upang magsilbing bantayan laban sa pagpasok ng mga pirata at mangangalakal. Noong 2015, kinilala at itinala ng Pambansang Museo ng Pilipinas ang Narvacan Watchtower bilang isang Pambansang Kayamanan sa Kultura (National Cultural Treasure).
Ang eksibisyong ๐๐ข๐ช๐ฑ๐ข๐ด๐ฅ๐ฆ๐ฌ ๐ ๐๐ข๐ธ๐ช๐ฅ: ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ฆ๐ง๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ท๐ฆ ๐๐ณ๐ค๐ฉ๐ช๐ต๐ฆ๐ค๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ญ๐ฐ๐ค๐ฐ๐ด sa Gallery 4 ng Old Carcel Museum sa Pambansang Museo ng Pilipinas-Ilocos sa Vigan ay nagtatampok sa mga makasaysayang bantayan, parola, at mga simbahan ng Ilocosโmga estrukturang nagsisilbing patunay sa mga pinagdaanan at katatagan ng mga Ilocano.
Ang paggunita sa Buwan ng Kasaysayan sa ilalim ng temang ito ay isang hamon na muling gisingin ang ating kamalayang pandagat. Ang mga bantayan o tanggulan na patuloy na hinahampas ng mga mababagsik na alon ngunit nananatiling nakatayo ay sumisimbolo sa ating lahing Filipino-matatag, mapagmatyag, at may malalim na ugnayan sa dagat. Pinatutunayan nito na kahit gaano kalakas ang alon at unos na dumarating, tayo ay patuloy na magbabantay, magtatanggol, at maglalayag bitbit ang mga aral ng nakaraan.
Makabuluhang pagdiriwang sa Buwan ng Kasaysayan!
Text: T. G. Peruna
Layout: R. R. Rafanan
National Museum of the Philippines-Ilocos (2026)
๐๐ฐ๐ณ ๐ช๐ฏ๐ฒ๐ถ๐ช๐ณ๐ช๐ฆ๐ด, ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ต๐ข๐ค๐ต ๐ถ๐ด ๐ข๐ต:
0919 077 9856 / (077) 302-2027
๐ช๐ญ๐ฐ๐ค๐ฐ๐ด@๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ๐ฎ๐ถ๐ด๐ฆ๐ถ๐ฎ.๐จ๐ฐ๐ท.๐ฑ๐ฉ