16/08/2026
PASOK | Lunes Agosto 17, 2026
Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) at para sa kaligtasan ng lahat, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bayan ng Nasugbu, Batangas sa Lunes, Agosto 17, 2026.
Ang suspensyon ay inaprubahan ni Hon. Mayor Antonio Jose A. Barcelon batay sa rekomendasyon ng Nasugbu MDRRMO.
Mananatiling ipatutupad ang Alternative Learning Modalities (ALMs) ayon sa mga patakaran ng paaralan.
Pinapayuhan ang lahat na maging alerto at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Nasugbu at mga kinauukulang ahensya.
Mag-ingat at manatiling ligtas, Nasugbu! ππ¨