28/10/2025
Maraming salamat po sa ating Gov. Vilma Santos Recto, Mayor Tony Barcelon, PGENRO, OPAg, PCG, PNP Maritime, Provincial Admin Sir Martin Dihan Jr. Provincial Legal Officer Atty. Joel Montealto at sa lahat ng dumalo kasama ang mga Bantay Dagat at MFARMC ng bawat bayan sa ginanap na Emergency Coordination Meeting tungkol sa Mercidar Rulling na ginanap sa Office of Provincial Agriculture Batangas City noong nakaraang October 23, 2025. Dito po ay nag desisyon ang ating Provincial Government na hindi papayagan na ma implement ng Mercidar Fishing Corporation ang desisyon ng Malabon RTC na pumasok sila sa 15 km municipal water ng bawat bayan sa buong Batangas. Malaking tulong po ang ginawa nyong aksyon at suporta sa ating maliliit na mangingisda. Maraming salamat po! God bless po sa ating lahat!