18/06/2026
๐๐๐๐, ๐ฃ๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ง๐ฉ๐๐ง ๐๐๐๐ฟ
Matagumpay na isinagawa ng Natonin National High School ang Second Quarter Simultaneous Earthquake Drill noong Hunyo 18, 2026 na nilahukan ng mga mag-aaral at mga staff ng paaralan bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa anumang sakunang dulot ng lindol.
Aktibong nakibahagi sa isinagawang aktibidad ang mga mag-aaral at mga staff sa pagsasanay ng wastong pagtugon sa oras ng lindol. Matapos ang drill, nagbigay ng paalala si Nurse Annie Grail C. Baggay hinggil sa mga nararapat at hindi nararapat gawin kapag may lindol. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng wastong pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold Technique bilang pangunahing hakbang upang maprotektahan ang sarili sa oras ng pagyanig.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang punong g**o na si Ceriaco D. Laguiwed Jr. sa mga mag-aaral at mga staff sa kanilang aktibo at disiplinadong pakikilahok sa nasabing pagsasanay. Ayon sa kaniya, ang ganitong mga gawain ay mahalagang bahagi ng pagpapaigting ng kultura ng kahandaan at kaligtasan sa loob ng paaralan.
Isinasagawa ang Second Quarter Simultaneous Earthquake Drill bilang pagsasabuhay sa prinsipyong โPreparedness Saves Livesโ, na naglalayong higit pang paigtingin ang kahandaan ng mga mag-aaral at kawani sa pagtugon sa mga sakuna. Sa pamamagitan nito, patuloy na nakatutulong ang paaralan sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas matatag na komunidad sa Mountain Province.