30/07/2026
185 Magsasaka sa Bayan ng Naujan, Nakatanggap ng ₱5,000 Fuel Card
Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang Fuel Card Distribution para sa 185 magsasakang nakapagparehistro ng kanilang agricultural machineries, sa ilalim ng Fuel Subsidy Program ng Department of Agriculture.
Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng ₱5,000 fuel card bilang tulong sa kanilang gastusin sa pagsasaka.
Pinangunahan ang aktibidad ni Engr. Ayessa Euniz A. Asinas, Engineer I at ABE Program Coordinator, kasama sina Mr. Charlie Magsino, Engineer I at Ms. Jie Ann M. Villacrusis, Agricultural Technician II ng DA RFO MIMAROPA. Samantala, patuloy namang hinihikayat ni Municipal Agriculturist Chris Sean Paul C. Nagutom ang mga magsasaka na iparehistro ang kanilang mga makinarya upang maging kwalipikado sa mga katulad na programa ng pamahalaan.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pamumuno ni Punumbayan Kgg. Henry Joel C. Teves para sa kapakanan ng ating mga magsasaka.