20/11/2025
Barangay General Esco, magandang araw po!
Basahing maigi ang mga sumusunod:
Meron pong training ng Pananahi ng Blouse, pantalon, palda, punda, bedsheet, ibat ibang design ng kurtina. Libre lahat ang tela, sinulid, zipper, mga gamit.
Bigay po sa inyo ang inyong mayayari.
15 days training ito sa Colegio De Naujan.
Magpalista na po ang interesado maging mananahi para magkaroon ng dagdag na kita ang pamilya.
Magdala po ng birth certificate at bgy certificate of residency and indigency.
Hanapin po si Mrs. Aimee Briones sa Colegio de Naujan. Limitado lang po ata ang slots nito at Kailangan po full commitment dito.
Kung may mga katanungan, pwede nyo pong itanong sa mga Brgy. Secretary ng inyong brgy.para maparating sa pamunuan.
Salamat po and God bless!