BJMP Naujan District Jail

BJMP Naujan District Jail Changing Lives, Building a Safer Nation
(1)

❤️ Service Beyond DutyThe Naujan District Jail joined the Mass Blood Donation Activity held on September 1, 2026, at Bar...
02/09/2026

❤️ Service Beyond Duty

The Naujan District Jail joined the Mass Blood Donation Activity held on September 1, 2026, at Barangay Santiago, Naujan, Oriental Mindoro, in celebration of the 18th Anniversary of the Naujan Blood Council.

Their simple act of kindness can make a life-changing difference to someone in need. Every drop counts. Every donor matters. 🩸

Thank you po Balitang Mindoro ❤
31/08/2026

Thank you po Balitang Mindoro ❤

30/08/2026

Bukod sa pag-aabot ng hygiene kits at pagkain, naging layunin din ng Naujan Tourism Office, kasama ang Binibining Naujan 2026, na makatulong sa pag-promote at pag-showcase ng iba’t ibang livelihood products na handmade ng ating mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Sa pamamagitan ng munting hakbang na ito, nais nating maipakita ang kanilang pagkamalikhain, kasanayan, sipag, at talento, gayundin ang halaga ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong maipakita at mapahalagahan ang kanilang mga produkto. ✨

Support local. Support livelihood. Support the people behind every product. ❤️

BINIBINING NAUJAN 2026 JAIL TOUR 👑Mainit na sinalubong ng BJMP Naujan District Jail ang mga naggagandahang kandidata ng ...
29/08/2026

BINIBINING NAUJAN 2026 JAIL TOUR 👑

Mainit na sinalubong ng BJMP Naujan District Jail ang mga naggagandahang kandidata ng BINIBINING NAUJAN 2026 para sa isang Jail Tour.

Tampok sa kanilang pagbisita ang iba't ibang livelihood products na yari sa kawayan at buong husay na likha ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL). Patunay ito na sa likod ng mga pader ng piitan ay patuloy na namumukadkad ang talento, sipag, pagkamalikhain, at pag-asa.



👑BINIBINING NAUJAN 2026 | OUTREACH PROGRAM PARA SA MGA PDL Isang makabuluhan at masayang araw ang hatid ng mga kandidata...
29/08/2026

👑BINIBINING NAUJAN 2026 | OUTREACH PROGRAM PARA SA MGA PDL

Isang makabuluhan at masayang araw ang hatid ng mga kandidata ng Binibining Naujan 2026 sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Naujan District Jail sa pamamagitan ng isang Outreach Program.

Pinangunahan ni Ma’am Jessa Olmos, Municipal Tourism Officer, ang isinagawang pamamahagi ng food packs at hygiene kits bilang pagpapakita ng malasakit at suporta sa mga PDL.

Naging mas masaya ang programa sa pagpapakita ng talento at kakayahan ng mga kandidata, gayundin ng mga PDL, na nagbigay ng saya at positibong samahan sa loob ng pasilidad.

Nakiisa rin sa makabuluhang programa si Madam Malou G. Teves, Maybahay ng Punong Bayan ng Naujan, na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga programang naglalayong maghatid ng pag-asa, pagkalinga, at pagbabago sa buhay ng mga PDL.

Maraming salamat po Binibining Naujan 2026!


📚✨ PROJECT LIKHA-KUWENTO“Lumilikha ng Kuwento, Nagbibigay-Aral, Humuhubog ng Kinabukasan.”Bilang bahagi ng programang Ka...
29/08/2026

📚✨ PROJECT LIKHA-KUWENTO
“Lumilikha ng Kuwento, Nagbibigay-Aral, Humuhubog ng Kinabukasan.”

Bilang bahagi ng programang Kalinga sa Anak ng PDL at pagdiriwang ng Buwan ng Wika, matagumpay na isinagawa sa loob ng Naujan District Jail ang masayang Pagbabasa ng Kuwentong Pambata para sa mga Anak ng PDL.

Tampok sa aktibidad ang isang orihinal na kuwentong pambata na isinulat at iginuhit ni JO1 Allen Glen A Delica, CRSO, na naglalaman ng makabuluhang aral at positibong pagpapahalagang angkop sa murang kaisipan ng mga bata. Ito naman ay masining na ibinahagi ni JO1 Ivy Dilidili, na nagbigay-buhay sa kuwento at naghatid ng saya at sigla sa mga batang masigasig na nakinig at nakilahok sa talakayan.

Sa pamamagitan ng PROJECT LIKHA-KUWENTO, layunin ng Naujan District Jail na gamitin ang kapangyarihan ng mga kuwentong pambata bilang daan sa paglinang ng kaalaman, mabubuting pagpapahalaga, at pangarap ng mga bata, maging sila man ay mga Anak ng PDL o kabataan sa komunidad.

Sapagkat sa bawat kuwentong nililikha, may aral na naibabahagi; at sa bawat aral, may kinabukasang hinuhubog.


Maraming salamat po RBAC News ❤
29/08/2026

Maraming salamat po RBAC News ❤

🇵🇭KALINGA SA ANAK NG PDL: PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA  Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, matagumpay na isi...
28/08/2026

🇵🇭KALINGA SA ANAK NG PDL: PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, matagumpay na isinagawa ng Naujan District Jail ang programang “Kalinga sa Anak ng PDL”.

Sa pamamagitan ng tulong at suporta ng pribadong indibidwal na si Lady Adamas, naging mas makulay, masaya, at makabuluhan ang nasabing programa. Isinagawa ang iba't ibang gawaing pambata tulad ng Tagisan ng Talino, Palaro ng Lahi, Gift-Giving, at Feeding Activity.

May kabuuang dalawampung (20) bata ang nakinabang sa aktibidad. Nabigyan sila ng pagkakataong matuto, makilahok sa mga tradisyunal na larong Pilipino, magsaya kasama ang kanilang mga kapwa bata, at makatanggap ng mga regalo at pagkain.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Naujan District Jail na maitaguyod ang kapakanan, pag-asa, at positibong ugnayan sa pagitan ng PDL, kanilang pamilya, at ng komunidad.

Maraming salamat kay Lady Adamas sa kanyang malasakit at buong pusong suporta! 🤝



26/08/2026

Mga Katangian ng kawani ng Piitan
Buwan ng Wika 2026 🇵🇭




Address

Brgy. Andres Ylagan
Naujan
5204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BJMP Naujan District Jail posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BJMP Naujan District Jail:

Shortcuts

Share