Barangay Malinao

Barangay Malinao Barangay Malinao, Naujan

πŸ“’ NATIONAL ID REGISTRATIONPupunta po ang mga taga-PSA sa ating barangay para sa National ID Registration.πŸ“… Sabado, Agost...
27/08/2026

πŸ“’ NATIONAL ID REGISTRATION

Pupunta po ang mga taga-PSA sa ating barangay para sa National ID Registration.

πŸ“… Sabado, Agosto 29, 2026

Requirements:

πŸ‘Ά 0–4 years old
β€’ Birth Certificate
β€’ National ID ng Parent/Guardian
β€’ Kasama ang Parent/Guardian sa Registration Center.

πŸ‘€ 5 years old pataas
β€’ Birth Certificate o Valid Government-issued ID

πŸ‘΄πŸ‘΅ Senior Citizens
β€’ Senior ID na lamang po.

Inaanyayahan po ang mga nais magparehistro na makiisa at dalhin ang kinakailangang dokumento.

Maraming salamat po! 😊

πŸ“’ PAANYAYA SA MGA NEGOSYANTEMagandang araw po, mga kabarangay!Inaanyayahan po ang lahat ng micro business taxpayers / mg...
27/08/2026

πŸ“’ PAANYAYA SA MGA NEGOSYANTE

Magandang araw po, mga kabarangay!

Inaanyayahan po ang lahat ng micro business taxpayers / mga maliliit na negosyante mula sa ating barangay na dumalo sa Tax Seminar for Micro Business Taxpayers na pangungunahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office No. 063.

πŸ“… Setyembre 3, 2026 (Huwebes)
⏰ 9:00 AM onwards
πŸ“ BIR District Function Hall, Calapan City, Oriental Mindoro

Tatalakayin po ang Revenue Regulations (RR) No. 4-2026 – One-Time Abatement Program.

Hinihikayat po ang ating mga negosyante na dumalo at samantalahin ang pagkakataong ito upang maging updated sa mga regulasyon sa buwis.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! πŸ™

πŸ“’ FYI! | BARANGAY MALINAOWHAT: UPLIFT Pay-outWHO: Mga benepisyaryong nakapasa sa validationWHEN: August 15, 2026TIME: 11...
13/08/2026

πŸ“’ FYI! | BARANGAY MALINAO

WHAT: UPLIFT Pay-out
WHO: Mga benepisyaryong nakapasa sa validation
WHEN: August 15, 2026
TIME: 11:00 AM
WHERE: Naujan Municipal Hall
πŸ“ Barangay Santiago, Naujan, Oriental Mindoro

Para sa mga beneficiary ng Barangay Malinao na nakapasa sa validation, mangyaring dumalo sa nasabing schedule.

03/08/2026

πŸ“’ PABATID: NAWAWALANG KALABAW

Ipinababatid po sa lahat na nawawala ang kalabaw ni Ginang Mylene Marasigan.

Ang kalabaw ay nakatali sa bandang likuran ng simbahan ng "4 SQUARE", malapit kina Ginang Elena Perez, at si Jayson "Temyas" Macalalad ang siyang taga-intindi nito.

Nang puntahan ito ngayong araw bandang 6:00 ng umaga, ay wala na ito sa pinagkakatali.

Paglalarawan ng kalabaw: β€’ Babaeng kalabaw
β€’ Humigit-kumulang 4–5 taong gulang
β€’ Isang beses pa lamang nakapanganak

Naghanap na rin po sa bandang Pinagsabangan 1, ngunit hindi pa rin ito matagpuan.

Kung sakaling makita ninyo ang nasabing kalabaw o may anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan nito, makipag-ugnayan lamang po sa may-ari o sa Barangay Hall.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at tulong.

πŸ“’ UPLIFT ASSISTANCE PROGRAMMagandang araw, mga kabarangay!Narito na po ang Masterlist ng mga isasailalim sa Validation p...
01/08/2026

πŸ“’ UPLIFT ASSISTANCE PROGRAM

Magandang araw, mga kabarangay!
Narito na po ang Masterlist ng mga isasailalim sa Validation para sa UPLIFT Assistance Program.

Ang masterlist na ito ay batay sa datos mula sa CBMS Survey 2024 ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ginamit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang batayan sa pagsasagawa ng validation.

πŸ“Œ Mahalagang Paalala:
βœ… Ang pagkakasama sa masterlist ay para lamang sa validation.
βœ… Ang pagkakasama sa listahan ay hindi pa nangangahulugang aprubado o tiyak nang makatatanggap ng UPLIFT Assistance Program.
βœ… Ang pinal na kwalipikasyon ng mga benepisyaryo ay nakabatay pa rin sa resulta ng validation at sa mga pamantayang itinakda ng DSWD.

πŸ“ Venue: Brgy. Adrialuna Covered Court
πŸ“… Petsa: August 10, 2026
πŸ•— Oras: 8:00 AM

πŸ“Œ Paalala: Ang Barangay at mga Barangay Officials ay walang kinalaman sa pagpili, pagdaragdag, o pagtanggal ng mga pangalan sa masterlist. Ang listahang ito ay nagmula sa DSWD at batay sa CBMS Survey 2024 ng PSA.

πŸ“Œ Paalala: Hinihiling po namin ang pag-unawa at paggalang ng bawat isa.

Iwasan po natin ang mga hindi magandang komento o maling impormasyon sa comment section.

Kung may mga katanungan o nais linawin tungkol sa masterlist o validation, hinihikayat po namin kayong magtungo sa Barangay Hall upang mabigyan ng tamang impormasyon.

Maraming salamat po.

🌱πŸ₯— NUTRITION MONTH CELEBRATION AND FEEDING PROGRAM 🍎Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month, nagsagawa ng isang ...
29/07/2026

🌱πŸ₯— NUTRITION MONTH CELEBRATION AND FEEDING PROGRAM 🍎

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month, nagsagawa ng isang Feeding Program para sa mga bata.

Layunin ng programang ito na maitaguyod ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at mahikayat ang bawat pamilya na suportahan ang malusog na paglaki at pag-unlad ng mga kabataan.

Sama-sama nating isulong ang nutrisyong sapat para sa lahat at pangalagaan ang kalikasan para sa mas malusog na kinabukasan! πŸ’š




πŸ“’ MAGANDANG BALITA, MGA KABARANGAY! πŸ›œAvailable na ang DICT Free Wi-Fi for All sa ating Barangay Hall!Maaari nang mag-acc...
20/07/2026

πŸ“’ MAGANDANG BALITA, MGA KABARANGAY! πŸ›œ

Available na ang DICT Free Wi-Fi for All sa ating Barangay Hall!

Maaari nang mag-access ng libreng internet ang ating mga kabarangay para sa pag-aaral, komunikasyon, pagkuha ng impormasyon, at iba pang online na pangangailangan.

Inaanyayahan ang lahat na gamitin ang serbisyong ito nang responsable at makatulong sa pagpapanatili ng maayos at ligtas na paggamit ng internet.

Maraming salamat sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa programang Free Wi-Fi for All, na naglalayong palawakin ang digital connectivity sa mga komunidad. πŸ©΅πŸ‡΅πŸ‡­


Barangay Development Council (BDC) MeetingIsinagawa ngayong araw ang pagpupulong ng Barangay Development Council (BDC) n...
18/07/2026

Barangay Development Council (BDC) Meeting

Isinagawa ngayong araw ang pagpupulong ng Barangay Development Council (BDC) ng ating Barangay Malinao.

Layunin ng pagpupulong na talakayin at pagplanuhan ang mga prayoridad na programa, proyekto, at mga gawaing pangkaunlaran ng barangay upang matiyak ang maayos, epektibo, at inklusibong paghahatid ng serbisyo publiko para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Ang Sangguniang Barangay ng Malinao ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga konseho at kinatawan ng iba't ibang sektor na dumalo at aktibong nakibahagi sa pagpupulong.

Ang inyong suporta at pakikiisa ay mahalagang bahagi sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.


SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE PARA SA NUTRISYONπŸ“… July 06, 2026πŸ“ Barangay Malinao, Naujan, Oriental MindoroBilang pakikiisa...
06/07/2026

SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE PARA SA NUTRISYON

πŸ“… July 06, 2026
πŸ“ Barangay Malinao, Naujan, Oriental Mindoro

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, nagsagawa ng Barangay Malinao ng Simultaneous Clean-Up Drive upang isulong ang kalinisan ng kapaligiran bilang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng kalusugan at wastong nutrisyon ng bawat mamamayan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sa sama-samang pagkilos, mas mapapanatili nating malinis, ligtas, at masigla ang ating barangay.

"Healthy Environment, Healthy Community." πŸŒΏπŸ’š




πŸ‡΅πŸ‡­ FLAG CEREMONY | July 6, 2026Sa pangunguna ng Barangay Malinao, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Flag Ceremony...
06/07/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ FLAG CEREMONY | July 6, 2026

Sa pangunguna ng Barangay Malinao, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Flag Ceremony bilang pagpapakita ng ating pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa bayan.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating gampanan ang ating mga tungkulin at magkaisa sa paghahatid ng tapat at mahusay na serbisyo para sa ating komunidad.

Isang mapagpalang Monday po sa ating lahat! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’™

Address

Malinao
Naujan
5204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Malinao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share