23/03/2026
Alarms & Scandal
๐จ๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ #26 โ โ๐๐๐๐ฅ๐ ๐ฆ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐ก๐๐๐๐ฆโ
๐๐ป๐ผ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐บ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฆ๐ฐ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐น๐?
Ang ๐๐ฅ๐๐ซ๐ฆ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐๐ง๐๐๐ฅ๐ฌ ay krimen laban sa ๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐จ๐ซ๐๐๐ซ. Ibig sabihin, bawal ang mga gawain na nagdudulot ng takot, gulo, o istorbo ๐ฌ๐ ๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ, lalo na sa kalsada, barangay, o kahit sa harap ng bahay ng kapitbahay.
Sa ilalim ng ๐๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐๐, pwedeng parusahan ang sinumang gagawa ng mga sumusunod:
1. Yung nagpapaputok ng baril, boga, paputok, o anumang pampasabog sa loob ng bayan o pampublikong lugar na puwedeng magdulot ng alarma o peligro.
2. Yung nangunguna o sumasali sa gulo, rambulan, o anumang kaguluhan na nakakaabala sa katahimikan ng iba.
3. Yung pagala-gala sa gabi o gumagawa ng trip sa madaling araw na nakakaistorbo sa kapayapaan ng lugar.
4. Yung lasing o wala sa sarili tapos gumagawa ng gulo o iskandalo sa pampublikong lugar.
๐๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ:
โข Yung alas-dos ng madaling araw, may nagvi-videoke sa kanto, ang lakas pa ng speaker, buong barangay gising na.
โข Yung may grupo na nagmomotor sa subdivision ng disoras ng gabi, bomba nang bomba, akala mo racetrack ang daan.
โข Yung tambay na lasing na, sumisigaw sa kalsada habang naglalakad, ginising lahat ng natutulog.
โข Yung lasing sa inuman tapos nagwala sa labas, hinahamon lahat ng dumadaan.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฒ๐ป๐ฎ๐น๐๐?
1 araw hanggang 30 araw na ๐ค๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ o ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ na hindi lalagpas sa P40,000, o pareho, depende sa desisyon ng korte.
Kahit simpleng istorbo sa publiko, pwede ka pa ring makasuhan.