Navoteñong OFW-FC, Inc.

Navoteñong OFW-FC, Inc. Established in 2012; legalized on January 14, 2018.

NCR OFC Leaders Meet & Greet with OWWA Administrator Atty. PY Caunan ☺️Isang makabuluhan at masayang pagtitipon ng mga l...
29/06/2026

NCR OFC Leaders Meet & Greet with OWWA Administrator Atty. PY Caunan ☺️

Isang makabuluhan at masayang pagtitipon ng mga lider ng NCR OFC ang naganap ngayong araw, June 29, 2026 upang makadaupang-palad si OWWA Administrator Atty. PY Caunan. Naging pagkakataon ito upang mapagtibay ang pagkakaisa, mapalalim ang ugnayan, at higit pang mapalakas ang ating layunin na maglingkod sa kapakanan ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.

Lubos na ipinagmamalaki ng Navoteñong OFW-FC, Inc. ang maging bahagi ng mahalagang pagtitipong ito. Sama-sama nating isinusulong ang mga programang nagbibigay ng pag-asa, suporta, at mas magandang kinabukasan para sa bawat OFW.

Maraming salamat, OWWA, sa patuloy na paggabay at pakikipagtulungan! 💙

1st Runner-Up sa 1st OFC “Ikaw ang Bida” Bowling Tournament! 🥈🎉Isang taos-pusong pagbati sa buong Navoteño OFW-FC, Inc. ...
29/06/2026

1st Runner-Up sa 1st OFC “Ikaw ang Bida” Bowling Tournament! 🥈🎉

Isang taos-pusong pagbati sa buong Navoteño OFW-FC, Inc. sa matagumpay na paglahok sa 1st OFC “Ikaw ang Bida” Bowling Tournament, na ginanap noong Hunyo 26, 2026 sa Metro Lane Bowling Center, Marikina City.

Buong puso naming ipinagmamalaki ang pagkamit ng 1st Runner-Up at ang pagtanggap ng Certificate of Participation bilang pagkilala sa aming aktibong pakikilahok, sportsmanship, at pagkakaisa bilang isang organisasyon.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, suporta, at magandang samahan ng bawat miyembro. Hindi man kami ang kampeon, tunay na panalo ang pagkakaibigan, pagkakaisa, at diwa ng pagtutulungan na aming ipinakita.

Maraming salamat sa mga organizers, sponsors, at sa lahat ng sumuporta sa aming koponan. Higit sa lahat, Congratulations sa bawat miyembro ng Navoteño OFW-FC, Inc!

Patuloy tayong magkaisa, magsilbi, at magbigay-inspirasyon sa ating kapwa OFWs at kanilang mga pamilya. 💙

Pagpupugay sa ating mga Makabagong Bayani! 🇵🇭Naging bahagi tayo ng pagdiriwang ng 2026 Migrant Workers Day na ginanap no...
29/06/2026

Pagpupugay sa ating mga Makabagong Bayani! 🇵🇭

Naging bahagi tayo ng pagdiriwang ng 2026 Migrant Workers Day na ginanap noong June 8, bilang pagkilala sa sipag, sakripisyo, at pagmamahal ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa kanilang pamilya at sa ating bayan.

Kasama ang Navotas OFW-FC, Inc., ipinakita natin ang pagkakaisa at suporta sa bawat OFW na patuloy na nagsisikap upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa selebrasyong ito. Nawa’y patuloy nating pahalagahan at ipagmalaki ang ating mga OFW, mga tunay na huwaran ng katatagan, pagmamahal, at dedikasyon.

Mabuhay ang ating mga OFW! Mabuhay ang mga Bagong Bayani! 💙

02/05/2026
TINGNAN | Kahapon, ika-30 ng Abril, matagumpay na naisagawa ang ating Fire Prevention Seminar na pinangunahan ni Chief L...
01/05/2026

TINGNAN | Kahapon, ika-30 ng Abril, matagumpay na naisagawa ang ating Fire Prevention Seminar na pinangunahan ni Chief Leo A. Andiso sa pamamagitan ni Konsehal LIZ Lupisan, Presidente ng Navoteñong OFW-FC, Inc. at Tagapangulo ng Migrant Workers, na nagbigay ng mahahalagang kaalaman ukol sa tamang pag-iwas sa sunog, wastong paggamit ng mga fire safety equipment, at kahalagahan ng kahandaan sa oras ng sakuna. Ang kanyang pagbabahagi ay nagsilbing gabay upang mas mapalakas ang kamalayan at disiplina ng bawat isa pagdating sa kaligtasan.

Kasunod nito, isinagawa rin ang Values Formation Training na pinangunahan nina Mr. Matthew Marasigan at Mr. Rel Ripalda mula sa OWWA sa pamamagitan din ng ating Konsehala Liz Lupisan, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na pagpapahalaga, responsableng pag-uugali, at positibong pananaw sa buhay, lalo na sa harap ng mga hamon sa pang-araw-araw.

Ang dalawang aktibidad na ito ay naglalayong hindi lamang palawakin ang ating kaalaman kundi hubugin din ang ating pagkatao upang maging mas handa, disiplinado, at responsable bilang bahagi ng komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi! 💙

Let us all pray for Middle East! 🙏🏻
05/03/2026

Let us all pray for Middle East! 🙏🏻

Hindi biro ang magtrabaho sa malayo, lalo na kung ang ingay ng paligid ay hindi na tunog ng pag-unlad, kundi tunog ng kaguluhan.

Bilang inyong Konsehal na Chairperson ng Committee on Migrant Workers at dating OFW na minsan ding nangarap sa ibang bansa, ramdam ko ang bigat sa dibdib ng ating mga kababayan sa Middle East at ng kanilang mga pamilya rito sa atin. Ang bawat balita ng putukan ay tila ba kurot sa ating mga puso.

Mananatili kaming nakasubaybay at handang umalalay sa abot ng aming makakaya. Hindi kayo nag-iisa. Dalangin namin ang inyong kaligtasan. Uwi nang ligtas, Bayani. 🇵🇭

- Konsi Liz Lupisan

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng Navoteño OFW-FC, Inc. kahapon (March 3, 2026) na pinangunahan ...
04/03/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng Navoteño OFW-FC, Inc. kahapon (March 3, 2026) na pinangunahan ng ating lingkod, Konsehala Liz Lupisan. Nagkaisa ang bawat miyembro upang talakayin ang mga programang magpapatibay sa samahan at magbibigay-suporta sa ating mga kababayang OFW at kanilang mga pamilya. Sama-sama para sa mas matatag at mas maunlad na komunidad!

— Konsi LIZ LUPISAN 💙
Chairperson, Committee on Migrant Workers

💙
04/03/2026

💙

04/03/2026

Address

M. Naval Street
Navotas
1485

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Navoteñong OFW-FC, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share