Navotas City Agriculture Office

Navotas City Agriculture Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Navotas City Agriculture Office, Public & Government Service, 1st Floor/City Agriculture Office/Navotas City Hall, Navotas.

Part of the Local Government Unit of Navotas responsible for the concerns, programs, and policies about fisheries and urban gardening/agriculture and veterinary services such as stray animals, anti-rabies vaccinations, meat inspections and etc...

Magandang Araw!Ito po ang partial schedule para sa 2025 Fisherfolk Registration. Mag-antabay po tayo ng mga susunod na a...
28/03/2025

Magandang Araw!

Ito po ang partial schedule para sa 2025 Fisherfolk Registration. Mag-antabay po tayo ng mga susunod na anunsyo para sa mga Nananamahan, Tindera at iba pa.

Maraming Salamat po!

Para sa mga Navoteño na may-ari ng bangka, magkakaroon ng renewal ng registration para sa Fisherfolk ID mula 2-4 at 7 April 2025, 9am-4pm, sa Navotas City Hall Lobby.

Dalhin lamang ang mga sumusunod (Tingnan ang buong listahan ng requirements dito https://tinyurl.com/2025FisherfolksDoc ):

• Fisherfolk Registration Form (i-download mula sa link sa itaas, i-print, at fill-up-an)
• 1pc 2x2 ID picture with white background (Bawal ang selfie, nakasumbrero, at nakasando)
• 1pc 1x1 ID picture with white background (Bawal ang selfie, nakasumbrero, at nakasando)
• Photocopy/Xerox ng voter’s ID o ICTO (MIS) verification kung walang voter’s ID
• Barangay Certificate na nagsasaad na kayo ay “Legitimate Fishing Boat Owner”
• Photocopy/Xerox ng rehistro ng may-ari ng bangka
• Permit to Operate at Certificate of Number (issued ng Navotas City Agriculture Office)

Narito ang listahan ng mga rehistradong fishing boat owners na kailangang mag-renew: https://tinyurl.com/2025FisherfolksB1 Sundin ang itinakdang schedule para sa inyo.

Kailangang MAGPAREHISTRO O MAG-RENEW NG REHISTRO TAON-TAON upang makuha ang mga benepisyo at programang nakalaan sa mga mangingisdang Navoteño.

Antabayanan ang schedule para sa renewal ng registration para sa mga mangingisda at vendors, at new application ng fisherfolk ID.


19/02/2025
04/02/2025
30/10/2024

Magandang Araw!

Ang aming tanggapan City Agriculture Office ay bukas na para tumanggap ng interesadong fisherfolk na gustong mapabilang sa Top 10 Most Outstanding Fisherfolks 2025.

Ang deadline ng pasahan ng requirements ay simula Octubre 1, 2024 hanggang Nobyembre 25, 2024. Maaaring ipasa ang inyong mga requirements sa City Agriculture Office 1st floor, Navotas City Hall.


15/10/2024

Tuloy-tuloy ang SAYA NEWS!

Sa lahat ng mga rehistradong mangingisdang Navoteño na kasama sa Batches 1-3 at hindi pa nakakuha ng tulong pinansyal mula kay President Bongbong Marcos, pumunta po sa payout para sa UNCLAIMED CASH ASSISTANCE bukas, 16 October 2024, 9AM – 12PM sa Navotas Sports Complex.

Narito po ang link ng mga benepisyaryo: https://tinyurl.com/UNCLAIMED-BATCH-1-3

Siguruhing madala ang sumusunod na dokumento at pumunta lamang sa schedule na nakalaan para sa inyo:
1. Original Fisherfolk ID
2. Original government-issued ID
3. Photocopies ng Fisherfolk ID at government-issued ID na may tatlong (3) pirma
4. NavoRehistro QR Code

Hindi po pinapayagan ang kinatawan kaya dapat personal na kunin ng benepisyaryo ang kanyang ayuda.

Muli, nagpapasalamat po tayo kay President sa napakalaking tulong na inihandog niya sa mga Navoteño.


*ongAllTheWay

03/10/2024
03/09/2024

CALLING NavoPET PARENTS!

May anti-rabies vaccination at pet registration po tayo para sa inyong mga alagang a*o at pusa. Magpalista lamang po sa inyong barangay at dalhin ang sumusunod na dokumento.

Requirements:
- Pet Registration Forms
Makukuha sa City Agriculture Office, 1st floor, Navots City Hall o sa Veterinary Unit, Tioco St., Brgy. Bangkulasi

For Owners
- Duly accomplished Pet Registration Form
- Certificate of residency from barangay
- 2 pcs. 2x2 photos
- P75.00 na registration fee

For Pet
- Certificate/Proof of Anti-Rabies Vaccination for the last 6 months
- 2pcs. 3R Full Body and Side photos

Para sa iba pang impormasyon, maaari kayong dumulog sa City Agriculture Office.



AgRI UPDATE | Training on Fishing Value-Adding and Packaging Technologies (Fish Bottling)Katuwang ang Bureau of Fisherie...
22/08/2024

AgRI UPDATE | Training on Fishing Value-Adding and Packaging Technologies (Fish Bottling)

Katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Central Office (BFAR) Sumailalim sa hands on skills training ang mga Navoteño fisherfolk. Tinuruan ang mga nakilahok kung paano mag Fish Bottling. Ito ay ginanap noong Agosto 21-22, 2024 sa NavotaAs Institute Annex 1, Dalag St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.

Bukod sa bagong skills, makakatulong din ito upang magkaroon sila ng dagdag na mapagkukunan ng kabuhayan.

Magandang Araw! Magkakaroon po ng Fisherfolk registration para sa mga BOAT OWNERS. Nasa link po ang mga listahan ng mga ...
06/08/2024

Magandang Araw! Magkakaroon po ng Fisherfolk registration para sa mga BOAT OWNERS. Nasa link po ang mga listahan ng mga BOAT OWNERS, NGUNIT kung kayo po ay NAKAPAG-REHISTRO na sa FISHERFOLK NOONG UNANG MGA ARAW, ay maaring HINDI na po kayo MAG PUNTA.

Para sa mga Navoteño na may-ari ng bangka, magkakaroon ng registration para sa Fisherfolk ID sa 7 Agosto 2024, 8am-3pm, sa Navotas City Hall Lobby.

Dalhin lamang ang sumusunod na mga dokumento:
1. Photocopy ng Permit to Operate
2. Photocopy ng Certificate of Number
3. Barangay Certificate na nagsasaad na kayo ay lehitimong Fishing Boat Owner

Hindi na kailangan ng online registration.

Narito ang listahan ng mga rehistradong fishing boat owners: https://tinyurl.com/FishingBoatOwners24

Kailangang MAGPAREHISTRO O MAG-RENEW NG REHISTRO TAON-TAON upang makuha ang mga benepisyo at programang nakalaan sa mga mangingisdang Navoteño.


Magandang Araw! Magkakaroon po ng Fisherfolk registration para sa mga BOAT OWNERS. Nasa link po ang mga listahan ng mga ...
23/07/2024

Magandang Araw! Magkakaroon po ng Fisherfolk registration para sa mga BOAT OWNERS. Nasa link po ang mga listahan ng mga BOAT OWNERS, NGUNIT kung kayo po ay NAKAPAG-REHISTRO na sa FISHERFOLK NOONG UNANG MGA ARAW, ay maaring HINDI na po kayo MAG PUNTA.

Para sa mga Navoteño na may-ari ng bangka, magkakaroon ng registration para sa Fisherfolk ID sa 24 Hulyo 2024, 8am-3pm, sa Navotas Sports Complex.

Dalhin lamang ang sumusunod na mga dokumento:
1. Photocopy ng Permit to Operate
2. Photocopy ng Certificate of Number
3. Barangay Certificate na nagsasaad na kayo ay Fishing Boat Owner

Narito ang listahan ng mga rehistradong fishing boat owners: https://tinyurl.com/FishingBoatOwners24

Kailangang MAGPAREHISTRO O MAG-RENEW NG REHISTRO TAON-TAON upang makuha ang mga benepisyo at programang nakalaan sa mga mangingisdang Navoteño.


Para sa mga Navoteño fisherfolk, magparehistro po para sa inyong fisherfolk ID. Kailangang MAGPAREHISTRO O MAG-RENEW NG ...
07/06/2024

Para sa mga Navoteño fisherfolk, magparehistro po para sa inyong fisherfolk ID. Kailangang MAGPAREHISTRO O MAG-RENEW NG REHISTRO TAON-TAON upang makuha ang mga benepisyo at programang nakalaan sa mga mangingisdang Navoteño.

Bawat linggo, iba-ibang barangay po ang naka-schedule. Sa 13-21 June 2024, tanging ang mga barangay na ito ang makakapag-rehistro:
- Tangos South
- Tanza 2

Para makapagparehistro, sundin ang sumusunod na mga hakbang:
1. I-click ang https://appointment.navotas.gov.ph
2. Ilagay ang inyong detalye.
3. Piliin ang City Agriculture Office at Fisherfolk Registration New/Renewal.
4. Piliin ang tamang oras ng appointment depende sa inyong barangay.
5. I-confirm ang appointment at i-save ang QR code dahil ipapakita ito sa araw ng assessment.
6. Sa araw ng assessment, siguraduhing kumpleto ang dalang mga dokumento: https://tinyurl.com/FisherfolkReg2024
Para sa iba pang barangay, pakiantabayanan po ang ipopost na schedule para sa inyo.


Address

1st Floor/City Agriculture Office/Navotas City Hall
Navotas
1485

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Navotas City Agriculture Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Navotas City Agriculture Office:

Share