Malabon City Youth Development Unit

Directions

Malabon City Youth Development Unit The official account for the City Government of Malabon's Youth Development Unit and Malabon City Youth Development Council


16/10/2026
16/10/2026

💙 MINSAN, SAPAT NA ANG MAY HANDANG MAKINIG AT UMUNAWA

Hindi lahat ng taong may pinagdaraanan ay naghahanap agad ng payo. May mga pagkakataong mas kailangan nila ng taong handang makinig at umunawa nang walang panghuhusga.

Ito ang mensaheng nais ibahagi ni Ana Rose Lazaro, 30 taong gulang mula sa Brgy. Baritan, matapos makilahok sa Community-Based Mental Health Awareness Activity ng Malabon City Health Department.

Para kay Ana Rose, mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa kalusugang pangkaisipan upang mas maunawaan natin ang sariling emosyon at ang pinagdaraanan ng ibang tao.

Umaasa rin siyang mas marami pang ganitong aktibidad ang maihahatid sa mga komunidad, lalo na para sa mga kabataang nangangailangan din ng gabay sa pagharap sa kanilang mga emosyon at problema.

Paalala ng kaniyang kuwento na ang simpleng pakikinig, pag-unawa, at pag-iwas sa panghuhusga ay maaari nang maging mahalagang paraan ng pagsuporta sa kapwa. 💙

16/10/2026

Malugod po nating nakaharap ang mga Ginoo at Binibining Malabon 2026 sa kanilang courtesy call. Nakakatuwang makita ang mga kabataang Malabueño na handang ipakita ang kanilang angking ganda, talento, talino, at kumpiyansa sa sarili.

Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsuporta sa kabataan, hangad po natin na maging makabuluhan at matagumpay ang kanilang paglalakbay sa patimpalak na ito. Nawa’y magsilbi silang inspirasyon sa kapwa kabataang Malabueño at maging huwaran ng magandang asal, kahusayan, at pagmamalaki sa ating minamahal na Lungsod ng Malabon.

16/10/2026

5 ARAW NA LANG! IHANDA NA ANG BAYAD SA BUSINESS TAX

Mas maayos ang takbo ng negosyo kapag maagap na naaasikaso ang mga obligasyon.

Limang araw na lamang bago ang Oktubre 20, 2026 deadline ng pagbabayad ng Business Tax para sa 4th Quarter. Huwag nang hintayin ang huling araw! Ihanda na ang kinakailangang dokumento at bayaran ang inyong Business Tax habang may sapat pang oras.

MODE OF PAYMENT
• Cash
• Manager’s Check

📌 Para sa walk-in transactions, magdala ng printed Order of Payment.

📌 Para sa Manager’s Check, ilagay ang sumusunod:

Pay to the Order of: CITY GOVERNMENT OF MALABON

⚠️ Ang late payment ay papatawan ng 25% surcharge at 2% interest kada buwan, alinsunod sa Revenue Code.

May tanong? Makipag-ugnayan sa City Treasury Department sa (02) 8281-4999 loc. 3007 / 3008.

📍 City Treasury Department, 3rd Floor, Malabon City Hall
🕖 Lunes–Huwebes | 7:00 AM–6:00 PM

Magbayad nang maaga upang maiwasan ang dagdag na bayarin!


15/10/2026
13/10/2026

🛒💙 BAGO MAGBAYAD, TINGNAN. BASAHIN. SIGURADUHIN.

Bago bumili, ugaliing suriin ang presyo, label, expiration date, at kalidad ng produkto. Ilang segundo lang ang pag-check, pero malaking tulong ito para makaiwas sa problema at mas maging panatag sa bawat pagbili.

Ito rin ang diwa ng Consumer Welfare Month 2026 na may temang “Safe Products, Confident Consumers.” Kapag malinaw ang impormasyon at alam natin kung ano ang dapat bantayan, mas nagiging maingat at kumpiyansa tayo sa pagpili ng produkto at serbisyo.

Kaya dito sa Malabon, mahalaga ang patuloy na pagbibigay-kaalaman sa mga mamimili at ang pagpapaalala sa mga negosyo na panatilihing maayos, patas, at ligtas ang kanilang serbisyo. Ang Consumer Welfare Month ay ginugunita tuwing Oktubre sa bisa ng Proclamation No. 1098, s. 1997 bilang pagkilala sa kahalagahan ng proteksyon at karapatan ng bawat mamimili.

Mapa-palengke, grocery, tindahan, o online shopping man, maglaan ng kaunting oras para magbasa, magtanong, at magsuri bago magbayad. Sa simpleng pag-iingat, mas napoprotektahan natin ang ating pinaghirapang pera, kalusugan, at kapakanan ng ating pamilya. 💙

13/10/2026

🫁💙 LIBRENG TB SCREENING PARA SA MGA MALABUEÑO, GAGANAPIN SA BRGY. DAMPALIT!

Mas mabuting maagapan ang anumang posibleng karamdaman sa pamamagitan ng maagang pagpapasuri. Kaya bukas, magsasagawa ang Malabon City Health Department ng LIBRENG Chest X-Ray at Tuberculin Skin Test o PPD Test sa Brgy. Dampalit bilang bahagi ng Tuberculosis Active Case Finding.

Bukas ang serbisyong ito sa mga Malabueño mula sa anumang barangay na edad 15 pataas. Ang screening ay gaganapin sa:

📍 Dampalit Brgy. Hall
📅 Oktubre 14, 2026, Miyerkules
🕗 8:00 AM – 3:00 PM

Hinihikayat na magpasuri lalo na ang mga nakararanas ng:
• Ubo na mahigit dalawang linggo
• Pagpapawis sa gabi
• Panghihina
• Pagbaba ng timbang

Layunin ng programa na makatulong sa maagang pagtukoy ng posibleng TB, maiwasan ang pagkalat nito, at mabigyan ng tamang gabay at pangangalaga ang mga nangangailangan.

📌 Huwag kalimutang magdala ng isang (1) valid ID.

Malabueño, saan mang barangay kayo nakatira, maaari ninyong samantalahin ang libreng serbisyong ito. Ang maagang pagpapasuri ay mahalagang hakbang sa pag-aalaga sa sarili, pamilya, at komunidad. 💙

Address

Malabon City Hall, F. Sevilla Boulevard
Navotas
1470

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City Youth Development Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share