04/06/2026
π’ ππππππ πππππππππ πππππ ππππ | πππππππππ ππππππ-ππππππ π¦π«
Bilang pakikiisa sa paggunita ng Dengue Awareness Month, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Barangay Tanza 2 ang isang Motorcade Kontra-Dengue na naglalayong palawakin ang kamalayan ng ating mga mamamayan tungkol sa pag-iwas at paglaban sa dengue fever.
Kasabay ng motorcade, namahagi rin ang ating barangay ng mga flyers/leaflets na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa:
β
Mga paraan upang maiwasan ang dengue at iba pang sakit na dulot ng lamok
β
Mga sintomas at paunang hakbang kapag pinaghihinalaang may dengue
β
Mga tanggapan at contact persons na maaaring lapitan para sa mga katanungan at agarang tulong kaugnay ng dengue fever
β
Ang tamang proseso ng pag-request ng fogging o misting operations sa mga lugar na may naitalang kaso o pinaghihinalaang pinamumugaran ng mga lamok
Patuloy nating isabuhay ang kampanyang "Taob, Taktak, Tuyo, Takip" upang masugpo ang mga lugar na maaaring pamahayan ng mga lamok.
Hinihikayat ang bawat pamilya na regular na linisin ang kanilang kapaligiran, alisin ang mga nakaimbak na tubig sa mga lalagyan, at agad na makipag-ugnayan sa ating Barangay Health Center kung may nararamdamang sintomas ng dengue.
Maraming Salamat po!