Brgy San Rafael Village Official

Brgy San Rafael Village Official Brgy San Rafael Village Navotas

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT :Nakauwi na po si Mang Efren sa kanyang pamilya, maraming salamat po sa mga nag malasakit pa...
04/06/2026

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT :
Nakauwi na po si Mang Efren sa kanyang pamilya, maraming salamat po sa mga nag malasakit para sya ay makabalik sa kanyang pamilya.


Nakatutuwang isipin na sa munti nating paraan ay nagawa nating makapaghatid tulong sa mga mag-aaral sa elementarya ng at...
01/06/2026

Nakatutuwang isipin na sa munti nating paraan ay nagawa nating makapaghatid tulong sa mga mag-aaral sa elementarya ng ating barangay. Mula sa pakikipagtulungan natin sa ilang kumpanya na nagbigay ng kanilang pakikibahagi sa pag nanais na masuportahan ang ating programang taun-taon nating ginagawa ang "Tulong Mo Tulong Co para sa kabataang mag-aaral ng barangay San Rafael Village," nakapamahagi tayo ng ilang gamit at nagkaroon tayo ng libreng gupit bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik eskwela sa taong 2026-2027. Lubos po tayong nagpapasalamat sa suporta ng ating Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna nina Cong. Toby Tiangco, Mayor John Rey Tiangco sa ating mga kasama sa konseho ng barangay, Sangguniang Kabataan at mga kawani ng barangay.


Sa pagtutulungan ng DOH, City Health Ofc. at ng barangay sa pangunguna ng ating mga health workers ay mag kakaroon po ng...
01/06/2026

Sa pagtutulungan ng DOH, City Health Ofc. at ng barangay sa pangunguna ng ating mga health workers ay mag kakaroon po ng libreng bakuna para sa mga batang 6mos - 4yrs 11 months old para sa Tigdas at Rubella.
June 1, 2026 Day 1 9am-12nn Riverside
June 2, 2026 Day 2 9am-12nn Barangay Clinic


Narito po ang ilan sa mga kabarangay nating Senior Citizen , PWD (o kapamilya) at kawani ng barangay na nabahagian natin...
31/05/2026

Narito po ang ilan sa mga kabarangay nating Senior Citizen , PWD (o kapamilya) at kawani ng barangay na nabahagian natin ng munting handog sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan sa nagdaang buwan ng Mayo


Panibagong dagdag kaalaman para sa mga Opisyales at kawani ng barangay ang magkasabay na ginanap ngayong araw. Patunay l...
26/05/2026

Panibagong dagdag kaalaman para sa mga Opisyales at kawani ng barangay ang magkasabay na ginanap ngayong araw. Patunay lamang na sa kagustuhan nating mas mapabuti ang serbisyo na maaari nating maibahagi sa ating mga kabarangay ay patuloy nating pinagyayaman ang ating kaalaman.



Libreng TULIMay 28, 2026 9:00 AM ThursdayNew Life Tondo po ang VenueFirst Come, First Serve po sa venue.
26/05/2026

Libreng TULI
May 28, 2026 9:00 AM Thursday
New Life Tondo po ang Venue
First Come, First Serve po sa venue.

Isang na namang programa ng Pamahalaang Lungsod para sa mga bata ang ginanap sa bulwagan ng barangay na pinangunahan ng ...
20/05/2026

Isang na namang programa ng Pamahalaang Lungsod para sa mga bata ang ginanap sa bulwagan ng barangay na pinangunahan ng City Library ng Navotas ang story telling activity kung saan namahagi ng mga aklat upang hikayatin ang mga kabataan na makahiligan ang pagbabasa sa murang edad at gawin itong hakbang para magkaroon ng interes ang mga kabataan sa pagbabasa at pag-aaral.



Bilang paghahanda sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral, ay nagsagawa ng fumigation sa San Rafael Elementary School at ...
20/05/2026

Bilang paghahanda sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral, ay nagsagawa ng fumigation sa San Rafael Elementary School at San Rafael Technological & Vocational High School mula sa pakikipagtulungan ng ating barangay sa City Health Office kung kaya't lubos tayong nagpapsalamat kina Sir Francis at Sir Gilbert na siyang nagsagawa ng fumigation, gayundin sa pakikipagtulungan ng ating mga punong-guro.



Address

#1 Taliba Street San Rafael Village
Navotas
1403

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy San Rafael Village Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share