Navoteño Ako - Navotas City Public Information Office

Navoteño Ako - Navotas City Public Information Office Navotas is known as the Fishing Capital of the Philippines. The city has the third largest fish port in Asia and the largest in Southeast Asia.

Iikot na ang Benteng Bigas Meron na sa mga piling barangay sa Navotas!Bago ang schedule ng pagbebenta, magkakaroon muna ...
01/09/2026

Iikot na ang Benteng Bigas Meron na sa mga piling barangay sa Navotas!
Bago ang schedule ng pagbebenta, magkakaroon muna ng PRE-REGISTRATION ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Gaganapin ang pre-registration mula 9:00am-3:00pm sa Barangay Hall sa mga sumusunod na petsa at barangay:
• 7 September 2026 – Barangay Tangos North
• 9 September 2026 – Barangay Kaunlaran
• 15 September 2026 – Barangay Tangos South
• 17 September 2026 – Barangay NBBN
• 22 September 2026 – Barangay Daanghari
• 24 September 2026 – Barangay Bangkulasi
• 29 September 2026 – Barangay San Roque

PAALALA: Maaring ma-postpone ang schedule ng pre-registration at selling kung masama ang lagay ng panahon o may anunsyo ng work suspension ng government offices.

Dalhin ang sumusunod na valid ID o dokumento ayon sa inyong sektor:
• Senior Citizens – Senior Citizen/OSCA ID o iba pang government-issued ID
• Solo Parents – Valid Solo Parent ID
• PWDs – Valid PWD ID o kaukulang certification mula sa concerned social welfare office
• 4Ps Beneficiaries – 4Ps Beneficiary ID o certification mula sa concerned social welfare office
• Registered Fisherfolk – BFAR o LGU-issued Fisherfolk ID o certification
• Jeepney Drivers – LTFRB-issued Driver’s ID o kaukulang franchise-based identification
• Tricycle Drivers – Valid Driver’s License o valid ID at Tricycle Operator’s ID
• Public School Teaching and Non-teaching Personnel – DepEd o school-issued ID o Certificate of Employment
• Minimum Wage Earners – Company ID, Certificate of Employment, payslip, o iba pang patunay ng trabaho bilang minimum wage earner

Siguraduhing dala ang tamang dokumento upang maproseso ang inyong pre-registration.

Kapag matagumpay na nakapagparehistro, makatatanggap ang benepisyaryo ng kanilang DA/KADIWA QR Code na kailangang ipakita sa itinakdang RICE SELLING schedule sa bawat barangay.


Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report(As of 01 September 2026 (Tue); 06:05 PM) Nananatili sa red ...
01/09/2026

Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report

(As of 01 September 2026 (Tue); 06:05 PM)

Nananatili sa red level (183 - Masama sa Nakararami) ang kalidad ng hangin sa Navotas. Dahil dito, hinihikayat natin ang lahat na sundin ang mga sumusunod na paalala upang mapangalagaan ang kalusugan:

🔴 IWASAN ANG PAGLABAS AT PANATILIHING SARADO ANG MGA BINTANA AT PINTO. Magpahinga at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas. Iwasang makapasok sa loob ng kinaroroonan ang usok, haze, at alikabok.

🔴 IPAGPALIBAN MUNA ANG HINDI KAILANGANG BIYAHE. Hangga’t maaari, ipagpaliban muna ang mga lakad na hindi naman kailangan hanggang bumuti ang kalidad ng hangin.

🔴 IWASAN ANG MATINDING TRAPIKO. Iwasang magtagal sa mga lugar na maraming sasakyan dahil nakadaragdag ang vehicular emissions sa polusyon sa hangin.

🔴 MAGSUOT NG PROTECTIVE MASK. Kung kinakailangang lumabas, gumamit ng well-fitting N95 o katumbas na high-efficiency mask para makatulong na ma-filter ang maliliit na particulate matter gaya ng PM2.5.

🔴 MANATILING HYDRATED. Uminom ng sapat na tubig upang makatulong sa pangangati ng lalamunan at ubo na maaaring dulot ng maruming hangin.

Patuloy pong tumutok sa page na ito o sa Navotas City Environment and Natural Resources Office para sa updates sa kalidad ng hangin sa ating Lungsod. Mag-ingat po tayong lahat, mga Navoteño.

Disclaimer: The air quality data shown uses Non-Reference Method for indicative measurement of ambient air quality



ABISO NAVOTEÑO | Narito po ang high tide at floodgate schedule bukas, 2 September 2026.High Tide: 1.6 meters, 1:31amFloo...
01/09/2026

ABISO NAVOTEÑO | Narito po ang high tide at floodgate schedule bukas, 2 September 2026.
High Tide: 1.6 meters, 1:31am
Floodgate Operation
Close: 9:00pm Open: 4:20am (3 September)

Paalala po na maaaring mapaaga ang pagsasara ng mga floodgate, depende sa aktuwal na level ng tubig.

MAYNILAD ADVISORY | Hihina o mawawalan ng tubig sa Brgy. SRV at Tangos North bukas, 2 September 2026, 10PM hanggang 3 Se...
01/09/2026

MAYNILAD ADVISORY | Hihina o mawawalan ng tubig sa Brgy. SRV at Tangos North bukas, 2 September 2026, 10PM hanggang 3 September 2026, 4AM, dahil sa network repair activity sa Angeles St. corner Gov. A. Pascual, Navotas City

Mag-ipon na po ng tubig para may magamit sa oras na mawalan ng supply.

Dahil sa pagbuti ng lagay ng panahon, nagpatuloy pong muli ang wire clearing operations ng telco companies sa Navotas. K...
01/09/2026

Dahil sa pagbuti ng lagay ng panahon, nagpatuloy pong muli ang wire clearing operations ng telco companies sa Navotas. Kasalukuyan pong nasa Brgy. San Jose ang wire clearing teams. Importante po ito para maiwasan natin ang mga sakuna tulad ng sunog at pagkatumba ng poste.

Kung mayroong dangling at spaghetti wires sa inyong lugar, magpadala ng Text JRT sa sumusunod na numero:
Globe: 0917 521 8578
Smart: 0908 886 8578
Sun: 0922 888 8578


Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report(As of 01 September 2026 (Tue); 12:05 PMNavotas City PM 2.5 ...
01/09/2026

Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report

(As of 01 September 2026 (Tue); 12:05 PM
Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report

Nananatili sa red level (173 - Masama sa Nakararami) ang kalidad ng hangin sa Navotas. Dahil dito, hinihikayat natin ang lahat na sundin ang mga sumusunod na paalala upang mapangalagaan ang kalusugan:

⚠️ Iwasan ang paglabas at panatilihing sarado ang mga bintana at pinto. Magpahinga at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas. Iwasang makapasok sa loob ng kinaroroonan ang usok, haze, at alikabok.

⚠️ Ipagpaliban ang hindi kailangang biyahe. Hangga’t maaari, ipagpaliban muna ang mga lakad na hindi naman kailangan hanggang bumuti ang kalidad ng hangin.

⚠️ Iwasan ang matinding trapiko. Iwasang magtagal sa mga lugar na maraming sasakyan dahil nakadaragdag ang vehicular emissions sa polusyon sa hangin.

⚠️ Magsuot ng protective mask. Kung kinakailangang lumabas, gumamit ng well-fitting N95 o katumbas na high-efficiency mask para makatulong na ma-filter ang maliliit na particulate matter agay ng PM2.5.


⚠️ Manatiling hydrated. Uminom ng sapat na tubig upang makatulong sa pangangati ng lalamunan at ubo na maaaring dulot ng maruming hangin.

Patuloy pong tumutok sa page na ito o sa Navotas City Environment and Natural Resources Office para sa updates sa kalidad ng hangin sa ating Lungsod. Mag-ingat po tayong lahat, mga Navoteño.

Disclaimer: The air quality data shown uses Non-Reference Method for indicative measurement of ambient air quality

ABISO NAVOTEÑO | Narito po ang schedule ng pagsasara sa lahat ng floodgate sa ating lungsod ngayong buwan ng September 2...
01/09/2026

ABISO NAVOTEÑO | Narito po ang schedule ng pagsasara sa lahat ng floodgate sa ating lungsod ngayong buwan ng September 2026.

Paalala po na maaaring mapaaga ang pagsasara ng mga floodgate, depende sa aktuwal na lebel ng tubig.


Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report(As of 01 September 2026 (Tue); 6:05 AMNavotas City PM 2.5 A...
01/09/2026

Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report

(As of 01 September 2026 (Tue); 6:05 AM
Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report

Itinaas sa red level (151 - Masama sa Nakararami) ang kalidad ng hangin sa Navotas. Dahil dito, hinihikayat natin ang lahat na sundin ang mga sumusunod na paalala upang mapangalagaan ang kalusugan:

⚠️ Iwasan ang paglabas at panatilihing sarado ang mga bintana at pinto. Magpahinga at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas. Iwasang makapasok sa loob ng kinaroroonan ang usok, haze, at alikabok.

⚠️ Ipagpaliban ang hindi kailangang biyahe. Hangga’t maaari, ipagpaliban muna ang mga lakad na hindi naman kailangan hanggang bumuti ang kalidad ng hangin.

⚠️ Iwasan ang matinding trapiko. Iwasang magtagal sa mga lugar na maraming sasakyan dahil nakadaragdag ang vehicular emissions sa polusyon sa hangin.

⚠️ Magsuot ng protective mask. Kung kinakailangang lumabas, gumamit ng well-fitting N95 o katumbas na high-efficiency mask para makatulong na ma-filter ang maliliit na particulate matter agay ng PM2.5.

⚠️ Manatiling hydrated. Uminom ng sapat na tubig upang makatulong sa pangangati ng lalamunan at ubo na maaaring dulot ng maruming hangin.

Patuloy pong tumutok sa page na ito o sa Navotas City Environment and Natural Resources Office para sa updates sa kalidad ng hangin sa ating Lungsod. Mag-ingat po tayong lahat, mga Navoteño.

Disclaimer: The air quality data shown uses Non-Reference Method for indicative measurement of ambient air quality

ABISO NAVOTEÑO | Narito po ang high tide at floodgate schedule bukas, 1 September 2026.High Tide: 1.5 meters, 1:07amFloo...
31/08/2026

ABISO NAVOTEÑO | Narito po ang high tide at floodgate schedule bukas, 1 September 2026.
High Tide: 1.5 meters, 1:07am
Floodgate Operation
Close: 9:00pm Open: 3:20am (2 September)

Paalala po na maaaring mapaaga ang pagsasara ng mga floodgate, depende sa aktuwal na level ng tubig.

MAYNILAD ADVISORY | Hihina o mawawalan ng tubig sa Brgy. Tangos North at San Roque mamaya, 31 August 2026, 10PM hanggang...
31/08/2026

MAYNILAD ADVISORY | Hihina o mawawalan ng tubig sa Brgy. Tangos North at San Roque mamaya, 31 August 2026, 10PM hanggang 1 September 2026, 4AM, dahil sa network repair activity sa Judge A. Roldan St., Navotas City

Mag-ipon na po ng tubig para may magamit sa oras na mawalan ng supply.

Address

M. Naval Street , Sipac Almacen
Navotas
1485

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63282818531

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Navoteño Ako - Navotas City Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Navoteño Ako - Navotas City Public Information Office:

Shortcuts

Share