30/05/2026
Nagpapasalamat tayo sa Aboitiz Power Therma Mobile sa kanilang suporta sa patuloy na pagpapalakas ng digital healthcare system ng ating lungsod. Sa pamamagitan ng kanilang donasyong laptops at iba pang kagamitan, mas mapapabuti natin ang paggamit ng electronic health records, mapapadali ang trabaho ng ating healthcare workers, at mas mapapabilis ang serbisyo para sa ating mga kababayan.
Malaking tulong ang ganitong mga inisyatiba upang mas maging maayos, mabilis, at episyente ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Navoteño. Maraming salamat sa patuloy ninyong pakikiisa at suporta sa ating lungsod.