22/10/2026
Navotas City PM 2.5 Air Quality Report and Heat Index Report
(As of 22 October 2026 (Thu); 12:05 PM)
Itinaas sa orange level (101- Masama sa mga Sensitibong Grupo) ang kalidad ng hangin sa Navotas. Dahil dito, hinihikayat natin ang lahat na sundin ang mga sumusunod na paalala upang mapangalagaan ang kalusugan:
🟠 LIMITAHAN ANG MATAGAL NA PANANATILI SA LABAS. Lalo na para sa mga bata, nakatatanda, buntis, at may asthma o sakit sa puso at baga.
🟠 IWASAN ANG MATINDING PISIKAL NA AKTIBIDAD. Hangga’t maaari, ipagpaliban muna ang pisikal na aktibidad sa labas gaya ng pag-eehersisyo, pagbubuhat ng mabigat, at iba pa.
🟠 MAGSUOT NG PROTECTIVE MASK. Kung kinakailangang lumabas, gumamit ng well-fitting N95 o katumbas na high-efficiency mask para makatulong na ma-filter ang maliliit na particulate matter gaya ng PM2.5.
🟠 MANATILING HYDRATED. Uminom ng sapat na tubig upang makatulong sa pangangati ng lalamunan at ubo na maaaring dulot ng maruming hangin.
🟠 IWASAN ANG MGA GAWAIN NA MAAARING MAKADAGDAG SA POLUSYON. Gaya ng open burning at hindi kailangang pag-idle ng sasakyan.
Patuloy pong tumutok sa page na ito o sa Navoteño Ako - Navotas City Public Information Office para sa updates sa kalidad ng hangin sa ating Lungsod. Mag-ingat po tayong lahat, mga Navoteño.
Disclaimer: The air quality data shown uses Non-Reference Method for indicative measurement of ambient air quality