Team Bauza

Team Bauza Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team Bauza, Public Service, NBBS Kaunlaran, Navotas.

Isang taos-pusong pasasalamat kay Madam Lorena Bauza sa pagpapaunlak sa kahilingan ng samahan ng TOINKS ng Kapitbahayan,...
28/06/2026

Isang taos-pusong pasasalamat kay Madam Lorena Bauza sa pagpapaunlak sa kahilingan ng samahan ng TOINKS ng Kapitbahayan, Brgy. NBBS Kaunlaran upang maisakatuparan ang ating Huling Hirit sa Tag-init sa Irene’s Private Pool.

Naging masaya, makabuluhan, at matagumpay ang munting pagtitipon dahil sa inyong kabutihan, suporta, at pagmamalasakit sa ating komunidad.

Lubos din ang aming pasasalamat sa pagdalo at pakikiisa nina Kag. Jeff Cabral Kag. Jv Baguion, Mario Pacinio, Bojhie Pao Soriano, Dennis Iledan na naging bahagi ng masayang pagsasama-sama. Ang inyong presensya at suporta ay lubos naming pinahahalagahan.

Maraming salamat sa Team Bauza sa patuloy na pakikiisa at paglilingkod sa ating komunidad.

Mabuhay ang TOINKS ng Kapitbahayan, Brgy. NBBS Kaunlaran!
Mabuhay ang Team Bauza!

Sama-sama sa pagkakaisa, pagkakaibigan, at taos-pusong paglilingkod sa komunidad.

insert Essay Abella , Kag. Rodante Villano

Isang taos-pusong pasasalamat kay Madam Lorena Bauza  sa pagpapaunlak ng kahilingan ng samahan ng mga Balik-Laro ng Brgy...
12/06/2026

Isang taos-pusong pasasalamat kay Madam Lorena Bauza sa pagpapaunlak ng kahilingan ng samahan ng mga Balik-Laro ng Brgy. NBBS Kaunlaran na maisakatuparan ang paghabol sa huling hirit sa tag-init sa Irene’s Private Pool Ang munting pagtitipon at pagsasama-sama ay naging masaya at matagumpay dahil sa inyong kabutihan at suporta.

Maraming salamat din sa Team Bauza sa patuloy na paglilingkod at pakikiisa sa komunidad. Tunay na walang imposible sa ilalim ng pamumuno nina President Kag. Jeff Cabral , Vice President Mario Pacinio , Adviser Jv Baguion, at sa suporta ng kaibigan, kababata at kumpare na si Bojhie Pao Soriano .

Mabuhay ang mga Balik-Laro ng Brgy. NBBS Kaunlaran! Mabuhay ang Team Bauza! Sama-sama sa pagkakaisa, pagkakaibigan, at paglilingkod sa bayan.

Insert Essay Abella ,kag. Rodante Villano , Dennis Iledan

Maraming salamat sa pag-imbita at mainit na pagtanggap sa aming team. Higit sa lahat, salamat sa mga kwentuhang may aral...
11/06/2026

Maraming salamat sa pag-imbita at mainit na pagtanggap sa aming team. Higit sa lahat, salamat sa mga kwentuhang may aral at kabuluhan. Mabuhay ka, Ka Sitong, at nawa’y patuloy kayong pagpalain ng inyong buong pamilya.

Taos-pusong pagbati mula sa Team Bauza at Team Bianca sa pagdiriwang ng Ikalawang Taong Anibersaryo ng Señor Mangingisda...
08/06/2026

Taos-pusong pagbati mula sa Team Bauza at Team Bianca sa pagdiriwang ng Ikalawang Taong Anibersaryo ng Señor Mangingisda! 🎉
Bilang bahagi ng taunang gawain ng Señor Mangingisda, matagumpay na naisakatuparan ang Pabigas Program sa tulong at kabutihang-loob ng aming sponsor na si Madam Lorena Bauza.

Humigit-kumulang 2,200 residente ng Brgy. Kaunlaran ang nabigyan ng munting biyaya. Bagama’t may mga hamon at hindi naging perpekto ang lahat, nanaig pa rin ang kaayusan, pagkakaisa, at diwa ng pagbabahaginan para sa kapakanan ng bawat isa.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito. Ang inyong kooperasyon at malasakit ang nagsilbing inspirasyon upang maipagpatuloy ang mga gawaing nagdudulot ng kabutihan sa komunidad.

Mabuhay ang Señor Mangingisda!
Mabuhay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mamamayan ng Brgy. Kaunlaran! 💚💚💚 🙏🌾

Dahil sa patuloy na kahilingan ng ating mga ka brgy mula sa Phase 1-C Lowalo St. At sa pangunguna ng Team Bauza ay muli ...
04/06/2026

Dahil sa patuloy na kahilingan ng ating mga ka brgy mula sa Phase 1-C Lowalo St. At sa pangunguna ng Team Bauza ay muli tayong nakapaghatid ng tulong upang magbigay ng libreng pantawid sa hapag para sa bawat pamilya.

Ang ating mga nanay, tatay, at minamahal na mga senior citizen ay nabigyan ng libreng isdang galunggong bilang dagdag ulam sa kanilang hapag-kainan.

Patuloy nating isusulong ang ganitong uri ng serbisyong may malasakit para sa kapakanan ng bawat isa sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta. 💚💚 💚

Taos-pusong pasasalamat sa pagkakataong makilahok ang Team Bauza sa taunang Brigada Eskwela ng Kaunlaran High School at ...
03/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa pagkakataong makilahok ang Team Bauza sa taunang Brigada Eskwela ng Kaunlaran High School at Kapitbahayan Elementary School. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga electric fan at mga kagamitan para sa hardin, nakapag-ambag tayo sa paglikha ng mas maayos, komportable, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa mga paaralan at sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Isang karangalan para sa Team Bauza na maging katuwang ninyo sa pagsusulong ng edukasyon at paglilingkod sa komunidad. Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan. ❤️💚

Dahil sa patuloy na kahilingan ng ating mga ka brgy mula sa Phase 1-A Asohos St. At sa pangunguna ng Team Bauza ay muli ...
27/05/2026

Dahil sa patuloy na kahilingan ng ating mga ka brgy mula sa Phase 1-A Asohos St. At sa pangunguna ng Team Bauza ay muli tayong nakapaghatid ng tulong upang magbigay ng libreng pantawid sa hapag para sa bawat pamilya.

Ang ating mga nanay, tatay, at minamahal na mga senior citizen ay nabigyan ng libreng isdang dilat, galunggong bilang dagdag ulam sa kanilang hapag-kainan.

Patuloy nating isusulong ang ganitong uri ng serbisyong may malasakit para sa kapakanan ng bawat isa sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta. 💚💚 💚

Dahil sa patuloy na kahilingan ng ating mga kabarangay mula sa Kapitbahayan Area, sa pangunguna ng Team Bauza ay muli ta...
26/05/2026

Dahil sa patuloy na kahilingan ng ating mga kabarangay mula sa Kapitbahayan Area, sa pangunguna ng Team Bauza ay muli tayong nakapaghatid ng tulong upang magbigay ng libreng pantawid sa hapag para sa bawat pamilya.

Ang ating mga nanay, tatay, at minamahal na mga senior citizen ay nabigyan ng libreng isdang galunggong bilang dagdag ulam sa kanilang hapag-kainan.

Patuloy nating isusulong ang ganitong uri ng serbisyong may malasakit para sa kapakanan ng bawat isa sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta. 💚💚💚

Address

NBBS Kaunlaran
Navotas
1409

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team Bauza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category