DILG-Malabon Field Office

DILG-Malabon Field Office Providing you up-to-date information on DILG's programs, projects, and activities in Malabon.

05/08/2026
Buong siglang pinangunahan ng Malabon City Fire Station ang Fire Square Road Show na ginanap ngayong ika-30 ng Huloy, 20...
30/07/2026

Buong siglang pinangunahan ng Malabon City Fire Station ang Fire Square Road Show na ginanap ngayong ika-30 ng Huloy, 2026 sa Activity Center ng Robinsons Malabon, bilang bahagi ng patuloy nitong kampanya sa pagsusulong ng kaligtasan laban sa sunog at pagpapalakas ng kahandaan ng sa Lungsod ng Malabon. Nakiisa ang DILG-Malabon sa aktibidad bilang pagpapakita ng suporta sa mga inisyatibang nagtataguyod ng fire safety, disaster preparedness, at katatagan ng komunidad.

Naging makabuluhan at masigla ang Fire Square Road Show sa pamamagitan ng iba't ibang interactive na aktibidad, educational booths, exhibits, at live demonstrations na nagbigay ng mahahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan sa fire prevention at emergency preparedness.

Nakiisa ang DILG-Malabon sa isinagawang 2026 State of the City Address (SOCA) ni Mayor Jeannie Sandoval noong ika-29 ng ...
30/07/2026

Nakiisa ang DILG-Malabon sa isinagawang 2026 State of the City Address (SOCA) ni Mayor Jeannie Sandoval noong ika-29 ng Hulyo 2026 sa Malabon Sports Center.

Komprehensibong inilahad ni Mayor Sandoval ang mga pangunahing programa, inisyatiba, at naging bunga ng mga hakbangin ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa nakalipas na taon sa pamamagitan ng kaniyang Lucky 9-Point Agenda.. Sa ilalim ng temang "Mas Matatag na Malabon: Pinalawak na Oportunidad, Pinahusay na Serbisyo," binigyang-diin sa ulat ang matibay na pundasyong naitatag ng administrasyon, ang patuloy na pag-ani ng resulta mula sa mga programang naipatupad, at ang pagpapatuloy ng mga proyektong inaasahang magpapalawak ng mga oportunidad para sa mga Malabueno sa mga susunod na taon. Kasabay nito, tinalakay rin ang mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya at imprastraktura, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at patuloy na pagpapahusay ng mga serbisyong pampubliko.

Isang taos-pusong pagbati mula sa DILG-Malabon sa Malabon City Government sa patuloy nitong pagtataguyod ng matino, mahusay, at maaasahang pamamahala!

20/07/2026

๐—•๐—ฅ๐—”๐—ฉ๐—˜ ๐—”๐—ž๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ ๐—œ๐—ฆ ๐—ข๐—ก ๐—œ๐—ง๐—ฆ ๐—ช๐—”๐—ฌ!๐Ÿ“ฃ

With our commitment to actively celebrating the National Disaster Resilience Month, the DILG-NCR will conduct our second BRAVE AKO module, โ€œBRAVE AKO 201: Anatomy of Earthquake and the NCR Contingency Plan for High-Intensity Earthquakesโ€ on July 23, 2026, from 9:00 AM to 3:00 PM. ๐Ÿ‘ท๐Ÿผโ€โ™‚๏ธ

This session will accommodate participants on a first-come, first-served basis, and those who have accomplished the pre- and post-tests and post-training evaluation will receive an e-Certificate of Completion, equivalent to six (6) training hours.

๐Ÿ”— Register now through this link: tinyurl.com/2026BRAVEAKO201-Registration

More than our conversations on resilience, we can ensure our safety from earthquakes and other hazards by learning how they emerge and how we can cope with them, as individuals and as members of our communities. ๐Ÿ ๐Ÿƒ



Upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagpapatupad ng mga programa para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayu...
16/07/2026

Upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagpapatupad ng mga programa para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Lungsod ng Malabon, nagsagawa ng pagpupulong ang Malabon City Peace and Order Council โ€“ Special Action Committee on Anti-Insurgency and Preventing Countering Violent Extremism noong ika-15 ng Hulyo 2026 sa Conference Room ng Malabon City Police Station (MCPS), na pinangunahan ni LTC Deodelyn A Blas ng NCR Command bilang Chairperson ng komite.

Dinaluhan ang pagpupulong nina DILG-Malabon City Director Jess Marie A. Acoba, CESO V; LGOO VI Eligio B. Bagahansol Jr.; Councilor Paolo Oreta; at mga kinatawan mula sa MCPS at iba pang kaugnay na ahensya upang talakayin ang mga usaping may kaugnayan sa pagpapatibay ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa lungsod.

Patuloy na nakikiisa ang DILG-Malabon sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatibang naglalayong mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at matatag na Lungsod ng Malabon sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya.

Malugod na tinanggap ng DILG-Malabon at City Planning and Development Department ang mga kinatawan ng Malabon Parole and...
15/07/2026

Malugod na tinanggap ng DILG-Malabon at City Planning and Development Department ang mga kinatawan ng Malabon Parole and Probation Office sa kanilang courtesy visit noong Hulyo 14, 2026, na pinangunahan ni Lovellina M. Masi, Senior Probation and Parole Officer at Officer-in-Charge.

Ang courtesy visit na ito ay naglalayong higit pang paigtingin ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga miyembro ng Malabon City Peace and Order Council (MCPOC) sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatibong nagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa Lungsod ng Malabon, kabilang ang mga hakbang para sa rehabilitasyon at matagumpay na reintegrasyon ng mga kliyente ng parole at probation sa lungsod.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mahusay na lokal na pamamahala, isinagawa ng DILG-Malabon ang "Revitalizing B...
14/07/2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mahusay na lokal na pamamahala, isinagawa ng DILG-Malabon ang "Revitalizing Barangay Capacity for Exemplary Performance: The Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) Reprogrammed Implementation in the City of Malabon" kasama ang mga Barangay Secretaries at Barangay Treasurers noong ika-9 ng Hulyo 2026.

Layunin ng aktibidad na isailalim ang mga barangay sa isang komprehensibong profiling activity upang sistematikong makalap ang mga foundation at running inidcators ng SGLGB.

Bilang pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng mga barangay, nagbigay rin ang DILG-Malabon ng pagkilala sa kanilang mahusay na pagtupad sa mga monthly compliance reports, kagaya ng BarCO, Barangay Registration of Kasamabahay, First Time Jobseekers Assistance Act, Weekly Clean-Up, at iba pa.

Address

5/F, Malabon City Hall, F. Sevilla Street , Barangay Taรฑong, City Of Malabon
Navotas
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DILG-Malabon Field Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share