06/11/2025
Ginawaran ng Transfer Certificate of Title (TCT) ang 700 pamilyang benepisyaryo ng National Housing Authority NCR β North Sector Office sa Tala Development Project, Tala, Caloocan City, ngayong araw Nobyembre 6, 2025.
Kasama sa mga nagawarang ng TCT ay mga benepisyaryong kabilang sa Hansen Patients na naninirahan sa Tala, Caloocan City. Ang okasyong ito ay tanda ng patuloy na pagkakaloob ng NHA ng inklusibo at progresibong mga pabahay para sa bawat Pilipino.
Pinangunahan ni NHA General Manager Joeben Tai at NCR β NSO Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio ang nasabing aktibidad. Kasama sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Engr. Jose Ramon P. Aliling, Caloocan City Mayor Dale Gonzalo R. Malapitan, Caloocan City 1st District Representative Oscar G. Malapitan, 3rd District Representative Dean Asistio, at Councilor Vincent Ryan R. Malapitan, ang nasabing aktibidad.
Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan din ng Tala Homeownersβ Association Chairperson G. Virgilio Reyes ang mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., pamunuan ng NHA, DHSUD at Caloocan City para sa biyaya ng isang bagong bahay at bagong buhay.