Navotas Anti-Drug Abuse Council

Navotas Anti-Drug Abuse Council Official page of Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC)

Ipinagmamalaki ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ang matagumpay na pagtatapos ng Community-Based Drug Rehabilit...
28/11/2025

Ipinagmamalaki ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ang matagumpay na pagtatapos ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) – 4th Quarter Graduation 2025 noong ika-12 ng Nobyembre.

Isang makabuluhang araw para sa ating mga graduate na matagumpay na nakatawid sa proseso ng paggaling, pagbabago, at pagpapanumbalik ng kanilang buhay. Patunay ito na sa tulong ng komunidad, pamilya, at lokal na pamahalaan, posible ang isang mas maayos at mas maliwanag na kinabukasan.

Lubos ang pasasalamat natin sa ating mga panauhin sa pangunguna ni
Dr. Vonne B. Villanueva - NADAC Action Officer,
Councilor Cesar Justine "CJ" Santos
Kagawad Jonet Langit ng Brgy. San Jose
PMAJ. Albert P. Juanillo Jr. ng PNP Navotas, at sa ating
Mayor John Rey M. Tiangco
counselor, partners, at support groups na naging gabay sa bawat hakbang ng ating mga program participants.

Patuloy nating ipaglaban ang isang mas maliwanag na bukas para mas maunlad na Navotas—isang komunidad na handang umalalay at sumuporta sa pagbabago.
Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan!




Ipinagmamalaki ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ang pagkilalang iginawad ng Department of Health – Treatment a...
27/11/2025

Ipinagmamalaki ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ang pagkilalang iginawad ng Department of Health – Treatment and Rehabilitation Center Bicutan kay Hon. John Rey Tiangco City Mayor ng Navotas, sa pamamagitan ng isang Plaque of Recognition para sa kanyang kapuri-puring pamumuno at matatag na dedikasyon sa aktibong kampanya laban sa droga tungo sa isang Drug-Free Community.

Ang parangal ay ipinagkaloob ngayong ika-27 ng Nobyembre 2025 sa 3rd Annual Stakeholders Conference and 4th Recognition Ceremony na may temang “Healing Begins in the Community: Strengthening Partnership for Recovery” sa Crimson Hotel, Filinvest, Alabang, Muntinlupa City.

Tinanggap ni Vonne Villanueva, PhD, - NADAC Action Officer, bilang kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas at patunay ng patuloy na pakikiisa ng lungsod sa mga programang nakatuon sa rehabilitasyon, kalusugan, at mas ligtas na komunidad para sa bawat Navoteño.

Patuloy ang ating pagtutulungan para sa isang Mas Malinis, Mas Malusog, at Mas Ligtas na Navotas.



Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Drug Awareness Prevention and Control Week 2025, nagsagawa ang iba't ibang Barangay n...
26/11/2025

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Drug Awareness Prevention and Control Week 2025, nagsagawa ang iba't ibang Barangay ng Navotas ng mga aktibidad at impormasyon ukol sa tamang kaalaman, pag-iwas, at pagkakaisa laban sa ilegal na droga.

Patuloy ang suporta ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) sa mga programang nagtataguyod ng isang ligtas, malusog, at maunlad na komunidad para sa bawat Navoteño.

“Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan.”



Taos-pusong pagbati kina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco mula sa Navotas Anti-Drug Abuse Council sa k...
21/11/2025

Taos-pusong pagbati kina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco mula sa Navotas Anti-Drug Abuse Council sa kanilang patuloy na suporta at malasakit para sa isang ligtas at maunlad na Navotas.


Navotas Anti-Drug Abuse Council 4th Quarter Council Meeting noong Nobyembre 19, 2025Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaa...
20/11/2025

Navotas Anti-Drug Abuse Council 4th Quarter Council Meeting noong Nobyembre 19, 2025
Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga programa at inisyatiba laban sa ilegal na droga. Sa ginanap na 4th Quarter Meeting, tinalakay ang mga nagdaang gawain, kasalukuyang programa, at mga susunod na hakbang upang mapanatili ang isang ligtas at drug-free na komunidad.

Patuloy ang NADAC sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang mas mapalakas ang kampanya kontra droga para sa kapakanan ng bawat Navoteño.



Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Drug Awareness Prevention and Control Week 2025, matagumpay na isinagawa ng Navotas Anti...
20/11/2025

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Drug Awareness Prevention and Control Week 2025, matagumpay na isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ang 15th Inter-School Poster Making Contest para sa mga elementary students at Painting Contest para sa mga high school students na may temang:
“Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan.”

Ang mga nagwagi sa Poster Making Contest – Elementary Category:
1st Place – Meiziah Einjel L. Dela Cruz, Tangos Elementary School – Mother
2nd Place – Shanead Maui E. Tamayo, Bangkulasi Elementary School
3rd Place – Queency AJ P. Taborada, Navotas Elementary School – Central

at ang mga nagwagi naman sa Painting Contest – High School Category:
1st Place – Josh Nathaniel G. Victorio, Navotas National High School
2nd Place – Prince Russel N. Dasmariñas, San Roque National High School
3rd Place – Carelle G. Diaz, Kaunlaran National High School

Isang malaking pagbati sa lahat ng kalahok at nagwagi! Patuloy nating itaguyod ang talento ng kabataang Navoteño at palakasin ang kanilang kamalayan sa kahalagahan ng kalusugan at pag-iwas sa droga.



NADAC 15th Inter-School Poster Making and Painting Contest Sa pagdiriwang ng linggong ito, nagsagawa ang Navotas Anti-Dr...
19/11/2025

NADAC 15th Inter-School Poster Making and Painting Contest
Sa pagdiriwang ng linggong ito, nagsagawa ang Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ng Inter-School Poster Making Contest para sa mga elementary students at Painting Contest para sa mga high school students nitong Nobyembre 18, 2025 na may temang:
“Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan.”

Kasama natin sa gawain ang NADAC Action Officer Vonne B. Villanueva, PhD, si Vice Mayor Tito Sanchez, at si Mr. Jan Lemer mula sa Schools Division Office, na nagprisinta ng mga finalists at winners sa nasabing mga patimpalak.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang kabataan na gamitin ang kanilang talento sa sining upang magpahayag ng suporta sa adbokasiya laban sa ilegal na droga—isang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na komunidad.



Sa isinagawang flag ceremony, pinangunahan ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipi...
19/11/2025

Sa isinagawang flag ceremony, pinangunahan ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, Panunumpa ng Lingkod Bayan, at Panunumpa sa Bagong Pilipinas bilang pagpapakita ng suporta sa pagsisimula ng DAPC Week - Drug Awareness Prevention and Control Week 2025

Nagsagawa rin ng munting programa kung saan binigyan ng pagkilala ang mga manlalarong lumahok sa Batang Pinoy para sa kanilang sipag, talento, at dedikasyon kung saan Coach ang ating NADAC Action Officer - Vonne B. Villanueva, PhD sa larong Judo.

Kasunod nito, nagbigay ng panata si Vonne B. Villanueva, PhD para sa DAPC na may temang: “Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan.”

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng kalusugan, kaligtasan, at isang drug-free na komunidad para sa bawat Navoteño.



Drug Awareness and Prevention Lecture para sa mga Grade 6 students ng Navotas, handog ng Navotas Anti-Drug Abuse Council...
17/11/2025

Drug Awareness and Prevention Lecture para sa mga Grade 6 students ng Navotas, handog ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC).
Layunin ng programang ito na bigyan ng tamang kaalaman ang kabataan upang makaiwas sa masasamang bisyo at makagawa ng matalinong desisyon para sa kanilang kinabukasan.

Nagpapasalamat po tayo sa mga Schools Principal na sina
Ms. Jennie Vie R. Antonio ng San Rafael Village Elem. School,
Mr. Michael M. Daco ng North Bay Boulevard Elem. School,
Dr. Floretta M. Quijano ng Kapitbahayan Elem. School,
Ms. Maria Fe M. Jubillo ng Dagat-Dagatan Elem. School,
Dr. Dondon G. Mateo ng Bangkulasi Elem. School,
Mr. Dinno P. Mendiola ng Bagumbayan Elem. School,
sa kanilang suporta at pakikiisa sa programang ito.
At sa mga naging lecturer na sina
Mr. Frederick Pabatao,
Mr. Densio Pangasian II,
Ms. Leah Mae A. Cruz, RPm, at
Ms. Alverlyn Ortega, RPm na buong puso at dedikasyong naghatid ng mahalagang impormasyon sa ating mga estudyante.



Matagumpay na naisagawa ang Hands-on Skills Training: Buchi Making ngayong ika-5 ng Nobyembre 2025.Sa pakikipagtulungan ...
05/11/2025

Matagumpay na naisagawa ang Hands-on Skills Training: Buchi Making ngayong ika-5 ng Nobyembre 2025.
Sa pakikipagtulungan ng Navotas Hanap Buhay Center, para sa 23 Aftercare Clients ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC).

Ang programang ito ay layuning mabigyan ang ating mga kliyente ng dagdag kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mga produktong maaaring pagkakitaan. Ito ay isang hakbang upang matulungan sila na makapagsimula ng sariling maliit na negosyo o dagdagan ang kanilang pinagkukunan ng kita, bilang bahagi ng kanilang patuloy na reintegrasyon sa komunidad.




Address

Blk. 24 Phase 2 Area 1 Market, 2nd Floor Fil-Chi Market, NBBS Dagat-dagatan
Navotas
1485

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Navotas Anti-Drug Abuse Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share