16/09/2026
Matagumpay po nating pinangunahan ngayong araw ang tatlong mahalagang Committee Meetings upang talakayin at isulong ang mga hakbangin para sa mas ligtas, malusog, at progresibong komunidad.
Bilang Chairperson ng Committee on Women & Family kasama ang Youth & Sports, tinalakay natin ang Proposed City Ordinance No. 2026-05. Ang panukalang ito ay naglalayong i-localize ang Republic Act No. 11596 sa Lungsod ng Navotas upang tuluyang ipagbawal at gawing krimen ang Child Marriage at Cohabitation habang nagbibigay ng maayos at sumusuportang kapaligiran para sa ating mga kabataan.
Sumunod nating pinangunahan ang muli ang pagpupulong sa Committee on Women & Family, kasama ang Peace & Order, Education, at Social Services kung saan tumatayong Vice Chairperson ang inyong lingkod. Dito ay tinalakay natin ang liham mula sa Punong Lungsod hinggil sa hiling na pagtibayin ang resolusyong magbibigay-kapangyarihan sa paglagda ng mga kasunduan para sa mabilis at maayos na referral at pamamahala ng mga kaso ng child abuse, neglect, exploitation, o violence sa pagitan ng Navotas Science High School at ng Pamahalaang Lungsod.
Panghuli, sa ilalim ng Committee on Appointment, Promotion & Creation of New Position na ating pinamumununan ay tinalakay natin ang liham mula sa Punong Lungsod para sa hiling na amiyendahan ang ilang Plantilla Positions sa City Health Office at Navotas City Hospital.
Patuloy po tayong magtutulungan at maglilingkod nang tapat para sa ating lungsod!
- Konsi Liz LUPISAN 💙