10/04/2026
Ika -11 Paglilipat-antas at ika -23 araw ng pagkilala
March 30,2026
2:00 pm ng hapon
-ꜱᴀ ᴀʀᴀᴡ ɴᴀ ɪᴛᴏ, ʙᴜᴏɴɢ ɢᴀʟᴀᴋ ɴᴀᴛɪɴɢ ᴋɪɴɪᴋɪʟᴀʟᴀ ᴀᴛ ᴘɪɴᴀʀᴀʀᴀɴɢᴀʟᴀɴ ᴀɴɢ ᴍɢᴀ ᴍᴀɢ-ᴀᴀʀᴀʟ ɴᴀ ɴᴀɢꜱᴜᴍɪᴋᴀᴘ ᴀᴛ ɴᴀɢᴘᴀᴋɪᴛᴀ ɴɢ ᴋᴀʜᴜꜱᴀʏᴀɴ ꜱᴀ ᴋᴀɴɪʟᴀɴɢ ᴘᴀɢ-ᴀᴀʀᴀʟ. ᴀɴɢ ʙᴀᴡᴀᴛ ᴘᴀʀᴀɴɢᴀʟ ɴᴀ ᴋᴀɴɪʟᴀɴɢ ᴛɪɴᴀᴛᴀɴɢɢᴀᴘ ᴀʏ ʙᴜɴɢᴀ ɴɢ ꜱɪᴘᴀɢ, ᴛɪʏᴀɢᴀ, ᴀᴛ ᴅᴇᴅɪᴋᴀꜱʏᴏɴ—ᴍɢᴀ ᴋᴀᴛᴀɴɢɪᴀɴɢ ɴᴀɢꜱɪꜱɪʟʙɪɴɢ ᴘᴜɴᴅᴀꜱʏᴏɴ ɴɢ ᴋᴀɴɪʟᴀɴɢ ᴛᴀɢᴜᴍᴘᴀʏ.
-Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa mga mag-aaral, kundi pati na rin sa mga g**o at magulang na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa kanilang paglalakbay. Sama-sama nating ipinagdiriwang ang kanilang mga natamo, at higit sa lahat, ang kanilang patuloy na paglago bilang mabubuting mamamayan.
-Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang lalo pang pag-ibayuhin ang pagsisikap at abutin ang mas matataas na pangarap.
Mabuhay ang Batang Angateño🏅🙌🏻☝🏼🫶🏻