21/05/2026
‼️NOTICE TO PUBLIC‼️
Ipinaaalam po ng Punta Cana Resort & Events Place, Inc. na iisa lamang po ang aming official account at wala po kaming anumang agents o representatives.
Anumang transaksyon, kasunduan, o commitments na ginawa sa labas ng aming official page ay hindi awtorisado, kinikilala, o ineendorso ng management.
Pinapayuhan po ang publiko na mag-ingat sa pakikipagtransaksyon sa sinumang nag-aangking kinatawan ng resort upang maiwasan ang unauthorized transactions o anumang hindi pagkakaunawaan.
Maraming salamat po. 💛