Kap. Jon-Jon

Kap. Jon-Jon Marcelo Jon-Jon Marcial Jr. Punong Barangay ng Minuyan Norzagaray Bulacan

07/08/2026

Maulang umaga po, mga Kabarangay,
Mag-ingat po tayong lahat sa pagpasok sa trabaho. Magdala po ng payong o Kapote ๐Ÿ’™

MAGANDANG GABI, MGA KABARANGAY!WALANG PASOK sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at sa lahat ng antas ng klase, pampublik...
05/08/2026

MAGANDANG GABI, MGA KABARANGAY!

WALANG PASOK sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at sa lahat ng antas ng klase, pampubliko man o pribado.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng mga kinauukulang ahensya para sa iba pang mahahalagang abiso.

Maraming salamat po at mag-ingat ang lahat. ๐Ÿ’™๐Ÿ’š

Magandang Araw, mga Ka-Barangay! ๐Ÿ’™๐Ÿ“ข Nagawa na po ang mga sumusunod na proyekto sa ating barangay:โœ… Open Canal โ€“ Sitio Pi...
05/08/2026

Magandang Araw, mga Ka-Barangay! ๐Ÿ’™

๐Ÿ“ข Nagawa na po ang mga sumusunod na proyekto sa ating barangay:

โœ… Open Canal โ€“ Sitio Pinagpala
โœ… Open Canal โ€“ Osias Street, Sitio Poblacion

Patuloy po nating isinasagawa ang mga proyektong makatutulong sa pagpapabuti ng ating komunidad, lalo na sa mas maayos na daluyan ng tubig at pag-iwas sa pagbaha.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pag-unlad ng ating Barangay Minuyan.


๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA KABARANGAYAlinsunod sa inilabas na anunsyo, walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.P...
02/08/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA KABARANGAY

Alinsunod sa inilabas na anunsyo, walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

Pinapayuhan ang lahat na manatili sa ligtas na lugar, mag-ingat, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng inyong lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.

Ang kaligtasan ng bawat Minuyeรฑo ang ating pangunahing prayoridad.

Mag-ingat po tayong lahat.


Magandang araw, mga Kabarangay!Isang karangalan po para sa ating Barangay na makatanggap ng Certificate of Recognition m...
01/08/2026

Magandang araw, mga Kabarangay!

Isang karangalan po para sa ating Barangay na makatanggap ng Certificate of Recognition mula sa Republic Cement bilang pagkilala sa ating aktibong pakikipagtulungan sa programa ng pagpapadala ng residual at plastic waste mula sa ating barangay upang gawing alternative fuel sa kanilang planta.

Ang pagkilalang ito ay para sa ating lahat, lalo na sa Committee on Environment and Protection at sa bawat Minuyeรฑong patuloy na nakikiisa sa wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa ating kalikasan.

Maraming salamat sa inyong suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang mga programang nagdudulot ng mas malinis, mas maayos, at mas luntiang Barangay Minuyan. ๐Ÿ’™๐Ÿ’š


๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฌ๐—˜ร‘๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—จ๐—š๐—จ๐—ง๐—ข๐— Wala nang Minuyeรฑong magugutom kung ang bawat programa ay may tunay na malasakit at konkre...
30/07/2026

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฌ๐—˜ร‘๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—จ๐—š๐—จ๐—ง๐—ข๐— 

Wala nang Minuyeรฑong magugutom kung ang bawat programa ay may tunay na malasakit at konkretong aksyon.

Sa Basura Palit Bigas Program, ang dating itinatapon ay nagiging pagkain sa hapag ng bawat pamilya. Habang nililinis natin ang ating kapaligiran, binibigyan din natin ng pag-asa ang bawat Minuyeรฑo.

Marami ang kayang mangako. Ngunit mas mahalaga ang serbisyong nakikita, nararamdaman, at napapakinabangan.

Hangga't may pagkakataong maglingkod, tuloy-tuloy ang mga programang nagbibigay ng tunay na pagbabago. ๐Ÿ’™


๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฎ ๐—ก๐—ถ ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ!Mula po sa inyong lingkod at buong Sangguniang Barangay ng Minuyan, ...
27/07/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฎ ๐—ก๐—ถ ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ!

Mula po sa inyong lingkod at buong Sangguniang Barangay ng Minuyan, malugod naming binabati ang buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong ika-112 Anibersaryo.

Nawaโ€™y patuloy kayong maging huwaran ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamalasakit sa kapwa. Dalangin ko ang patuloy na paggabay, pag-iingat, at masaganang pagpapala ng ating Panginoong Diyos sa bawat isa sa inyo, gayundin sa patuloy ninyong misyon na makapaglingkod at makapagbigay-inspirasyon sa ating mga komunidad.

Maligayang ika-112 Anibersaryo po!

Hindi po natin alam kung hanggang kailan ang pagkakataong makapaglingkod. Kaya habang nandito tayo, sisikapin nating gaw...
24/07/2026

Hindi po natin alam kung hanggang kailan ang pagkakataong makapaglingkod. Kaya habang nandito tayo, sisikapin nating gawin ang bawat programa at proyekto na makatutulong sa ating mga kabarangay.

"Hangga't tayo'y may pagkakataong maglingkod, tuloy ang programa at proyekto para sa bawat Minuyeรฑo."

Maraming salamat po sa patuloy ninyong tiwala at suporta. Patuloy lang po tayong magseserbisyo para sa ating mahal na Barangay Minuyan. ๐Ÿ’™


Magandang araw po, mga Kabarangay!Kasama po ang buong Sangguniang Barangay, tayo ay nakiisa sa pagdiriwang ng Nutrition ...
24/07/2026

Magandang araw po, mga Kabarangay!

Kasama po ang buong Sangguniang Barangay, tayo ay nakiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month ng ating mga Child Development Centers.

Ang kalusugan at wastong nutrisyon ng ating mga kabataan ay isa sa mga pundasyon ng isang mas maunlad na Barangay Minuyan. Patuloy po nating susuportahan ang mga programang naglalayong hubugin ang mas malusog, masigla, at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Minuyeรฑo.

Maraming salamat po sa ating mga g**o, magulang, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang. Patuloy po tayong maglilingkod para sa bawat Minuyeรฑos.


OFFICE MODE MUNA TAYO MGA KABARANGAY! ๐Ÿ’ผ๐Ÿ’™Habang nasa opisina, tuloy-tuloy po ang pag-asikaso natin sa mga dokumento, prog...
23/07/2026

OFFICE MODE MUNA TAYO MGA KABARANGAY! ๐Ÿ’ผ๐Ÿ’™

Habang nasa opisina, tuloy-tuloy po ang pag-asikaso natin sa mga dokumento, programa, at serbisyo para sa bawat Minuyeรฑos.

Serbisyo muna, para sa mas maayos na Barangay Minuyan! ๐Ÿ’™


Address

Barangay MInuyan
Norzagaray
3013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Jon-Jon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share