04/10/2023
Tunay nga na sa ALS may pag-asa! Pag-asang makapag tapos ng pag-aaral at pag-asang makamit ang mga pangarap.🫶
: Siya si Merry Grace Camacho, dalawampu't walong taong gulang (28) mula sa Barangay Liboro, Ragay, Camarines Sur at kasalukuyang nagtatrabaho sa Qatar bilang Domestic Helper para sa kaniyang pamilya at mga anak. Siya ay dating mag-aaral ng San Antonio Community Learning Center, San Antonio Oas Albay at matagumpay na nakapagtapos sa Alternative Learning System JUNIOR HIGH SCHOOL LEVEL sa tulong ng kaniyang g**o na si G. Levy N. Pedido.❤️
Ngayon ay ipinagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Senior High School sa SJDM Cornerstone college Inc., San Jose del Monte Bulacan City sa ilalim ng HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCE (HUMMS).
Ang plano niya sa hinaharap ay makapagtapos ng pag-aaral sa Senior High School at Kolehiyo upang maging isang GURO!🫶❤️
MERRY GRACE T. CAMACHO, 28
ALS JHS Passer
SDO ALBAY
ALS SHS learner
SDO BULACAN CITY