28/09/2026
Kaugnay po ng paggunita sa Kainang Pamilya Mahalaga Day, magkakaroon po ng half-day work sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Obando at half-day school shift sa mga pampublikong paaralan, mula elementarya hanggang kolehiyo, bukas, Setyembre 28, 2026 (Lunes), simula 1:00 PM.
Sa ganitong paraan po, nabibigyan ang bawat isa ng pagkakataong makauwi at makasama ang pamilya, magsalo-salo sa hapag, at magkaroon ng oras para sa makabuluhang kuwentuhan at bonding.
Layunin po ng pagdiriwang na ito na maipakita ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahalan, at pagkakaroon ng de-kalidad na oras kasama ang pamilya sa kabila ng ating mga pang-araw-araw na gawain at responsibilidad. Dahil ang oras po na kasama ang pamilya ay isang mahalagang bagay na dapat pahalagahan.โค๏ธ