BCO-Brgy.Cabariwan Official

BCO-Brgy.Cabariwan Official “The only way to do great work is to love what you do. If you haven’t found it yet, keep looking.

Sa pagdiriwang ng iyong ika-60 kaarawan, nais naming ipabatid kung gaano ka kahalaga at kamahal ng iyong pamilya, mga ka...
27/08/2026

Sa pagdiriwang ng iyong ika-60 kaarawan, nais naming ipabatid kung gaano ka kahalaga at kamahal ng iyong pamilya, mga kaibigan, at ng buong Barangay Cabariwan.

Animnapung taon ay isang napakagandang paglalakbay—punô ng masasayang alaala, pagsubok na nalampasan, sakripisyo, at mga biyayang naging bahagi ng iyong buhay.

Bilang isang Barangay Health Worker (BHW), taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at malasakit sa ating mga kabarangay. Sa bawat pag-aasikaso, pag-alalay, pagbisita, at pagbibigay ng serbisyo, ipinapakita mo ang tunay na kahulugan ng pagiging isang lingkod ng komunidad. ❤️

Maraming salamat sa iyong oras, sipag, kabutihan, at pusong laging handang tumulong. Ang iyong serbisyo at malasakit ay malaking bahagi ng ating barangay at tunay na pinahahalagahan ng mga taong iyong natutulungan.

Sa pagpasok mo sa panibagong yugto ng iyong buhay, dalangin namin na pagkalooban ka pa ng mahaba, malusog, masaya at mapayapang buhay, kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Nawa’y suklian ng Panginoon ang lahat ng kabutihan at pagmamahal na iyong ibinibigay sa iba. Patuloy kang maging inspirasyon sa ating komunidad.

Maligayang ika-60 kaarawan! 🎂🌹
Maraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod bilang BHW ng Barangay Cabariwan.

God bless you always, at nawa’y marami pang taon ng kaligayahan, kalusugan at makabuluhang paglilingkod ang ipagkaloob sa iyo. ❤️🙏

Happy 60th Birthday! Mahal ka namin🎉💐

-from your BCO FAMILY 💕😘🎁🎉🎂💐

🌧️🎉 HIMULOAN FESTIVAL 2026 🎉Kahit maulan, hindi naging hadlang ang panahon upang patuloy na makiisa ang Barangay Cabariw...
18/08/2026

🌧️🎉 HIMULOAN FESTIVAL 2026 🎉

Kahit maulan, hindi naging hadlang ang panahon upang patuloy na makiisa ang Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng Himuloan Festival 2026 ngayong Agosto 18, 2026.

Buong sigla itong nilahukan ng Pastoral Council ng Cabariwan, Barangay Council, Barangay Appointed Officials, kasama ang DLC and Majorettes ng Cabariwan Elementary School. ❤️

Bitbit ang mga goods at munting handog para sa St. Bernard Abboth Parish Church, ipinakita natin ang tunay na diwa ng pagbabahagi, pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa kabila ng ulan, tuloy ang ating pakikiisa at bayanihan. 🌧️💪❤️
Mabuhay ang Barangay Cabariwan! Mabuhay ang Himuloan Festival 2026! 🎊

15/08/2026

PWD Day Celebration 💙

Nakiisa ang mga Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng PWD Day bilang pagpapakita ng pagkakaisa, talento, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng komunidad.

Mas ikinagagalak natin na nakapasok sa TOP 10 ang Barangay Cabariwan! 🏆👏

Congratulations sa ating mga PWD at maraming salamat sa lahat ng naging bahagi at sumuporta sa matagumpay na paglahok ng ating barangay! 💙
Mabuhay ang PWD ng Barangay Cabariwan! Mabuhay ang Cabariwan! 🎉





💛✨ SENIOR CITIZENS DAY 2026 ✨💛Noong Agosto 13, 2026, nakiisa ang mga Senior Citizens ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwan...
15/08/2026

💛✨ SENIOR CITIZENS DAY 2026 ✨💛
Noong Agosto 13, 2026, nakiisa ang mga Senior Citizens ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng Senior Citizens Day, isang programa ng LGU Ocampo.

Isa sa mga naging makabuluhang bahagi ng pagdiriwang ay ang pagiging saksi sa pagdiriwang ng mga mag-asawang umabot sa Golden Wedding Anniversary—50 taon ng pagmamahalan, pagsasama, katapatan at pagharap sa bawat pagsubok ng buhay. 💍💛

Ang kanilang kwento ay nagsisilbing inspirasyon sa mga pamilya at sa buong komunidad na ang tunay na pagmamahalan ay pinatatatag ng pag-unawa, pagtitiwala, respeto at pagsasama sa hirap at ginhawa.
Saludo kami sa ating mga Senior Citizens at sa mga Golden Couples! 👏💛

Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.






🌾🏆 AGRI TRADE FAIR 2026 🏆🌾Noong Agosto 6, 2026, matagumpay na nakiisa ang Barangay Cabariwan sa ginanap na Agri Trade Fa...
15/08/2026

🌾🏆 AGRI TRADE FAIR 2026 🏆🌾

Noong Agosto 6, 2026, matagumpay na nakiisa ang Barangay Cabariwan sa ginanap na Agri Trade Fair ng LGU Ocampo.

Ikinagagalak naming ibahagi na nagwagi ang Barangay Cabariwan ng 4th Place sa Display! 🎉👏

Ang pagkilalang ito ay bunga ng sipag, dedikasyon at sama-samang effort ng buong Barangay Council, sa pangunguna ng Committee on Agriculture, Hon. Simplicio Irlanda, at sa pamumuno ni Punong Barangay Mylen B. Epenida.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga BHWs, Barangay Tanods, at lahat ng appointed officials ng Barangay Cabariwan na naglaan ng oras, lakas at suporta upang maging matagumpay ang ating pakikilahok. 🤝💚

Maraming salamat din sa Bagong Sta. Cruzan Farmers Association sa Panguguna ni President Lillian M. Vergara sa kanilang pakikiisa at pagtutulungan sa lahat ng aspeto ng aktibidad. 🌾

Ang 4th Place na ito ay tagumpay ng buong Cabariwan—patunay na kapag tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan, maraming bagay ang ating kayang makamit! 🏆🌾

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito! Mabuhay ang Barangay Cabariwan at ang ating mga magsasaka! 💚







15/08/2026

PWD Day Celebration 💙
Nakiisa ang mga Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng PWD Day bilang pagpapakita ng pagkakaisa, talento, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng komunidad.
Mas ikinagagalak natin na nakapasok sa TOP 10 ang Barangay Cabariwan! 🏆👏
Congratulations sa ating mga PWD at maraming salamat sa lahat ng naging bahagi at sumuporta sa matagumpay na paglahok ng ating barangay! 💙
Mabuhay ang PWD ng Barangay Cabariwan! Mabuhay ang Cabariwan! 🎉





PWD Day Celebration 💙Nakiisa ang mga Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng PWD Day bil...
15/08/2026

PWD Day Celebration 💙

Nakiisa ang mga Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng PWD Day bilang pagpapakita ng pagkakaisa, talento, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng komunidad.

Mas ikinagagalak natin na nakapasok sa TOP 10 ang Barangay Cabariwan! 🏆👏

Congratulations sa ating mga PWD at maraming salamat sa lahat ng naging bahagi at sumuporta sa matagumpay na paglahok ng ating barangay! 💙

Mabuhay ang PWD ng Barangay Cabariwan! Mabuhay ang Cabariwan! 🎉





✨💛🏆 GOLDEN COUPLES CELEBRATION 2026 🏆💛✨🌹💍 Pagpupugay sa Ating mga Golden Couples 💍🌹📅 Agosto 13, 2026📍 LGU OcampoTaos-pus...
13/08/2026

✨💛🏆 GOLDEN COUPLES CELEBRATION 2026 🏆💛✨

🌹💍 Pagpupugay sa Ating mga Golden Couples 💍🌹
📅 Agosto 13, 2026
📍 LGU Ocampo

Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga Golden Couples na pinarangalan sa pagdiriwang na ito. Ang inyong limampung taon ng pagsasama ay isang patunay ng wagas na pagmamahalan, pagtitiyaga, pag-unawa, at pananampalataya.
Lalo na nating ipinagmamalaki ang limang (5) Golden Couples mula sa Barangay Cabariwan na naging bahagi ng pagdiriwang. Kayo ay inspirasyon sa ating komunidad at huwaran ng matatag na pagsasama para sa susunod na henerasyon.
💛 50 Taon ng Pagmamahalan
💛 50 Taon ng Pagtitiwala
💛 50 Taon ng Pagkakaisa at Pananampalataya

🌟 Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kapayapaan, at mas marami pang taon na magkasama. 🌟

🎉💐 CONGRATULATIONS TO OUR 5 GOLDEN COUPLES OF BARANGAY CABARIWAN! 💐🎉

💛✨ "Fifty Years of Love, Faith, and Togetherness" ✨💛

FOUNDATION DAY! Nakiisa ang mga Opisyal ng Barangay Cabariwan sa pangunguna ni Punong Barangay Mylen B. Epenida, kasama ...
11/08/2026

FOUNDATION DAY!

Nakiisa ang mga Opisyal ng Barangay Cabariwan sa pangunguna ni Punong Barangay Mylen B. Epenida, kasama ang DLC at Majorettes ng Cabariwan Elementary School sa pangunguna ni School Head Catherine L. Rivero, sa pagdiriwang ng 77th Foundation Day Celebration ng Bayan ng Ocampo na ginanap noong Agosto 10, 2026.
Kasama ang iba pang mga barangay, buong galak na nakilahok ang ating barangay sa makulay na parada at iba pang mga aktibidad bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pakikipagtulungan, at pagmamahal sa ating bayan.

Maligayang Ika-77 Anibersaryo, Bayan ng Ocampo! Nawa'y patuloy tayong magkaisa tungo sa mas maunlad, matatag, at masaganang kinabukasan para sa lahat.

🎉 MARAMING SALAMAT, BARANGAY CABARIWAN! 💙💚Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mamamayan na nakiisa at dumalo sa KALAHI- ...
24/07/2026

🎉 MARAMING SALAMAT, BARANGAY CABARIWAN! 💙💚

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mamamayan na nakiisa at dumalo sa KALAHI- CIDSS 1st Barangay Assembly para sa PHILIPPINE COMMUNITY RESILIENCE PEOJECT (PCRP) .

Ang inyong presensya, pakikiisa, at suporta ay nagpapakita ng ating pagkakaisa para sa isang mas ligtas, mas handa, at mas matatag na komunidad.
Patuloy po tayong magtulungan at makiisa sa mga programa at proyekto ng ating barangay para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Maraming salamat po at mabuhay ang Barangay Cabariwan! 🇵🇭

Address

ZONE 1, Barangay Cabariwan, Camarines Sur
Ocampo
4419

Opening Hours

Monday 8:30am - 5pm
Tuesday 8:30am - 5pm
Wednesday 8:30am - 5pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCO-Brgy.Cabariwan Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category