Municipal Government of Odiongan

Municipal Government of Odiongan The Official page of the Local Government Unit of Odiongan, Romblon

Sa paggunita ng Ninoy Aquino Day, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa pag-alala sa buhay, paninindigan, at da...
20/08/2026

Sa paggunita ng Ninoy Aquino Day, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa pag-alala sa buhay, paninindigan, at dakilang sakripisyo ni Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. para sa kalayaan at demokrasya ng ating bansa.

Ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating lahat na maglingkod nang tapat at may integridad para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas!



Ngayong buwan ng Agosto, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa....
04/08/2026

Ngayong buwan ng Agosto, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Ang ating wika ay ang pangunahing instrumento sa mabilis na pagkakaintindihan, maayos na komunikasyon, at tapat na pagbibigay ng pampublikong serbisyo. Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino at ng ating mga lokal na dayalekto, mas madaling naihahatid ng pamahalaan ang mga programa at impormasyon sa bawat mamamayan.

Patuloy nating gamitin, itaguyod, at igalang ang ating wika sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa pagsusulong ng pag-unlad ng ating bayan.

Mabuhay ang Wikang Filipino!



Isang makakalikasang araw sa ating lahat! Ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng ...
27/07/2026

Isang makakalikasang araw sa ating lahat! Ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng World Nature Conservation Day ngayong June 28!

Ang araw na ito ay isang mahalagang paalala sa ating lahat na alagaan at protektahan ang ating kapaligiran. Ang ating mga bundok, kagubatan, ilog, at dagat ang nagbibigay sa atin ng malinis na hangin, inuming tubig, at pagkain sa araw-araw. Kapag pinabayaan natin ang ating kalikasan, maapektuhan din ang kalusugan at kabuhayan ng maraming pamilya sa ating bayan na umaasa sa mga yamang ito.

Kaya naman, hinihikayat ang bawat Odionganon na makibahagi sa mga simpleng gawain tulad ng tamang pagtatapon ng basura, pagtitipid sa paggamit ng tubig at kuryente, at pagtatanim ng mga puno at halaman sa sariling bakuran. Ang pagtutulungan ng bawat isa ang susi upang mapanatiling malinis, berde, at ligtas ang ating pamayanan.



Ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week ngayong July 17-23.Alin...
20/07/2026

Ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week ngayong July 17-23.

Alinsunod sa Proclamation No. 597, deklarasyong ito ay naglalayong amyendahan ang dating National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week upang mas mapalakas ang rights-based approach. Binibigyang-diin nito ang pagtataguyod sa mga karapatan, dignidad, at ganap na pakikilahok ng mga Persons with Disabilities (PWDs) sa lipunan.



Ang Regional Nutrition Month Launching ay gaganapin bukas, July 7, dito sa bayan ng Odiongan.Upang masiguro ang isang ma...
06/07/2026

Ang Regional Nutrition Month Launching ay gaganapin bukas, July 7, dito sa bayan ng Odiongan.

Upang masiguro ang isang maayos at komportableng pagdaraos ng programa, pinaaalalahanan ang lahat ng dadalo na ihanda at dalhin ang mga sumusunod:

• Extra Shirt
• Tumbler
• Panyo
• Payong
• Pamaypay/Fan

Sama-sama nating sasalubungin ang buwan ng nutrisyon nang may sigla, pagkakaisa, at kahandaan. Magkita-kita po tayo bukas tungo sa pagtataguyod ng isang mas malusog at matatag na MIMAROPA!



Unang Taon ng ‘Serbisyong Totoo’Sa loob ng unang taon ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Roge...
01/07/2026

Unang Taon ng ‘Serbisyong Totoo’

Sa loob ng unang taon ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Roger "Toto" Fodra Jr., taos-pusong ipinapaabot ng lokal na pamahalaan ang lubos na pasasalamat sa pagkakaisa ng bawat Odionganon. Lahat ng ating mga nagawa sa nakalipas na taon ay bunga ng iisang layuning makapaghatid ng Serbisyong Totoo, Para sa Lahat. Hindi ito tagumpay ng lokal na pamahalaan lamang, ito ay tagumpay nating lahat. Sa patuloy ninyong tiwala, suporta, at pakikiisa, mas naging posible ang pagpapatupad ng mga programa at proyektong tunay na may positibong epekto sa ating bayan.

Taos-puso ring ipinaaabot ng administrasyon ang pasasalamat sa ating mga Barangay Officials na patuloy na nagsisilbing katuwang ng munisipyo sa paghahatid ng mga programa at serbisyo sa bawat Barangay. Malaki rin ang naging ambag ng ating mga department heads at mga kawani ng lokal na pamahalaan, na araw-araw ay nagbibigay ng malasakit sa kanilang trabaho.

Mahalaga rin ang naging papel ng maayos na pagtutulungan ng Executive at Legislative Branch ng Lokal na Pamahalaan, sa pamumuno ni Vice Mayor Michael "Butchoy" Arevalo. Sa pagkakaisa ng pamunuan at ng Sangguniang Bayan, naging mas epektibo ang pagbuo ng mga polisiya, pag-apruba ng mga kinakailangang ordinansa at resolusyon, at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng bawat Odionganon. Ang kanilang sama-samang pagkilos ay naging mahalagang pundasyon sa patuloy na paghahatid ng maayos na serbisyo sa lahat.

Hindi rin natin makakamit ang mga ito kung wala ang tuloy-tuloy na suporta ng ating mga National Agencies, na patuloy na naglalaan ng pondo at tulong para sa mga proyektong nagbibigay ng benepisyo sa ating bayan. Gayundin, kinikilala natin ang mahalagang papel ng ating mga Civil Society Organizations (CSOs), na naging katuwang sa pag-abot ng mga programa sa iba't ibang sektor.

At higit sa lahat, ang pinakamalaking pasasalamat ay para sa bawat Odionganon. Ang inyong tiwala, suporta, at aktibong pakikilahok ang tunay na nagbibigay ng inspirasyon sa bawat hakbang ng ating pamahalaan. Ang bawat tagumpay na ating ipinagdiriwang ay tagumpay nating lahat.

Ang unang taong ito ay naging patunay ng ating pagkakaisa at pagtutulungan bilang isang bayan. Maraming salamat sa bawat Odionganon na naging bahagi ng paglalakbay na ito. Sa patuloy nating pagkakaisa, suporta, at pakikiisa, sama-sama nating itataguyod ang ‘Serbisyong Totoo, Para sa Lahat’, para sa ikabubuti ng ating bayan at ng bawat pamilyang Odionganon.


Happy Nutrition Month!Ngayong Hulyo, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Mont...
01/07/2026

Happy Nutrition Month!

Ngayong Hulyo, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month Celebration sa ilalim ng temang “Sa PPAN, Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat” at sub-theme na “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!” mula sa National Nutrition Council (NNC). Ang tema ngayong taon ay binibigyang-halaga ang wastong nutrisyon na kaakibat ang pangangalaga sa ating kapaligiran para sa mas malusog na kinabukasan ng bawat isa.

Sa buong buwan, iba't ibang activities at programs ang inihanda para mas mapalawak ang kaalaman ng bawat Odionganon tungkol sa tamang nutrisyon at kung paano ito konektado sa pangangalaga sa ating kalikasan. Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa, makilahok, at suportahan ang mga gawaing ito dahil ang pagkakaroon ng healthy community ay nagsisimula sa maliliit na hakbang na sama-sama nating ginagawa. Maging bahagi ng pagdiriwang at sabay-sabay nating isulong ang mas masustansya, mas malinis, at mas magandang kinabukasan para sa lahat!


Ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng International Fishermen’s Day ngayong June 29. Taos-pus...
29/06/2026

Ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng International Fishermen’s Day ngayong June 29. Taos-puso kaming bumabati sa lahat ng mangingisda— mga ama na gumigising nang madilim pa, mga inang tumataya sa dagat, at mga anak na nagpapatuloy sa tradisyon. Kayo ang tunay na bayani ng karagatan!

Salamat sa inyong tiyaga at pagmamahal sa dagat.
Pangalagaan natin ang ating karagatan upang manatiling masagana ang buhay para sa inyo at sa susunod na henerasyon.

Mabuhay ang mga mangingisdang Odionganon!


Ngayong Public Service Day, nagbibigay-pugay ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa lahat ng lingkod-bayan na buong puso a...
23/06/2026

Ngayong Public Service Day, nagbibigay-pugay ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa lahat ng lingkod-bayan na buong puso at may integridad na naglilingkod sa ating mga mamamayan.

Ang inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na pagsusumikap ay mahalagang bahagi sa pagbuo ng isang mas maayos, ligtas, at maunlad na komunidad.

Maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod at sa patuloy na pagiging katuwang sa pag-unlad ng ating bayan.



Happy Father's Day!Sa araw na ito, nagbibigay-pugay ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa lahat ng tatay at sa mga tumayo...
21/06/2026

Happy Father's Day!

Sa araw na ito, nagbibigay-pugay ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa lahat ng tatay at sa mga tumayong ama na nagsisilbing haligi ng tahanan, gabay ng pamilya, at inspirasyon ng ating bayan.

Maraming salamat sa inyong sakripisyo, pagmamahal, at walang sawang pagsisikap upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong mga mahal sa buhay.



Address

MA Roxas Street, Barangay Tabin-dagat
Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639399200141

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Odiongan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share