Odiongan Municipal Social Welfare and Development Office

Odiongan Municipal Social Welfare and Development Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Odiongan Municipal Social Welfare and Development Office, Government Organization, Manuel A. Roxas Street, Odiongan.

Isinagawa ang Parent Effectiveness Sessions (PES) sa mga magulang ng Munisipalidad ng Odiongan na pinangasiwaan ng Child...
06/01/2026

Isinagawa ang Parent Effectiveness Sessions (PES) sa mga magulang ng Munisipalidad ng Odiongan na pinangasiwaan ng Child Development Workers ng Odiongan, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang sa responsableng pag-aaruga, epektibong komunikasyon sa loob ng pamilya, at positibong pagdidisiplina sa mga anak.

Layunin ng aktibidad na mapatatag ang ugnayan ng magulang at anak at makabuo ng mas ligtas, maalaga, at suportadong tahanan. Bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok, ang mga magulang na nakatapos ng lahat ng 10 sessions ng PES ay nakatanggap ng 5 kilo ng bigas.


Isang makabuluhang benchmarking activity ang isinagawa ng mga Child Development Workers ng Odiongan sa Calapan City noon...
06/08/2025

Isang makabuluhang benchmarking activity ang isinagawa ng mga Child Development Workers ng Odiongan sa Calapan City noong Hulyo 31, 2025 sa pakikipag-ugnayan kay Gng. Juvy Bahia ng CSWDO at G. Richmod Acha, ECCD Focal Person. Bumisita ang grupo sa tatlong Child Development Centers β€” Activity and Child Productivity Center, Abayin Child Development Center, at Canubing II Child Development Center.

Nagkaroon din sila ng mabilis ngunit makahulugang pagbisita sa Oriental Mindoro Museum.

Isang karanasang hitik sa aral at inspirasyon tungo sa mas dekalidad na serbisyong pangbata sa Odiongan!

Isang makabuluhang araw ng pagbibigayan! Ngayong Hulyo 31, 2025, nagsagawa ng simpleng ngunit pusong inisyatibo ang mga ...
31/07/2025

Isang makabuluhang araw ng pagbibigayan! Ngayong Hulyo 31, 2025, nagsagawa ng simpleng ngunit pusong inisyatibo ang mga kasapi ng KALIPI sa Brgy. Bangon at Taboboan kung saan namahagi sila ng bigas at bitamina sa piling mga bata. Isang hakbang tungo sa mas malusog at mas masiglang komunidad. Mabuhay ang mga kababaihang may malasakit! πŸ’–πŸŒΎπŸ‘Ά

Isinagawa ang Special Drug Education Planning Workshop para sa CY 2026–2028 noong Hunyo 26–27, 2025 sa Ferrol, Romblon, ...
03/07/2025

Isinagawa ang Special Drug Education Planning Workshop para sa CY 2026–2028 noong Hunyo 26–27, 2025 sa Ferrol, Romblon, sa pangunguna ng SDEC Focal Person na si Hazel G. Gaac at MLGOO na si Robert Aquino.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng SDEC upang sama-samang magplanong mga programa para sa mas ligtas at mas maayos na kinabukasan.

Isinagawa ang 15th Cycle Supplementary Feeding Program Orientation na dinaluhan ng 37 Child Development Workers mula sa ...
19/06/2025

Isinagawa ang 15th Cycle Supplementary Feeding Program Orientation na dinaluhan ng 37 Child Development Workers mula sa Odiongan, Romblon. Pinangunahan ito ng mga kinatawan mula sa DSWD Regional Officeβ€”Sir Marc Louis F. Dalida, Project Development Officer I, at Ma. Kristina V. Fernando, Nutritionist-Dietitian II.

Layunin ng oryentasyong ito na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga CDWs sa pagpapatupad ng programang pang-nutrisyon para sa mga batang benepisyaryo sa kanilang mga Child Development Center. πŸ²πŸ‘ΆπŸ‘©β€πŸ«

2-Day Administrative Training ng MSWDOHunyo 12-13, 2025Matagumpay na isinagawa ang 2-araw na Administrative Training ng ...
13/06/2025

2-Day Administrative Training ng MSWDO
Hunyo 12-13, 2025

Matagumpay na isinagawa ang 2-araw na Administrative Training ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pangunguna ng butihing Municipal Social Welfare and Development Officer na si Ma’am Hazel G. Gaac, RSW. Ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan ng tatlong Social Workers at limang kawani ng MSWDO, na may layuning mas mapalalim ang kaalaman sa mga administratibong gawain at mapalakas ang kakayahan ng bawat isa sa pagharap sa mga kasalukuyan at paparating na tungkulin ng opisina.

Ang dalawang araw na training ay naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ng lumahok. Sa pamamagitan ng masinsinang talakayan, pagpaplano, at mentoring, mas napalalim ang samahan ng MSWDO personnel at nabigyan sila ng mas malinaw na direksyon sa kanilang mga tungkulin. Sa pamumuno ni Ma’am Hazel G. Gaac, RSW, ang pagsasanay ay hindi lamang naging daan para sa mas episyenteng serbisyo, kundi pati na rin sa patuloy na personal at propesyonal na paglago ng bawat isa.

"Noong Hunyo 4–5, 2025, matagumpay na idinaos ang 2025 Child Development Workers Convention sa bayan ng San Agustin, Rom...
09/06/2025

"Noong Hunyo 4–5, 2025, matagumpay na idinaos ang 2025 Child Development Workers Convention sa bayan ng San Agustin, Romblon. Sa temang 'Child Development Workers: Sa Bagong Pilipinas β€” Mapagkalinga, Makabayan at Makabansa.

Nagtipon-tipon ang mga masigasig na Child Development Workers sa probinsya ng Romblon upang pagtibayin ang kanilang paninindigan sa maayos at makataong paghubog sa kabataan. Isang makabuluhang pagtitipon na nagsilbing paalala ng mahalagang papel ng mga Child Development Workers sa paghubog ng kinabukasan ng bansa."

π—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š: Ukol sa Estado ng Pagbaba ng Social Pension sa Odiongan mula DSWDSa kabila ng mga malisyosong paratang na ibina...
08/05/2025

π—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š: Ukol sa Estado ng Pagbaba ng Social Pension sa Odiongan mula DSWD

Sa kabila ng mga malisyosong paratang na ibinabato laban kay Mayor Trina Firmalo-Fabic at sa ating lokal na pamahalaan, nais naming linawin ang tunay na estado ng Social Pension for Indigent Senior Citizens mula sa DSWD.

Sa kasalukuyan, wala pa pong naibababa na pondo ang DSWD para sa social pension ng ating mga senior citizens. Ito ay batay mismo sa opisyal na sertipikasyon mula sa DSWD Field Office MIMAROPA na aming hiniling upang matuldukan ang mga maling impormasyon na kumakalat.

Ayon sa DSWD, noong Abril 21, 2025 pa po natapos ng LGU Odiongan ang lahat ng kinakailangang dokumento para sa fund transfer na nagkakahalaga ng mahigit β‚±54 milyon para sa 4,526 benepisyaryo para sa buong taong 2025. Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa ito naia-download sa LGU Odiongan, na siyang pinapatunayan rin ng sertipikasyon.

Muli naming pinapaalala na ang pondo ng social pension ay nakalaan lamang para sa ating mga senior citizens at hindi maaaring gamitin sa anumang ibang layunin, lalo na sa politika. Mahigpit na ipinatutupad ng LGU Odiongan ang mga patakaran sa accounting at sinusubaybayan ito ng Commission on Audit (COA).

Hindi po natin kailangang sirain ang pangalan ng kapwa para lamang sa pansariling interes. Ang ating layunin ay maglingkod nang tapat at maayos, lalo na sa ating mga nakatatanda na matagal nang naghihintay ng tulong.

Sa halip na pamumulitika, sama-sama nating ipanawagan ang mas mabilis na pagproseso ng pondo mula sa nasyunal na pamahalaan upang agad natin itong maipamahagi sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Patuloy po tayong kikilos nang may katapatan, transparency, at malasakit.

"Matagumpay na naisagawa ang Early Childhood Care and Development Accreditation noong Marso 17-21, 2025 sa 25 Child Deve...
22/03/2025

"Matagumpay na naisagawa ang Early Childhood Care and Development Accreditation noong Marso 17-21, 2025 sa 25 Child Development Centers sa Odiongan, Romblon.

Maraming salamat sa ating mga accreditor na sina Maife Faa, Earl Mortel, at Anali Ungria sa kanilang masusing pagsusuri at suporta para sa kalidad na edukasyon ng ating mga kabataan!"

𝗧𝗔π—₯𝗔, 𝗕𝗔𝗦𝗔! Isinasagawa mula Marso 12-14, 2025, ang Tara, Basa! Tutoring Program bilang paghahanda sa opisyal nitong pag...
13/03/2025

𝗧𝗔π—₯𝗔, 𝗕𝗔𝗦𝗔! Isinasagawa mula Marso 12-14, 2025, ang Tara, Basa! Tutoring Program bilang paghahanda sa opisyal nitong pagpapatupad sa Odiongan. Layunin nitong tulungan ang struggling readers, bigyang oportunidad ang college students bilang tutors at Youth Development Workers, at palakasin ang suporta ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Bilang pilot municipality sa Romblon, katuwang ng LGU Odiongan ang Romblon State University at DepEd SDO Odiongan sa implementasyon ng programa.

Bukas, Marso 14, gaganapin ang MOA signing kasama ang DSWD, DepEd, RSU, at LGU Odiongan, na dadaluhan ni DSWD Usec. Eduardo M. Punay. Isang hakbang ito tungo sa mas inklusibong edukasyon para sa ating kabataan!

Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo upang maipatupad ang programang ito.

Address

Manuel A. Roxas Street
Odiongan
5505

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Odiongan Municipal Social Welfare and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Odiongan Municipal Social Welfare and Development Office:

Share