Odiongan Municipal Planning and Development Office

Odiongan Municipal Planning and Development Office MPDC office a pillar in creating a liveable, loveable, and enjoyable ODIONGAN

THIS IS WHERE YOUR TAXES GO.INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT:Ang proyektong Construction of Stage at Mayha Elementary School-P...
21/07/2026

THIS IS WHERE YOUR TAXES GO.

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT:
Ang proyektong Construction of Stage at Mayha Elementary School-Phase II, na pinondohan mula sa 20% Development Fund (DF) 2026 ng Pamahalaang Bayan ng Odiongan ay matagumpay na naisakatuparan upang makapagbigay ng isang ligtas, matibay ay maayos na entablado para sa mga gawaing pang-edukasyon at pangkomunidad.

Layunin ng proyekto na magkaroon ang paaralan ng angkop na pasilidad na magsisilbing sentro ng mga programa, pagtatanghal, pagtatapos, pagpupulong, at iba pang mahahalagang aktibidad na nagpapalawak ng kaalaman, talento, at pakikilahok ng mga mag-aaral. Bukod sa pagpapataas ng kalidad ng mga aktibidad pang-akademiko at pangkultura, nagsisilbi rin itong mahalagang pasilidad para sa pagtitipon ng komunidad na nagpapalakas sa ugnayan ng paaralan at ng mga mamamayan.

Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Odiongan sa pamumuno ni Meyor Engr. Roger Fodra Jr., sa pagpapaunlad ng edukasyon at pagbibigay ng de-kalidad na imprastraktura para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon.


THIS IS WHERE YOUR TAXES GO !INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT: Matagumpay na natapos ng Pamahalaang Bayan ng Odiongan ang  "Co...
11/07/2026

THIS IS WHERE YOUR TAXES GO !

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT: Matagumpay na natapos ng Pamahalaang Bayan ng Odiongan ang "Construction of Two-Storey (Four-Classroom) Building at Mayha NHS, Phase IV, " na pinondohan mula sa 20% Development Fund 2026. Ang proyektong ito ay naglalayong tugunan ang lumalaking pangangailangan sa karagdagang silid-aralan upang mabigyan ng mas maayos, ligtas, at komportableng kapaligiran sa pag-aaral ang mga mag-aaral at g**o ng Mayha National High School.

Ang bagong dalawang palapag na gusali na may apat na silid-aralan ay patunay ng patuloy na pagpapahalaga ng LGU-Odiongan sa pamumuno ni Meyor Roger Fodra Jr., sa pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon bilang pundasyon ng pangmatagalang kaunlaran ng bayan. Higit pa sa pagdaragdag ng mga pasilidad, ang proyektong ito ay isang pamumuhunan para sa kinabukasan ng mga kabataan, na magbibigay sa kanila ng mas magandang pagkakataon upang maabot ang kanilang mga pangarap. Sa ilalim ng adhikaing "Serbisyong Totoo...Odiongan Para Sa Lahat," nananatiling katuwang ang lokal na pamahalaan sa paglikha ng mga programang nagtataguyod ng inklusibo, de-kalidad, at napapanatiling edukasyon para sa bawat Odionganon.


THIS IS WHERE YOUR TAXES GO !INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng ...
09/07/2026

THIS IS WHERE YOUR TAXES GO !

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Odiongan, sa pamumuno ni Meyor Engr. Roger Fodra Jr. na mapabuti ang imprastraktura at mapalawak ang ligtas na access ng mamamayan, matagumpay na naipatupad ang Construction of Footbridge (Phase II) and Improvement of Access Road sa Purok Mapa, Barangay Libertad sa ilalim ng 20% Development Fund para sa Taong 2026. Ang proyekto ay kinabibilangan ng pagtatayo ng kongkretong footbridge na may matibay na handrails at pagsasaayos ng access road upang maging mas ligtas at maginhawa ang paglalakad at pagbiyahe ng mga residente, mag-aaral, mangingisda, senior citizens, at iba pang araw-araw na gumagamit ng nasabing daanan.

Ang proyekto ay inaasahang magbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapahusay ng konektibidad, pagpapadali ng pagpapadala ng nga produkto at serbisyo, at pagbawas sa panganib ng aksidente lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.

Sa kabuuan, ito ay sumasalamin sa layunin ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyong pampubliko at mga proyektong tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan alinsunod sa adhikaing "SERBISYONG TOTOO...ODIONGAN PARA SA LAHAT."


  Kaisa ang ating Meyor Roger Fodra Jr.  ng DepEd sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan s...
03/07/2026




Kaisa ang ating Meyor Roger Fodra Jr. ng DepEd sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan sa pamamagitan ng mga infrastructure development sa mga paaralan.

Tita Precy Faigao thank you for the very accommodating owner and staff and the beautiful ambiance and complete amenities...
29/06/2026

Tita Precy Faigao thank you for the very accommodating owner and staff and the beautiful ambiance and complete amenities. The best 4J resort located at Carmen San Agustin, Romblon.

The "Bridging Plans & Projects: Mid-Year Review and Strategic Planning for a Sustainable, Resilient and Progressive Odio...
28/06/2026

The "Bridging Plans & Projects: Mid-Year Review and Strategic Planning for a Sustainable, Resilient and Progressive Odiongan" was successfully conducted on June 26-27, 2026 at 4J Resort, San Agustin, Romblon. The activity successfully achieved its objectives by reviewing the accomplishments for the first half of the year, assessing implementation challenges, and formulating strategic plans and actionable commitments to ensure the effective and timely implementation of programs, projects, and activities for the remainder of the year.

The activity was marked by the active participation, collaboration, and valuable contributions of every employee from the Municipal Planning and Development Office (MPDO) and the Municipal Engineering Office (MEO). Through meaningful discussions, team-building and strategic planning sessions, the participants further strengthened their unity and commitment to delivering quality public service.

The serene and beautiful sorroundings of the 4J Resort provided an ideal setting for productive learning and planning. Participants likewise enjoyed the delicious food served throughout the activity, while the warm hospitality , great accommodations, and highly accommodating resort staff greatly contributed to the overall success and made the entire experience comfortable, enjoyable and memorable.

The activity concluded with renewed dedication and stronger partnership between the MPDO and MEO in advancing the municipality's development goals and the 10 point agenda of our Mayor, Hon. Roger Fodra Jr. Guided by the theme "Reviewing Today, Building Tomorrow," both offices reaffirmed their commitment to building a more sustainable, resilient, and progressive Odiongan through " Serbisyong Totoo...Odiongan Para Sa Lahat."

๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ฅ๐ž: Water System (Dama De Noche)๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: Budiong, Odiongan, Romblon๐…๐ฎ๐ง๐ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž: 20% Dev...
09/02/2026

๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ฅ๐ž: Water System (Dama De Noche)
๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: Budiong, Odiongan, Romblon
๐…๐ฎ๐ง๐ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž: 20% Development Fund
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: Completed

Ang proyektong ito ay naipatupad upang masig**o ang maayos at sapat na suplay ng tubig para sa komunidad ng Brgy. Budiong. Makakatulong ito sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente at sa pagpapabuti ng kanilang kalusugan at kalidad ng pamumuhay.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa paghahatid ng serbisyong pampubliko at kaunlaran para sa lahat.

๐Ÿ’™

๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ฅ๐ž: Construction of Bahay Pag-Asa โ€“ Sitio Baito ๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: Poctoy, Odiongan, Romblon๐‚๐จ๐ฌ๐ญ:...
28/11/2025

๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ฅ๐ž: Construction of Bahay Pag-Asa โ€“ Sitio Baito
๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: Poctoy, Odiongan, Romblon
๐‚๐จ๐ฌ๐ญ: PHP 1,799,393.18
๐…๐ฎ๐ง๐ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž: 20% Development Fund

Ang proyektong Construction of Bahay Pag-Asa sa Sitio Baito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Odiongan na magtayo ng isang ligtas, maayos, at makabuluhang pasilidad na maglilingkod hindi lamang sa kabataan, kundi para sa lahat ng nangangailangan ng proteksyon, pansamantalang kanlungan, at suporta mula sa pamahalaan.

Layunin ng pasilidad na magbigay ng komprehensibong tulong at serbisyoโ€”mula sa psychosocial support, emergency accommodation, hanggang sa community-based intervention programsโ€”upang matiyak na ang bawat indibidwal na nangangailangan ng gabay at rehabilitasyon ay magkaroon ng maayos na pag-aalaga at pagkakataon para sa positibong pagbabago.

๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„:๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ฅ๐ž: Construction of  Evacuation Multi-Purpose Building at Brgy. Rizal (Phase II)๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ...
24/11/2025

๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„:
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ฅ๐ž: Construction of Evacuation Multi-Purpose Building at Brgy. Rizal (Phase II)
๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: Rizal, Odiongan, Romblon
๐‚๐จ๐ฌ๐ญ: PHP 2,997,457.94
๐…๐ฎ๐ง๐ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž: MDRRMF 2025
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: On-going

Ang proyekto ng Construction of Multi-Purpose Building (Phase II) sa Barangay Rizal ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Odiongan na magtayo ng matibay, ligtas, at makabuluhang pasilidad para sa komunidad. Layunin nitong magkaroon ng maaasahang evacuation center sa panahon ng kalamidad, magbigay ng multi-functional na lugar para sa mga pagpupulong, pagsasanay, at ibaโ€™t ibang programa ng barangay, pati na rin palakasin ang kahandaan at kakayahan ng komunidad sa disaster preparedness at emergency response. Sa pagkumpleto ng proyektong ito, inaasahang tataas ang antas ng kaligtasan, koordinasyon, at serbisyo publiko para sa mga residente ng Barangay Rizal.

Patuloy ang ating pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong nakatuon sa kahandaan, kaligtasan, at pangmatagalang kaunlaran para sa lahat ng Odionganon.

๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„:๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ฅ๐ž: Construction of 2-Classroom at Gabawan National High School (Phase II) ๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: Ga...
21/11/2025

๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„:
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ฅ๐ž: Construction of 2-Classroom at Gabawan National High School (Phase II)
๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: Gabawan, Odiongan, Romblon
๐‚๐จ๐ฌ๐ญ: PHP 1,500,000.00
๐…๐ฎ๐ง๐ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž: 20% Development Project 2025
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: On-going

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Odiongan na mapabuti ang mga pasilidad pang-edukasyon sa ating komunidad. Sa pamamagitan ng karagdagang silid-aralan, inaasahan na mabibigyan ng mas maayos, komportable, at angkop na kapaligiran sa pag-aaral ang mga mag-aaral ng Gabawan National High School.

Patuloy ang ating pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng serbisyong pampubliko at pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa bawat Odionganon.

Address

Tabing Dagat
Odiongan
5505

Telephone

+639478310518

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Odiongan Municipal Planning and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Odiongan Municipal Planning and Development Office:

Shortcuts

Share