Department of Agrarian Reform- Romblon

Department of Agrarian Reform- Romblon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Department of Agrarian Reform- Romblon, Public Service, Odiongan.

The Department of Agrarian Reform is the lead government agency that holds and implements comprehensive and genuine agrarian reform which actualizes equitable land distribution, ownership, agricultural productivity, and tenurial security for, of and with

πŸ“ DARPO-Romblon nagsagawa ng BARC Reorganization sa Brgy. GabawanBilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay sa papel ng Ba...
05/08/2026

πŸ“ DARPO-Romblon nagsagawa ng BARC Reorganization sa Brgy. Gabawan

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay sa papel ng Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) sa mga komunidad na saklaw ng Agrarian Reform Communities (ARCs), matagumpay na isinagawa ng Department of Agrarian Reform Provincial Office-Romblon ang BARC Reorganization sa Brgy. Gabawan sa bayan ng Odiongan.

Sa programa, tinalakay ni CARPO Cosme Jaime M. Mendoza ng Program Beneficiaries Development Division (PBDD) ang mahahalagang tungkulin at responsibilidad ng BARC, gayundin ang mahalagang papel nito sa epektibong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Matagumpay namang naihalal ang bagong pamunuan ng BARC, na nangakong magiging aktibong katuwang ng DAR sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong magpapalakas sa organisasyon at mag-aambag sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga magsasaka.

Patuloy ang DARPO-Romblon sa pakikipagtulungan sa mga lokal na komunidad upang maisulong ang mga programang naglalayong mapabuti ang buhay ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo.

🌾 P1.5 Milyong Halaga ng Makinaryang Pangsakahan, Ipinagkaloob sa SFARCC! πŸšœπŸ“ Taclobo, San Fernando, RomblonπŸ“… Agosto 3, 2...
03/08/2026

🌾 P1.5 Milyong Halaga ng Makinaryang Pangsakahan, Ipinagkaloob sa SFARCC! 🚜

πŸ“ Taclobo, San Fernando, Romblon
πŸ“… Agosto 3, 2026

Isa na namang malaking hakbang tungo sa mas makabago at mas produktibong pagsasaka!

Buong galak na tinanggap ng San Fernando Agrarian Reform Community Cooperative (SFARCC) ang isang yunit ng Kubota Mechanical Transplanter SPV-6CMD na nagkakahalaga ng β‚±1.5 milyon, sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPSP) at ng program component na Major Crop-Based Block Farm Productivity Enhancement.

Pormal na isinagawa ang turnover sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng DAR, na kinatawan ni CARPO Cosme Jaime M. Mendoza, at ng SFARCC, na kinatawan ni GM Ramonito T. Gubaton. Nasaksihan ang makabuluhang seremonya nina PARCCOM Chairman Bayani F. Fajarito, SUARPO Felino David M. Magallon, at ng mga kasapi ng SFARCC.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa rin ng orientation sa tamang operasyon at maintenance ng makinarya si G. Michael Sandoval, Parts and Service Supervisor ng GreenGround Rapid Agri-Business Machineries Corporation, upang matiyak ang ligtas at episyenteng paggamit nito.

🌱 Sa pamamagitan ng makabagong kagamitang ito, inaasahang magiging mas mabilis, mas magaan, at mas episyente ang pagtatanim ng palay ng ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), na magbibigay-daan sa mas mataas na ani at higit na pagiging competitive ng kanilang rice production.

Patuloy ang DAR sa pagsusulong ng makabagong teknolohiya at mga programang magpapalakas sa sektor ng agraryo para sa mas maunlad na pamayanan. πŸ’šπŸŒΎ

πŸ“’ Malapit na ang anihan! Suportahan natin ang lokal na produkto ng ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs)! πŸ”πŸ’šBin...
01/08/2026

πŸ“’ Malapit na ang anihan! Suportahan natin ang lokal na produkto ng ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs)! πŸ”πŸ’š

Binisita ng DARPO-Romblon ang poultry house ng Agra Progreso Multi-Purpose Cooperative upang tingnan ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang broiler production sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) ng Department of Agrarian Reform.

πŸŽ‰ Sa loob lamang ng dalawang linggo mula nang matanggap ang interbensyon ng PAHP, umabot na sa mahigit isang kilo ang timbang ng mga manok. Inaasahang magsisimula ang anihan sa ikatlong linggo ng Agosto.

πŸ“Œ Tumatanggap na ngayon ng advance orders para sa dressed chicken!

Kung nais umorder, makipag-ugnayan kay: πŸ“ž GM Lowie F. Farquerabao o πŸ“ž Gng. Arlene B. Rubion – 0926-106-7591

πŸ“ Maaari ring bumisita sa kanilang broiler production site sa Sitio Hi-way, Brgy. Progreso Este, Odiongan, Romblon.

πŸ’š Ang bawat pagbili ninyo ay hindi lamang nagdadala ng de-kalidad at sariwang produkto sa inyong hapag, kundi nagsisilbi ring malaking suporta at inspirasyon sa ating mga ARBs upang patuloy na paunlarin ang kanilang kabuhayan.

Suportahan ang lokal. Suportahan ang ating mga magsasaka. Magpa-reserve na! πŸ”πŸ‡΅πŸ‡­



31/07/2026
SONA 2026 β€” Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang matibay na suporta ng administrasyon sa repormang...
28/07/2026

SONA 2026 β€” Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang matibay na suporta ng administrasyon sa repormang agraryo sa kanyang State of the Nation Address (SONA), at inatasan ang Department of Agrarian Reform (DAR) na tapusin ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa at ang pagpapawalang-bisa sa mga natitirang utang ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs), habang patuloy na naghahatid ng mga suportang serbisyo para sa mga magsasaka.



πŸ“ DARPO-Romblon, naghatid ng serbisyo sa Isla ng Sibale!Sa patuloy na pagsisikap na mailapit ang mga programa at serbisy...
27/07/2026

πŸ“ DARPO-Romblon, naghatid ng serbisyo sa Isla ng Sibale!

Sa patuloy na pagsisikap na mailapit ang mga programa at serbisyo ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa bawat Agrarian Reform Beneficiary (ARB), bumisita ang DARPO-Romblon sa napakagandang Isla ng Sibale, bayan ng Concepcion.

Mainit na tinanggap ng lokal na pamahalaan ang delegasyon ng DAR, sa pangunguna ni Hon. Nicon F. Fameronag, Alkalde ng Concepcion. Tinalakay sa pulong ang mga pangunahing layunin ng pagbisita at ang mga programang magbibigay ng mas malaking benepisyo sa mga magsasaka ng bayan.

🌾 Isa sa mga pangunahing aktibidad ang pagsasagawa ng Barangay Consultation Workshop (BCW) sa mga barangay ng Concepcion bilang bahagi ng pag-update ng Agrarian Reform Community Development Plan (ARCDP). Bilang nag-iisang Special Agrarian Reform Community (ARC) sa lalawigan, mahalaga ang prosesong ito upang matukoy ang mga prayoridad na proyekto at interbensyon na higit pang magpapalakas sa kabuhayan ng mga benepisyaryo.

🀝 Nagsagawa rin ang Land Tenure Services Division ng renewal ng Leasehold Agreements, isang mahalagang hakbang upang mapanatiling maayos at napapanahon ang mga kasunduan sa pagitan ng mga landowner at mga magsasakang nagpapaunlad ng lupa.

βš–οΈ Samantala, pinangunahan ni SARPO Irene B. Maulion ng Agrarian Legal Services Division ang pagbibigay ng legal na serbisyo at pagsagot sa mga usaping may kaugnayan sa agrarian reform, na nagbigay-linaw sa mga katanungan at pangangailangan ng mga ARBs.

✨ Patuloy na nakatuon ang DARPO-Romblon sa paghahatid ng tapat, maagap, at makabuluhang serbisyo upang matiyak na ang bawat Agrarian Reform Beneficiary ay naaabot ng mga programa ng pamahalaan.

14/07/2026
🐣 Panibagong Simula, Panibagong Pag-asa para sa Isang ARBO! πŸ’šIsang panibagong yugto ng pag-unlad ang muling binubuksan p...
14/07/2026

🐣 Panibagong Simula, Panibagong Pag-asa para sa Isang ARBO! πŸ’š

Isang panibagong yugto ng pag-unlad ang muling binubuksan para sa Agra Progreso Multi-Purpose Cooperative sa pamamagitan ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP)β€”isang programang naglalayong labanan ang gutom at kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad sa kabuhayan.

Ngayong araw, bumisita ang DARPO-Romblon, sa pangunguna ni CARPO Cosme Jaime M. Mendoza ng Program Beneficiaries Development Division, sa lokasyon ng bagong tayong poultry house ng naturang ARBO. Kasabay ng pagbisita ay ang paghahatid ng mga panimulang kagamitan para sa kanilang poultry-raising enterprise, kabilang ang mga day-old chicks, feeds, feeders, waterers, at mga bitaminaβ€”mga mahahalagang suporta upang matiyak ang matagumpay na pagsisimula ng kanilang proyekto.

Ayon kay CARPO Mendoza:
"Ang Kagawaran ay patuloy na magbibigay ng suporta upang linangin ang kakayahan ng ating mga ARBs na kasapi ng ating mga ARBO sa pamamahala ng sarili nilang negosyo. Sa pamamagitan ng mga proyektong tulad nito, natutugunan natin ang pangangailangan ng mga komunidad at masisiguro ang pagkakaroon ng sapat na pagkain para sa ating mga mamamayan."

Ang proyektong ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapalaki ng manokβ€”ito ay tungkol sa pagpapalaki ng pag-asa, pagpapalakas ng kabuhayan, at pagbuo ng mas matatag at mas masaganang kinabukasan para sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries.

🌾 Sama-sama nating isulong ang mas maunlad, mas matatag, at mas masaganang kanayunan!



FBS Buy-In Session, matagumpay na naisagawa sa San Andres, Romblon!Dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Agrarian Refo...
14/07/2026

FBS Buy-In Session, matagumpay na naisagawa sa San Andres, Romblon!

Dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Agrarian Reform Cooperative of Agpudlos (ARCA) ang Farm Business School (FBS) Buy-In Session na pinangunahan ng DARPO-Romblon, July 14, 2026, sa Municipal Hall, Poblacion, San Andres, Romblon.

Binigyang-diin ni PARPO II Engr. Rogelio D. Madarcos, CESO V ang kahalagahan ng collective marketing at pag-unawa sa buong agribusiness system β€” mula land preparation hanggang marketing. Nagpaabot naman ng suporta ang Municipal Mayor ng San Andres, Hon. Fernald Rovillos, para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa bayan.

Ibinahagi naman ni ARPO-I Dyne T. Fornal ang mga plano at mga magaganap sa ilalim ng FBS, kasabay ng kanyang pagtitiyak sa patuloy na pagbibigay ng teknikal na kaalaman ng DAR at iba pang mga ahensiya. Samantala, ang General Manager ng ARCA, Jean Gado, ay nagpasalamat sa pakikiisa ng kooperatiba at hinikayat niya ang mga kalahok na gamitin ang mga bagong kaalaman upang higit pang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Sa pagsasagawa ng Farm Business School, ito ang patunay na patuloy ang layunin ng DAR na matulungan ang mga benepisyaryo para maging tunay na magsasakang negosyante.


Address

Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639466031176

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Agrarian Reform- Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category