06/08/2026
Ipinaliwanag ng Lokal na Pamahalaan kung bakit tiglimang kilo lamang ng bigas ang naipamahagi sa bawat benepisyaryong kabahayan sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) ng pambansang pamahalaan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa LGU, ang alokasyon ay isinagawa batay sa prinsipyo ng equitable distribution, alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) gamit ang datos ng Community-Based Monitoring System (CBMS), at sa pagsusuri ng executive committee at local finance committee.
Dahil 15,564 na kabahayan ang sakop ng programa sa bayan, napagkasunduang maglaan ng tiglimang kilo ng bigas sa bawat household upang matiyak na lahat ng pamilya ay makikinabang sa ipinagkaloob na pondo.
Nilinaw din ng LGU na maaaring magkaiba ang dami ng rice assistance na naipamahagi sa ibang mga bayan dahil nakabatay ito sa pondong inilaan at sa bilang ng mga kabahayang kanilang pinaglilingkuran.