07/08/2026
TINGNAN: Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng masamang panahon, tumaas ang lebel ng tubig at umapaw ito sa ilang bahagi ng Bayan ng Odiongan ngayong araw.
Agad namang nagsagawa ng monitoring ang Odiongan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa iba't ibang barangay upang matukoy ang kasalukuyang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Patuloy ang pag-iikot ng MDRRMO team sa mga apektadong lugar upang magsagawa ng assessment at magbigay ng kaukulang aksyon kung kinakailangan.
Pinapayuhan ang lahat ng Odionganon na manatiling alerto, iwasan ang pagtawid sa mga bahaging may mataas na tubig o malakas na agos, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa Odiongan Public Information Office at MDRRMO.