Spouses of Fisherfolks and Farmers Association of Odiongan

Spouses of Fisherfolks and Farmers Association of Odiongan "Women of the shore and soil, building a brighter tomorrow."

Nagsagawa ng isang special meeting ang Poctoy Wives of Farmers and Fisherfolk noong August 16, 2026. Layunin ng pagpupul...
17/08/2026

Nagsagawa ng isang special meeting ang Poctoy Wives of Farmers and Fisherfolk noong August 16, 2026.

Layunin ng pagpupulong na ito na mabigyan ng malinaw na update ang mga miyembro tungkol sa kasalukuyang status ng ating mga baboy, pati na rin ang pagbabahagi ng mga mahahalagang napag-usapan sa ginanap na Federation Special Meeting noong August 11.

Naging makabuluhan at masaya ang ginanap na Special Meeting  ng Federation ng Asawa ng mga Magsasaka at Mangingisda sa S...
17/08/2026

Naging makabuluhan at masaya ang ginanap na Special Meeting ng Federation ng Asawa ng mga Magsasaka at Mangingisda sa Susana's Spring Resort noong Agosto 11, 2026!

​Bukod sa pag-alam sa lagay ng ating mga barangay associations, naging bukas din ang talakayan kung saan nagbahagi ang ilan sa ating mga beneficiaries ng hog dispersal project ng kanilang mga tagumpay (best practices) at mga hamon o challenges na naranasan sa pag-aalaga.

​Ginamit din ang pagkakataong ito upang paghandaan ang mga susunod na plano at programang pangkabuhayan na higit na makatutulong sa mga beneficiaries.

Tingnan | Bunga ng kasipagan at tamang pag-aalaga! 🐷Isang magandang balita mula sa ating Hog Dispersal Project beneficia...
25/07/2026

Tingnan | Bunga ng kasipagan at tamang pag-aalaga! 🐷

Isang magandang balita mula sa ating Hog Dispersal Project beneficiary na si Anna Famadulan ng Barangay Panique.

Masayang ibinabahagi niya ang litrato ng kanyang mga malulusog na biik—ang ikalawang batch na naipanganak ng kanyang alagang inahin.

Ito ay patunay na sa pamamagitan ng livelihood support ng ating pamahalaan, nagkakaroon ng tuloy-tuloy na pag-unlad ang ating mga lokal na magsasaka at nag-aalaga ng hayop.

🐷 KWENTONG TAGUMPAY AT MASIPAG NA PANGANGALAGA! ​Ibida natin ang baboy ni Mrs. Jane Diokno mula sa Barangay Poctoy—isa s...
21/07/2026

🐷 KWENTONG TAGUMPAY AT MASIPAG NA PANGANGALAGA!

​Ibida natin ang baboy ni Mrs. Jane Diokno mula sa Barangay Poctoy—isa sa mga naging Hog Dispersal Beneficiary noong Disyembre 2024.

​Mula sa maliit na kulungan, nakapag-expand na siya ngayon! Patunay lamang ito ng magandang resulta ng programa at ng kaniyang sipag sa pag-aalaga.

​Bukod dito, ipinakita rin ni Mrs. Diokno ang isang magandang gawi o best practice sa pagbababuyan: upang maiwasan ang mabahong amoy ng ihi at dumi, kinokolekta niya ang mga ito at inilalagay sa maayos na imbakan para gawing compost o organikong abono, na ginagamit naman sa communal garden ng kanilang samahan.

​Dahil sa maayos na pangangalaga, nakadalawang panganak na ang kaniyang alagang baboy at nakapagbalik na rin siya ng biik sa asosasyon. Ito ay matagumpay na naipamahagi na sa panibagong miyembro noong Enero 9.
​Isang tunay na ehemplo ng responsableng benepisyaryo!

🏆 CONGRATULATIONS! 🎉👏Isang malaking pagbati sa Samahan ng mga Asawa ng Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Budiong sa p...
21/07/2026

🏆 CONGRATULATIONS! 🎉👏

Isang malaking pagbati sa Samahan ng mga Asawa ng Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Budiong sa pagkamit ng 1st Place sa Hapag Barangay Contest! 🥇🏆

Ang tagumpay na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026 ng naturang barangay, na ginanap noong July 17, 2026.

July 5, 2026 | Nagsagawa ng kanilang regular na pagpupulong ang Samahan ng mga Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Cand...
06/07/2026

July 5, 2026 | Nagsagawa ng kanilang regular na pagpupulong ang Samahan ng mga Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Canduyong. Kabilang sa mga natalakay ang kasalukuyang status ng Hog Dispersal Project na ipinamahagi noong Disyembre 2024. Sa kasalukuyan, ang proyekto ay nasa ikalawang benepisyaryo na, bilang patunay ng maayos na implementasyon at pagpapatuloy ng programa sa komunidad.

July 4, 2026 | Nagsagawa ng kanilang buwanang Clean-Up Drive ang Samahan ng Asawa ng mga Magsasaka at Mangingisda ng Bar...
05/07/2026

July 4, 2026 | Nagsagawa ng kanilang buwanang Clean-Up Drive ang Samahan ng Asawa ng mga Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Progreso Este bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagkakaisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kanilang komunidad.

Patuloy na ipinapakita ng samahan na sa sama-samang pagkilos, mas mapapanatili ang isang malinis at maayos na kapaligiran.

Muling nagsagawa ng kanilang buwanang Clean-Up Drive ang Samahan ng mga Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Libertad bi...
04/07/2026

Muling nagsagawa ng kanilang buwanang Clean-Up Drive ang Samahan ng mga Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Libertad bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kanilang komunidad.

Disyembre 17, 2025 | Orientation on Hog Production, Management, and EnterpriseMatagumpay na naisagawa ang orientation pa...
04/01/2026

Disyembre 17, 2025 | Orientation on Hog Production, Management, and Enterprise

Matagumpay na naisagawa ang orientation para sa ikalawa at ikatlong batch ng mga benepisyaryo ng Hog Dispersal Project mula sa iba’t ibang Wives of Farmers and Fisherfolk Associations.

Ang Hog Dispersal Project, na nagsimula noong Disyembre 2024, ay nagpakita na ng mga positibong resulta dahil ang ilan sa mga naipamahaging inahin ay nanganak na.

Lubos ang ating pasasalamat sa ating Livestock Coordinator, PJ Montoya, R.Ag., Agricultural Technologist ng MAO–LGU Odiongan, sa kanyang pagbabahagi ng wastong kaalaman at sa kanyang patuloy na pagtulong at paggabay sa matagumpay na pagpapatupad ng proyekto.

Layunin ng naturang pagsasanay na ihanda ang mga susunod na benepisyaryo sa tamang pag-aalaga at pamamahala ng baboy, pati na rin sa wastong waste disposal, upang matiyak ang maayos, ligtas, at sustenableng pagpapatupad ng programa

Disyembre 17, 2025 | Pangalawang Araw ng Pagsasanay sa Fishing Net MendingTinalakay ni Arnulfo Mainit Jr., RFP, Agricult...
04/01/2026

Disyembre 17, 2025 | Pangalawang Araw ng Pagsasanay sa Fishing Net Mending

Tinalakay ni Arnulfo Mainit Jr., RFP, Agricultural Technologist, ang iba’t ibang uri ng isda at ang tamang pamamaraan ng pangingisda upang masigurong sustenableng pangisdaan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga fish sanctuary.

Lubos ang kasiyahan ng mga kalahok sapagkat sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, handa na silang tumulong sa pagkukumpuni ng mga sirang lambat, na dati ay kinakailangan pang ipagawa sa iba. Malaking tulong ito sa kabuhayan at malaking tipid sa gastos.

Address

Odiongan
5505

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spouses of Fisherfolks and Farmers Association of Odiongan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share