Emmylou Lala Taliño-Mendoza

Emmylou Lala Taliño-Mendoza Official page of Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza in the Province of Cotabato

Bilang Chairperson ng Regional Development Council XII, nagpaabot ng suporta si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Tali...
06/09/2026

Bilang Chairperson ng Regional Development Council XII, nagpaabot ng suporta si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pagbubukas ng 37th Philippine Travel Mart 2026 ngayong Setyembre 4, 2026, na ginanap sa SMX Convention Center Manila, Pasay City.

Naging kinatawan ng Gobernadora sa pagtitipon si Acting Governor Rochella Marie Taliño Taray, kasama si MuseyoKutawato Board Member Joy Taliño-Taray. Bahagi ito ng pagsisikap ng probinsya na maisulong ang tourist attraction, mayamang kultura at tradisyon, gayundin ang lokal na produktong gawa sa lalawigan, bilang ambag sa tourism promotion ng buong SOCCSKSARGEN..//idcd-pgo-sotto/photobyVGElla//


#𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠𝐓𝐨𝐭𝐨𝐨

Pinangunahan ngayong hapon ng Biyernes, Setyembre 4, 2026 ni Acting Governor Rochella Marie Taliño Taray ang turnover ng...
04/09/2026

Pinangunahan ngayong hapon ng Biyernes, Setyembre 4, 2026 ni Acting Governor Rochella Marie Taliño Taray ang turnover ng apat na proyekto sa bayan ng Makilala kasama ang ilan sa mga opisyales ng bayan na nagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.

Ang mga proyektong ito na may kabuuang halaga na abot sa P28, 588, 824.31 ay kinabibilangan ng road concreting projects sa Brgy. Kisante at Garsika, construction of drainage canal sa Brgy. Batasan, at construction of box culvert sa Baka Creek sa Brgy. Bato.//idcd-pgo-sotto/photobyGPuerto//


#𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠𝐓𝐨𝐭𝐨𝐨

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐁𝐄𝐑 𝐈𝐒 𝐘𝐎𝐔𝐑𝐒. 𝐁𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐈𝐃𝐄𝐀𝐒. 𝐒𝐇𝐀𝐏𝐄 𝐏𝐎𝐋𝐈𝐂𝐘. 𝐂𝐀𝐋𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐋𝐈𝐀𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐒 𝐎𝐅 𝐆𝐑𝐄𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎! 🏛𝙏𝙝𝙚 𝙫𝙤𝙞𝙘𝙚𝙨. 𝙏...
04/09/2026

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐁𝐄𝐑 𝐈𝐒 𝐘𝐎𝐔𝐑𝐒. 𝐁𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐈𝐃𝐄𝐀𝐒. 𝐒𝐇𝐀𝐏𝐄 𝐏𝐎𝐋𝐈𝐂𝐘.

𝐂𝐀𝐋𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐋𝐈𝐀𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐒 𝐎𝐅 𝐆𝐑𝐄𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎! 🏛

𝙏𝙝𝙚 𝙫𝙤𝙞𝙘𝙚𝙨. 𝙏𝙝𝙚 𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣. 𝙏𝙝𝙚 𝙛𝙪𝙩𝙪𝙧𝙚.

What if your idea becomes a resolution?
What if your advocacy becomes a policy?
What if your voice could influence decisions that matter to young people?

The 𝟒𝐭𝐡 𝐆𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐭𝐚𝐛𝐚𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐫𝐥𝐢𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭 (GCYP) is calling on young people who have the heart to serve, the courage to deliberate, and the passion to make policy. This is more than a leadership program. It is a platform where young parliamentarians can challenge perspectives, draft legislation, defend positions, build consensus, and transform youth concerns into concrete policy proposals.

Here, you don't just talk about change.
𝐘𝐎𝐔 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐄 𝐈𝐓.
𝐘𝐎𝐔 𝐃𝐄𝐁𝐀𝐓𝐄 𝐈𝐓.
𝐘𝐎𝐔 𝐒𝐇𝐀𝐏𝐄 𝐈𝐓.

If you have ever looked at a problem in your community and thought, “There has to be a better policy for this,” — this is your room.

If you believe that young people should not merely be consulted but should actively participate in shaping policies that affect their lives, take your seat.

If you are ready to turn your ideas into resolutions, your advocacies into proposals, and your passion into public action—
𝐓𝐇𝐄 𝟒𝐓𝐇 𝐆𝐂𝐘𝐏 𝐈𝐒 𝐖𝐀𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆.

𝐀𝐏𝐏𝐋𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐄𝐑𝐈𝐎𝐃
📌 Applications Open: September 4, 2026
⏰ Deadline: September 14, 2026 | 11:59 PM
🔗 To apply, kindly scan the QR Code or visit this link: https://forms.gle/EA1Q6DJLLx36AjNR7

Come with a position.
Come with an advocacy.
Come with a problem you want to solve.
The issues are real.
The floor is open.
Leave with a policy you helped build.

#𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠𝐓𝐨𝐭𝐨𝐨
#𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠𝐌𝐚𝐲𝐏𝐮𝐬𝐨𝐀𝐭𝐓𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨
#𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐀𝐭𝐌𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭
#𝟒𝐓𝐇𝐆𝐂𝐘𝐏
#𝐆𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞𝐫𝐂𝐨𝐭𝐚𝐛𝐚𝐭𝐨𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡𝐏𝐚𝐫𝐥𝐢𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭
#𝐌𝐮𝐥𝐚𝐒𝐚𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐏𝐚𝐫𝐚𝐒𝐚𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧

𝐍𝐎𝐖, 𝐈𝐓’𝐒 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐓𝐎 𝐒𝐏𝐄𝐀𝐊. 📣


Matagumpay na isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist...
04/09/2026

Matagumpay na isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Interim PENRO-Cotabato, ang pagsasanay hinggil sa paggawa ng Abaca Scrunch Bag para sa mga abaca farmers ng Magkaalam, Magpet, nitong Setyembre 3-4, 2026.

Layunin ng dalawang araw na aktibidad na hubugin ang kasanayan ng mga magsasaka sa paggawa ng de-kalidad na produkto mula sa abaca, na maaari nilang mapagkakakitaan. Bahagi ito ng patuloy na suporta ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza sa pagsusulong ng kabuhayan at pag-unlad ng pamumuhay ng bawat Cotabateño.//PGO-Sopresencia Photoby:OPAg//


"Bawat Kawani, Lingkod Bayani - Puso, Dangal at Galing para sa Bayan" – Ito ang sentro ng selebrasyon ng 126th Philippin...
04/09/2026

"Bawat Kawani, Lingkod Bayani - Puso, Dangal at Galing para sa Bayan" – Ito ang sentro ng selebrasyon ng 126th Philippine Civil Service Anniversary kung saan bahagi nito ang isinagawang Lingkod Bayani Run 2026 ngayong Setyembre 4, 2026 sa bayan ng Makilala.

Nilahukan ito ng government employees ng mga lokal na pamahalaan at national line agencies ng probinsya kung saan ipinaabot ni Magpet Mayor Jay Laurence S. Gonzaga, kinatawan ni Gov. Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza, ang pagsaludo at pasasalamat sa mga kawani na nangunguna sa pagpapaabot ng dekalidad na serbisyo sa mamamayan.//idcd-pgo-mombay/PhotobyPHRMO//


Ang makapagsimula muli ang mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad at mapanatili ang “food security” ng bansa ay layuni...
04/09/2026

Ang makapagsimula muli ang mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad at mapanatili ang “food security” ng bansa ay layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamahagi ng agricultural inputs mula sa DA-DRRM Calamity Assistance Program, kaagapay sina DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at Field Office-12 Regional Executive Director John B. Pascual.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at Mayor Juanito C. Agustin ang biyayang tinanggap ng 400 rice farmers at 78 corn farmers ng lalawigan ngayong Setyembre 4, 2026 sa bayan ng Pigcawayan, kung saan ang bawat benepisyaryo ay napagkalooban ng tig-isang bag ng binhi; at complete at urea fertilizers.//idcd-pgo-frigillana/photoby:opag


‎Pasok na sa mga ZOD-Certified Barangay ng Cotabato ang Bannawag, Kabacan matapos makapasa sa Provincial  ZOD Verificati...
04/09/2026

‎Pasok na sa mga ZOD-Certified Barangay ng Cotabato ang Bannawag, Kabacan matapos makapasa sa Provincial ZOD Verification nitong Setyembre 3, 2026. Pinangunahan ng Provincial-Municipal Water, Sanitation and Hygiene (WASH) TWG ang validation sa 955 kabahayan upang tiyaking gumagamit ang mga residente ng maayos na palikuran, alinsunod sa DOH Administrative Order No. 2019-0054.

‎Bilang suporta, naglaan ang pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ng 40 toilet bowls para sa nabanggit na barangay, sa layuning maisulong ang malinis at malusog na komunidad sa lalawigan.// idcd-delacruz-pgo // Photo by : IPHO //


Upang palakasin ang ugnayan, komunikasyon, at pag-uunawaan ng mga magulang at kanilang anak, isinagawa ng PGO-PopGAD ang...
04/09/2026

Upang palakasin ang ugnayan, komunikasyon, at pag-uunawaan ng mga magulang at kanilang anak, isinagawa ng PGO-PopGAD ang Getting Along You and Me Orientation nitong Setyembre 3, 2026 sa piling junior high school ng Luayon, Makilala at New Rizal, Mlang.

Tinalakay ang adolescent development, mga banta at hamon sa kabataan, paraan upang maproteksyon ang mga anak, mabisang komunikasyon at pakikitungo sa bawat isa na parte ng isinusulong ng pamunuan ni Governor Emmylou "Lala" J. Talino-Mendoza upang patatagin ang pamilya. Sa encounter session, muling pinagtibay ang relasyon ng mga magulang at anak, kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong ipahayag ang pagmamahal, humingi ng tawad, at magpasalamat./idcd-pgo-gonzales/photoby:popgad/


Nagsama-sama ang mga kawani ng kapitolyo ngayong Setyembre 4, 2026 upang isagawa ang paglilinis ng buong provincial capi...
04/09/2026

Nagsama-sama ang mga kawani ng kapitolyo ngayong Setyembre 4, 2026 upang isagawa ang paglilinis ng buong provincial capitol compound na naging sentro ng matagumpay na pagdaos ng Kalivungan Festival.

Isinasalamin ng naturang pagkilos na itinaguyod ng tanggapan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang pagtutulungan o bayanihan upang mapanumbalik ang maayos at malinis na estado ng kapaligiran na dinagsa ng mga Cotabateño nitong nagdaang Kalivungan Festival season.//idcd-pgo-frigillana/photoby:LADelacruz


03/09/2026

Walang patid ang pagsisikap ng kapitolyo na maihatid ang tulong, pag-asa, at kaunlaran sa bawat Cotabateño. 💚❤️

Address

Old Kidapawan

Telephone

+639488324936

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Emmylou Lala Taliño-Mendoza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Emmylou Lala Taliño-Mendoza:

Shortcuts

Share