15/10/2026
DAY 2 NG IKA-7 PANALIWAN TRADE FAIR!
Tara na at muling makiisa, mga Ka-Zambales! 🛍️ Patuloy nating suportahan ang mga produktong gawa ng ating Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs), Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), at local MSMEs ng Zambales!
Ngayong araw ay ang opening ng 7th Panaliwan Trade Fair na dinaluhan ng mga stakeholders at partner agencies.
Salamat kay SM City Olongapo Central Assistant Mall Manager Michelle Cortez sa pagwelcome sa ating mga CARPreneurs at MSMEs.
Nakibahagi din sa programa at nagbigay ng message of support si Deputy CARPO Dana J. Domingo kasama ang kanyang mga PBDD staff ng DAR Zambales.
Nagbigay din ng mensahe si PD Bernardita Montevirgen na nirepresenta ni Ms. Diane Cecilia Zambrano-Estrella.
Nagpapasalamat ang DTI Zambales sa pangunguna ni DTI Provincial Director Enrique D. Tacbad sa pamunuan ng SM City Olongapo Central at sa DAR at DOST sa patuloy na pagsuporta sa ating mga CARPreneurs.
Kaya, Tara na at tuklasin ang iba't ibang lokal na produkto, tikman ang mga natatanging pagkaing Zambaleño, at mamili ng mga produktong bunga ng sipag, tiyaga, at talento ng ating mga lokal na negosyante. 💚
📍 Ground Floor, SM City Olongapo Central
📅 October 14–17, 2026
Bawat bili ay dagdag-suporta sa kabuhayan ng ating mga lokal na negosyante. Kaya tara na, mamili na, at ipagmalaki ang sariling atin!
DTI Region 3 - Central Luzon