08/01/2026
Study Hub para sa Kabataan ng Sta. Rita 📚🖨️
Handog ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sta. Rita, sa pangunguna nina SK Chairperson Hon. Precious Nina O. Delos Reyes, at Hon. Hazel Anne M. Correa, Committee Chairperson on Education, kasama ng buong SK Council—isang proyekto para sa mas maayos at produktibong pag-aaral ng kabataan.
Bagama’t hindi pa ito tapos, ang proyektong ito ay inihahanda upang maging malaking tulong sa akademikong pangangailangan ng mga mag-aaral, kabilang ang libreng printing services para sa kanilang mga school requirements, at sa paghubog ng kanilang kinabukasan.
📢 Maghintay lamang po sa mga susunod na update para sa opisyal na pagbubukas.
Lubos na pasasalamat sa buong SK Council, Barangay Council, at lalo na sa ating Punong Barangay sa patuloy na suporta sa mga programang para sa kabataan.