10/08/2026
Ang New Cabalan Senior High School ay buong pagmamalaking nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang:
โ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.โ
Ang temang ito ay binibigyang-diin ang mahalagang ugnayan ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) bilang makabagong kasangkapan sa pananaliksik, paglikha, at pagpapalaganap ng kaalaman. Hinihikayat nito ang bawat isa na gamitin ang AI nang may pananagutan, integridad, at paggalang sa mga pamantayang etikal, habang patuloy na pinauunlad at pinayayabong ang paggamit ng ating Wikang Pambansa sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.
Sa pagdiriwang na ito, muli nating ipinapaalala na ang wikang Filipino ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon, kundi sisidlan ng ating kasaysayan, kultura, pagkakakilanlan, at pagmamahal sa bayan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaisa tayo bilang isang bansa at nagiging mas makabuluhan ang ating pakikibahagi sa makabagong lipunan.
Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.
Inaanyayahan ang buong komunidad ng New Cabalan Senior High School na aktibong makiisa sa iba't ibang gawaing inihanda para sa pagdiriwang na ito. Sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan, kahalagahan, at patuloy na pag-unlad ng Wikang Filipino sa makabagong panahon.
# BagongKabataannamayKababaang-loobatLantadnaKahusayan