15/08/2026
📣 PAKIKIISA NG PUP OPEN UNIVERSITY SYSTEM SA BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, malugod na inaanyayahan ng Polytechnic University of the Philippines Open University System (PUP-OUS) ang lahat ng mga g**o, mag-aaral, mananaliksik, tagasalin, at iba pang tagapagtaguyod ng wika na makilahok sa PADDARAFUNG: Tertulyang Pangwika para sa Salin, Kultura, at Teknolohiya.
Tatalakayin sa pambansang tertulyang ito ang mahahalagang usapin hinggil sa ugnayan ng Wikang Filipino, mga katutubong wika, at Artificial Intelligence (AI) sa larangan ng salin, dokumentasyon, pananaliksik, at pangangalaga sa ating pamanang pangwika.
📅 Agosto 14, 2026
🕗 8:00 N.U.
💻 Via Zoom Meeting
🎓 May 8 CPD Units (Applied)
Ang programang ito ay pinangungunahan ng Isabela State University – Sentro ng Wika at Kultura sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Echague, Komisyon sa Wikang Filipino, at iba pang katuwang na institusyon, kabilang ang PUP Open University System.
Magpatala sa pamamagitan ng QR Code na nasa larawan.
Sama-sama nating isulong ang makabuluhang paggamit ng Wikang Filipino at mga katutubong wika sa panahon ng digitalisasyon at Artificial Intelligence.