31/08/2026
"Sining ng nakaraan, kalayaan ng kasalukuyan." ๐จ
Hindi lamang sa libro nakatala ang mga sakripisyo at kabayanihan ng bawat bayaning Pilipino-nakatala din ito sa puso ng bawat Pilipino. โค๏ธ
Ngayong ika-31 ng Agosto, ating bigyang pagpupugay ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para makamit muli ng bawat Pilipino ang kasarinlang tinatamasa. ๐๏ธ
Alam niyo ba na marami sa ating mga bayani ay hindi lang nakipaglaban sa pamamagitan ng espada at baril, kundi sa pamamagitan din ng sining? Ang mga obrang tulad ng "Spoliarium" ni Juan Luna at ang mga sulatin ni Jose Rizal ang naging pinakamalakas na armas upang magising ang damdaming makabayan ng ating mga kababayan. ๐
Mula sa pamilya ng OCNHS Senior High School Arts and Design Track, buong-puso naming iniaalay ang aming mga likha, sining, at boses para sa inyong walang kapantay na tapang. Kayo ang nagbigay-kulay at hugis sa kalayaang tinatamasa namin ngayon, at gagamitin namin ang aming talento upang panatilihing buhay ang inyong alaala. โจ
Walang hanggang pasasalamat at saludo sa ating mga bayani, noon hanggang ngayon! ๐ซก๐ต๐ญ
๐ผ๏ธ: Ramiah Escaros
โ๏ธ: Mark Mejorada & Jerald Abueva