12/05/2026
Opisyal nang ipinasa sa 19th Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang Draft Ordinance No. 2025 O-30, Series of 2026, na inihain ni Hon. Eyrma Yvette Marzan-Estrella, na naglalayong kilalanin at palakasin ang mahalagang papel ng Barangay Violence Against Women and Children (VAWC) Desk Offices at VAWC Desk Officers bilang frontline service providers sa proteksyon at suporta para sa kababaihan at kabataan sa lungsod.
Sa ilalim ng panukalang ordinansa, itatatag ang isang Performance-Based Awards and Support Program para sa mga kwalipikadong VAWC Desk Offices at Desk Officers upang higit na mapalakas ang kanilang kakayahan, motibasyon, at institutional support sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Kinikilala ng panukala ang kritikal na papel ng mga VAWC Desk Officers sa pagtanggap ng mga reklamo, pagsasagawa ng initial risk assessment, pagproseso ng referrals, wastong documentation ng kaso, at pakikipag-ugnayan sa law enforcement agencies, social welfare offices, at mga korte upang matiyak ang agarang tulong at proteksyon para sa mga biktima ng violence against women and children.
๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐๐๐ป๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด:
* Kilalanin ang Barangay VAWC Desk Offices at Desk Officers bilang mahalagang frontline service providers sa bawat barangay
* Magtatag ng performance-based awards at recognition system upang kilalanin ang outstanding VAWC Desk Officers at Model Barangay VAWC Desks
* Magbigay ng trainings, seminars, certifications, at continuing education kaugnay ng VAWC case management, trauma-informed care, gender sensitivity, at legal procedures
* Maglaan ng welfare at psychosocial support mechanisms para sa mga VAWC Desk Officers, alinsunod sa umiiral na regulasyon
* Palakasin ang kapasidad ng mga barangay sa pagbibigay ng maagap, episyente, at survivor-centered na serbisyo
Ang ordinansang ito ay nagsisilbing mahalagang hakbang tungo sa mas matatag na support system para sa mga frontliners na nangangalaga sa kapakanan ng kababaihan at kabataan, habang pinapalakas ang lokal na mekanismo laban sa karahasan sa komunidad.
Authored and Sponsored by Councilor Eyrma Yvette Marzan-Estrella.