LTO Zambales Licensing Center

Directions Website

LTO Zambales Licensing Center Licensing Center

10/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng publiko at mga kawani ng pamahalaan bunsod ng inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon, ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na alinsunod sa Memorandum Circular No. 123 na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ang work-from-home (WFH) arrangement ngayong araw, Agosto 10, 2026, sa lahat ng tanggapan ng LTO sa National Capital Region (NCR), gayundin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Benguet, Pangasinan, Abra, Tarlac, Pampanga, Oriental Mindoro, at Bulacan.

Sa ganitong sitwasyon, hinihikayat ang publiko na bigyang-prayoridad ang kaligtasan at ipagpaliban muna ang mga planong transaksyon sa mga tanggapan ng LTO. Ang mga transaksyong hindi maisasagawa sa nasabing araw ay maaaring ipagpatuloy sa oras na maibalik ang regular na operasyon ng mga tanggapan.

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng LTO para sa mga susunod na update at manatiling alerto sa mga pagbabago sa lagay ng panahon. Higit sa lahat, manatiling ligtas at mag-ingat sa lahat ng oras.

05/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Southwest Monsoon, suspendido ang operasyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR), kabilang ang LTO Central Office at mga tanggapan nito sa NCR, gayundin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro, ngayong Agosto 6, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President.

Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban ang kanilang mga planong transaksyon at hintayin ang susunod na abiso hinggil sa pagpapatuloy ng regular na operasyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa. Patuloy na subaybayan ang opisyal na mga anunsyo ng LTO para sa iba pang mga update at manatiling ligtas sa gitna ng patuloy na masamang panahon.

16/07/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa buong bansa.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang online transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.

04/06/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Magandang balita!

Maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System (LTMS) para sa inyong mga transaksyon.

Maari na po kayong magpatuloy sa inyong mga transaksyon tulad ng:

β€’ Renewal ng driver’s license
β€’ Rehistro ng mga sasakyan
β€’ Iba pang kaugnay na online services

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pasensya at pag-unawa sa nangyaring technical issue. Nauunawaan namin ang abalang dulot nito.

Paalala: Maaari nang i-access ang LTMS Portal at ipagpatuloy ang inyong mga nakabinbing transaksyon. Para sa maayos na karanasan, siguraduhing stable ang inyong internet connection at i-refresh ang inyong browser bago mag-login.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikipagtulungan.

03/06/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Pansamantalang offline ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa nararanasan na technical issue, ngayong araw ika-3 Hunyo 2026.

Sa kasalukuyan, pansamantalang tigil operasyon ang mga sumusunod na serbisyo:

β€’ Renewal ng driver’s license
β€’ Rehistro ng mga sasakyan
β€’ Lahat ng kaugnay na ancillary services

Pinaaalalahanan ang lahat na pansamantalang ipagpaliban muna ang kanilang mga transaksyon at manatiling nakaantabay sa opisyal na mga anunsyo ng ahensya para sa updates.

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa, pasensya, at pakikiisa.

Agad na maglalabas ng abiso ang ahensya sa sandaling may progreso na sa system.

🌟 ROAD SAFETY MONTH 2026 🌟**β€œSomeone is waiting for you at home.”** ❀️Every time you drive, remember that someone is wai...
29/05/2026

🌟 ROAD SAFETY MONTH 2026 🌟

**β€œSomeone is waiting for you at home.”** ❀️

Every time you drive, remember that someone is waiting for your safe return β€” your family, friends, and loved ones. Being a good driver is not only about following the rules, but also about protecting lives, including your own.

❀️ **BE A GOOD DRIVER:**
βœ… Obey traffic laws and road signs
βœ… Drive sober and stay alert
βœ… Avoid distractions while driving
βœ… Respect fellow road users
βœ… Keep a safe distance
βœ… Be patient and calm on the road

**Remember:**
πŸš— Safe driving saves lives.
πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Someone loves you and is waiting for you at home.
πŸ’™ Drive responsibly. Arrive safely.

This Road Safety Month 2026, let us work together in creating safer roads and a more disciplined community for everyone.

**Drive safely. Come home safely.** 🏑❀️

29/05/2026

🚦 ISANG MALI, HABAMBUHAY ANG PAGSISISI.

Ang kaligtasan sa kalsada ay responsibilidad ng bawat motorista at pasahero. Magmaneho nang may disiplina, iwasan ang distraksyon, at sundin ang batas trapiko. Buhay ang nakataya sa bawat biyahe.

πŸ›΅πŸš— Mag-ingat. Magpakaligtas.
Buhay ay mahalaga.








🚦 ROAD SAFETY MONTH 2026 πŸš¦β€œSafety Starts With You.”This May 2026, let us unite in promoting safer roads for everyone. Ev...
27/05/2026

🚦 ROAD SAFETY MONTH 2026 🚦
β€œSafety Starts With You.”
This May 2026, let us unite in promoting safer roads for everyone. Every driver, passenger, cyclist, and pedestrian has a role in preventing accidents and saving lives.
πŸ›‘ ROAD SAFETY REMINDERS:
βœ”οΈ Always wear your seatbelt and helmet
βœ”οΈ Never drink and drive
βœ”οΈ Avoid using mobile phones while driving
βœ”οΈ Follow traffic signs and speed limits
βœ”οΈ Give way to pedestrians
βœ”οΈ Drive with patience and discipline
Remember:
🚘 A responsible driver protects lives.
🚸 Road safety is not just a rule β€” it is a responsibility.
❀️ One safe decision can save a family from heartbreak.
Let us work together to create safer roads and a more disciplined community for all.




10/04/2026

ππ”ππ‹πˆπ‚ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜

The Land Transportation Office (LTO) adopts a 4-day on-site and 1-day work-from-home arrangement as part of government energy conservation measures amid rising global oil prices.

Under Memorandum Circular No. MVL-2026-4999, all frontline services will remain open from Monday to Friday, transactions such as driver's licensing, motor vehicle registration, adjudication, and other public facing services will continue without disruption.

For non-client-facing units, a 4-day onsite work arrangement (Monday to Thursday) and work-from-home every Friday will be implemented.

Address

2nd Flr Pag-Asa Public Market
Olongapo
2200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Zambales Licensing Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share