25/08/2021
π§ππ‘ππ‘ππ‘: Pinahihintulutan na pong muli ang walk-in sa pagpapabakuna ng mga nabibilang sa Priority Groups A1-A5 sa mga vaccination sites sa Bataan Peopleβs Center, Vista Mall, at PENELCO-Red Cross Bakuna Center simula ngayong araw, ika-26 ng Agosto hanggang bukas, Biyernes, ika-27 ng Agosto.
Narito po ang nakalaang slots para bukas sa mga nasabing vaccination sites samantalang bibigyang prayoridad pa rin ang mga nauna nang nakakuha ng appointment:
* Bataan Peopleβs Center - 2,100
* Vista Mall - 300
* PENELCO-Red Cross Bakuna Center - 400
Muli, dahil kasalukuyang nasa ilalim ng MECQ with Heightened Restrictions ang bayan ng Mariveles, hindi muna pahihintulutang magtungo sa tatlong vaccinations sites ang mga residente ng nasabing bayan.
Mananatili pong bukas ang tatlong vaccination sites hanggang Biyernes para sa tatanggap ng kanilang first dose. Para naman sa mga nakatakda nang magpabakuna ng second dose, mangyaring maghintay lamang po ng susunod na anunsiyo.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at ibayong pag-iingat po sa ating lahat.
π¨βπ©βπ§βπ¦
π
βοΈ